Posts

Showing posts from 2020

Jirapi Opinion: Dapat Bang Ibigay ni Mister ang Buong Sahod Niya sa Kanyang Misis?

Image
Wala nang patumpik-tumpik pa. Para sa akin, hindi required na ibigay ang buong sahod ni mister sa kanyang misis. Bakit? *Please note. Ito ay hindi panglalahat sa mga misis. Kasi ako, misis rin, pero hindi ako ganito. Hindi lahat ng misis ay marunong mag-budget nang tama. Kung sino ang mas magaling mag-budget at hindi maluho, siya dapat ang mag-manage ng pera. May ilang mga misis kasi na akala nila ay "needs" ang kanilang mga binibili, pero hindi namamalayan na ang mga ito pala ay "wants" lamang.  May mga misis na puros online shopping ang alam.  Mahilig din akong mag-Shopee at Lazada, pero umoorder lamang ako kapag "big sale." Hindi ako naorder kapag hindi at least 30% up ang discount. At ang inoorder ko lang ay mga diaper ni baby at groceries na bagsak-presyo, pati na rin mga magandang ipambenta. Ngayon kasi, lalo na't mas nauso ang online shopping dahil sa Covid-19 pandemic, maraming mga misis na ang na-adik sa online shopping at bumibili ng kung an

Jirapi Opinion: Pagbili ng Gamit ni Baby Nang Maaga, Masama Nga Ba?

Image
Sabi ng mga nakatatanda, wag daw bumili agad ng gamit ni baby nang maaga kasi masamang senyales ito na may hindi magandang mangyayari sa sanggol na nasa iyong sinapupunan. Mas maigi raw na magsimula bumili ng gamit ng baby kapag 7 months up na. Para sa akin, tama naman sila. Hindi ko pa noon naririnig ang kasabihan na ito noong ako'y nagbubuntis, pero pinili kong bumili ng gamit ng aking baby nang naging 6 months ang aking tiyan. Hindi naman sa pag-aano, pero may posibilidad pa kasi na mawala ang baby sa sinapupunan 6 months below. Kumbaga hindi pa siya kapit na kapit. Pero kapag 7 months na, premature man siyang ilabas ay malaki-laki na rin ang tiyansa niyang mabuhay. 6 months ako nagsimula bumili ng gamit para preparasyon in case manganak ako ng premature o 7 months. Inuna ko munang bilhin ang mga basic na gagamitin sa ospital para hindi masayang ang aming pera. Habang ako'y nagbubuntis, masugid akong tagasubaybay ng mga usapang nanay at buntis groups. At nakababasa ako ng mg

Coping with Morning Anxiety

Image
Tuwing umaga pagkagising, napupuno na agad yung utak ko ng pangamba. Maaalala ko agad ang mga masasamang balita, mga isipin tungkol sa pera, trabaho, sideline, gawain sa bahay, at dumagdag pa itong Covid. Sabi ng asawa ko, huwag daw ako mag-isip at wala naman daw kami mabibigat na problema. Tama nga naman siya, wala kaming gaanong problema. Pero "automatic" na nag-aalala agad ang utak ko tuwing umaga. Hindi mapigilan. Kahit ayoko mag-isip at mag-alala, kusang binobomba ang utak ko ng mga isipin. 😢 Hindi naman buong araw ay lagi akong nag-aalala. Kadalasan, tuwing umaga lang siya nagtatagal. Pero yung pag-aalala ko, umaabot sa punto na sumasakit ang batok ko. Nagkaroon din ako ng vertigo, dati naman wala. Minsan, hindi rin ako makahinga nang maayos. Pakiramdam ko, lagi rin akong tamad na tamad at naiinis. Nag-research ako kung ano ba itong nangyayari sakin. Base sa mga sintomas ko, morning anxiety daw ito. Napaka-uncomfortable sa pakiramdam kasi hindi ako makatrabaho nang ma

Mga Ginagawa Namin Para Hindi Mainip Si Baby Habang Lockdown

Image
Isa talaga sa mga pampatanggal-inip ng baby namin ay ang pagdala-dala namin sa kanya sa labas. Not necessarily sa mall. Kundi, madalas siyang isama ng tatay niya sa labas ng bahay para makasilay ng ibang view, ibang mga bagay, at ibang mga tao. Madalas tatambay sila sa kanto or sa may tindahan. Pero ngayong lockdown dahil sa Covid-19, bawal na magsilabas, kaya naman para matanggal ang inip niya, eto ang mga ginagawa namin: Panonood ng Youtube. Matagal na naming kasangga ang Youtube sa pantanggal ng inip ng baby namin. Pero para upgraded yung Youtube experience niya, nakikikanta kami at nakikisayaw sa mga pinapanood namin. Interactive kumbaga. Sa totoo lang, mas marami siyang natutuhang mga salita at actions sa Youtube kaysa kapag binabasahan ko siya. Mahilig siya manood ng Mother Goose Club, Kids Camp, Super Simple, at iba pa. Pero dapat iba-ibang Youtube Channel pinapanood niya kada araw para hindi siya magsawa. Pakikipaglaro sa mga pusa. Ang laking tulong din ng mga alaga

Alternative Mama Sita's Products Para sa Bawang, Sibuyas, at Luya

Image
Kumusta kayo ngayong covid crisis? Ang hirap ngayon ng buhay. Marami sa'tin ang nag-panic buy ng mga pagkain sa palengke, kabilang na rito ang mga pampalasa gaya ng bawang, sibuyas, at luya. Kahit pa imbakin nang tama ang mga ito, mayroon din talaga silang hangganan. Yung iba nagiging halaman na. Yung iba natutuyo, inaamag, o nabubulok. Ngayong pataas nang pataas ang mga kaso ng Covid-19, mahirap na lumabas para bumili. Pero ang hirap din mamuhay kapag walang bawang, sibuyas, at luya. Magiging matabang ang lasa ng mga pagkain natin. Mga pwedeng alternative sa bawang, sibuyas, at luya Share ko lang itong na-diskubre kong products ng Mama Sita's. Pwedeng ito na lang ang bilhin mo para gawing pampalasa sa iyong mga lutuin ngayong quarantine. Ang mga binili ko ay Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base at Ginger Garlic Simmer Sauce. Yung Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base, pwede siya sa mga pagkaing ginigisa, hindi lang sa pansit, kasi ang pinaka-ingredients

Iba't Ibang Paraan Upang Magamot ang UTI Habang Nagbubuntis

Image
Habang nagbubuntis, mataas ang tyansang magkaroon ng UTI o urinary tract infection. Ang matres kasi ay nasa bandang ibabaw lamang ng pantog. Kapag ang bata sa matres ay unti-unti nang lumalaki, pwedeng maipit nito ang mga daluyan ng ihi. Dahil dito, hindi makadaan nang maayos ang ihi at naiipon lamang ito sa loob, kaya naman pinamamahayan na ito ng mga bacteria. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung hindi siya madalas maligo. Siyempre, kapag tamad maligo, hindi rin nahuhugasan ang ari. Bukod dito, mas high risk ang pagkakaroon ng UTI ng mga buntis kasi mas marami na silang mga vaginal secretions. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung mahilig siyang kumain ng maaalat at hindi palainom ng tubig. Mga sintomas ng UTI sa buntis Maaaring may UTI ka kung nananakit ang ari mo habang umiihi at makikita mo na malabo, madilaw na maputi, at mapanghi ang iyong ihi. Pwede ka ring makaranas ng pananakit ng puson at balakang, pananakit ng ari habang nakikipagtalik, pa

Jirapi's MamyPoko InstaSuot Diaper Pants Review

Image
Love ko talaga ang MamyPoko na diaper brand, kasi may favorite akong diaper lines nila. Kabilang sa mga favorite kong diaper lines nila ay: MamyPoko Extra Soft Tape Diaper - yung kulay blue ang packaging (read my review ) MamyPoko Pants Extra Dry Unisex - yung kulay mint green ang packaging (read my review ) This time, ang i-review ko naman ay yung MamyPoko InstaSuot Diaper Pants, yung kulay yellow ang packaging. MamyPoko InstaSuot Diaper Pants Review / MamyPoko Yellow Pants Diaper Review Packaging and design. Kulay yellow ang packaging ng MamyPoko InstaSuot Diaper Pants. Sa design naman ng mismong diaper, cute siya. Ang complaint ko lang, walang nakasulat sa diaper kung alin ang front or back. Hindi ko malaman kung alin ang front or back  Fitment and sizing. Sa kasalukuyan, large pa rin ang size ng baby ko na 1 year old sa halos lahat ng ibang brand ng diaper. Pero etong nirereview ko, extra large ang size. Maliit ang sizing ng MamyPoko. Okay naman ang fitment

Kinakabag ang Aking Baby. Ano ang Dapat Gawin?

Image
Ang sabi ng matatanda at experienced mommies, kapag walang humpay sa pag-iyak ang baby, kinakabag daw ito. Ayon sa mga medical articles na nababasa ko, walang tiyak na cause ang kabag o colic. Pero ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng tiyan ng sanggol ng labis na hangin. Kapag tatapikin mo ang kanyang tiyan, parang tunog tambol ito. Isa sa mga pinaniniwalaang nagdudulot ng kabag sa baby ay ang pag-inom ng gatas, lalo na yung mga formula milk. Dahil mas mahirap tunawin ang formula milk kaysa sa breastmilk, naiipon lamang ito sa tiyan at gumagawa ito ng labis na hangin. Kung hindi naman dahil sa gatas, pwede ring mapasukan ng extrang hangin ang tiyan ng baby kapag siya ay umiiyak o kaya naman ay palagiang nakatutok sa kanya ang electric fan. Mga Pwedeng Gawin Upang Magamot ang Kabag ng Baby Upang magamot ang kabag ni baby, try niyong gawin ang mga sumusunod: Padighayin si baby pagkatapos dumede. Sa mga unang buwan ni baby, napaka-importante na padighayin siya pagkatapos du

Jirapi's EQ Plus Tape Diaper Review

Image
Nang maubos na ang isang pack ng EQ Dry tape diaper ni baby, sinunod naman naming subukan yung EQ Plus tape diaper. (Read my EQ Dry Tape Diaper Review ) Ang EQ Plus tape diaper ay ang economy tape diaper ng EQ. Yung EQ Dry tape diaper ang premium nila. Compared sa EQ Dry, mas gusto ko etong EQ Plus. Read why. EQ Plus Tape Diaper Review Packaging and design. Okay naman ang packaging niya. Color blue siya and transparent yung gitna. BTW, ang nirereview ko rito is yung large size ng EQ Plus tape diaper. For other sizes, iba-iba ang color ng packaging. For the design ng diaper, cute naman siya. May owl prints ang diaper at color yellow yung waistband. Pwede siyang pang-boy or girl. Fitment and sizing. Compared sa EQ Dry (yung premium tape diaper ng EQ), mas makipot etong EQ Plus. Nevertheless, nacocover pa rin niya naman ang buong pwet ng aking baby. Mas gusto ko nga ang fitment at sizing ng EQ Plus kesa EQ Dry kasi hindi siya gaanong bulky. Unlike sa EQ Dry, masyadong m

Gamot sa Ubo at Sipon ng Buntis: Ligtas na Home Remedies

Image
Hindi naman ako naging sakitin noong nagbuntis ako. Hindi ako nagkaroon ng ubo at sipon. Pero marami akong nakikitang mga buntis na nagtatanong sa mga Facebook pregnancy groups kung anu-ano bang mga gamot o home remedies ang pwedeng gawin upang gumaling ang kanilang ubo at sipon. Kaya naman nag-research na rin ako. Base sa aking mga nabasa, mayroon namang mga safe o ligtas na gamot para sa ubo't sipon ng buntis. Pero inirerekomenda ng ilang mga ob-gyne na iwasan ang pag-inom ng anumang klase ng gamot sa mga unang 12 linggo ng pagbubuntis kasi dito pinaka-nagdedevelop ang mga organs ni baby. Ligtas na Home Remedies Para sa Ubo at Sipon ng Buntis Para sa akin, susubukan ko muna ang mga home remedies bago ako uminom ng mga gamot para mas natural at safe. If ever na magka-ubo at sipon kayo while pregnant, subukan niyo muna itong mga home remedies na nakalap ko: Uminom ng maraming tubig. Mas okay kung maligamgam na tubig, pero kung hindi mo gusto ang maligamgam, pwede na r

Pwede ba Magpadede Kahit May Ubo, Sipon, o Lagnat ang Nanay?

Image
Kung ikaw ay isang breastfeeding mom, siguro sumasagi sa isip mo kung pwede ka pa rin bang magpadede o magpasuso kahit na ikaw ay may sakit gaya ng ubo, sipon, at lagnat. Hindi mo talaga maiiwasan ang mag-alala na baka mahawa ang iyong baby sapagkat sa pagpapasuso, napaka-close ang contact niyo sa isa't isa. Pagpapadede sa baby kahit may sakit ang ina Ayon sa mga doktor at sa mga health articles na aking nabasa, pwede pa rin naman magpadede o magpasuso kay baby kahit na ikaw ay may sakit kung ito ay mga pangkaraniwang sakit lamang. Ang breastmilk o gatas ng ina ay naglalaman ng mga antibodies na makatutulong kay baby upang mas lumakas ang kanyang resistensya at malabanan din ang mga pangkaraniwang sakit. Mga pag-iingat na dapat gawin habang nagpapasuso nang may sakit Bagama't okay lang na magpadede kay baby kahit may sakit ang isang ina, iminumungkahi na gawin pa rin ang mga sumusunod na pag-iingat upang hindi mahawaan si baby: Kung may ubo at sipon, magsuot ng f

Kulay Itim na Dumi ni Baby? Wag Muna Mag-Panic

Image
Sanay tayo na ang dumi ng ating mga baby ay kulay dilaw, maberde-berde, o kulay brown. Pero paano kung naging kulay itim ito? Ibig bang sabihin nun ay may sakit ang ating mga sanggol? Posibleng oo, pero posible ring hindi. Bakit nga ba nagiging kulay itim ang dumi ni baby? 1. Dahil sa kanyang kinakain Bago muna mag-panic at dalhin agad si baby sa pedia o ospital, isipin muna kung ano ba ang naipakain mo sa iyong baby. May mga pagkain na nakapagpapaitim ng kanilang dumi. Halimbawa nito ay saging, berries, prunes, at grapes. Share ko lang mga nay at tay experience namin. Noong first time naming pinakain si baby ng saging, kinabukasan ay tumae siya ng kulay dilaw pero may bahid na kulay itim ang kanyang dumi. Yung pagka-itim niya ay parang guhit-guhit, may tuldok-tuldok din. Aakalain mo na yung itim-itim sa dumi niya ay mga bulate. Medyo kinabahan kaming mag-asawa. Pero kalma lang din kami kasi wala namang ibang mga sintomas si baby. Masigla siya, yun nga lang, may itim-iti

Jirapi's EQ Dry Tape Diaper Review

Image
EQ Dry Tape Diaper Review After maubos ng isang pack ng EQ Pants (read review ), ang triny naman namin kay baby ay yung EQ Dry. Sa pagkakaalam ko, ang EQ Dry ay yung pangmalakasang tape diaper ng EQ. Tatlo kasi tape diapers nila: EQ Colors, EQ Plus, at EQ Dry. Yung EQ Colors, pinakamahinang klase ng tape diaper nila, yung EQ Plus yung midline, then yung EQ Dry yung premium. Magsusulat din ako ng review about EQ Plus, pakihintay na lang. Hindi ko rereviewhin yung EQ Colors kasi hindi ako bumili noon at plastic daw ang backsheet nun. Ayaw ng asawa ko yung mga plastic. So balik na tayo sa topic. Worth it ba bumili ng EQ Dry Tape Diaper? Here's my EQ Dry Tape Diaper review. EQ Dry Tape Diaper Review Packaging and design. Minsan, nakakalito rin bumili ng EQ diapers sa grocery stores kasi ang dami nilang products. Pero kapag bibili kayo ng EQ Dry, madali lang naman madistinguish sa iba. Malaki yung pagkakasulat ng "EQ Dry" sa packaging at may toddler na nakasalamin

Jirapi's GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines

Image
Jirapi's GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines Here's another diaper review. This time, yung GOO.N Tape Excellent Dry ang sinubukan namin for our baby. Ang GOO.N Tape Excellent Dry ay ang premium tape diaper ng GOO.N. Ibig sabihin, ito yung pangmalakasang tape diaper nila. If nagdedecide kayo mga nay at tay sa pagbili ng diaper brand na ito, basahin niyo muna ang aking review, baka makatulong. GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines Packaging and design. Ang binili namin na diaper ay yung large size. Bale may dalawa siyang available prints sa isang pack. May prints na sheep at fish. Cute naman. Pwedeng pang-boy or girl. See below para sa actual pictures: GOO.N Tape Diaper Front Prints GOO.N Tape Diaper Back Prints Fitment and sizing.  Binili ko yung large diaper na GOO.N noong kaka-1 year old pa lang ni baby. Large na si baby sa iba't ibang diaper brands pero masyado pang malaki ang large size ng GOO.N sa kanya noon. So tinabi ko muna ulit at