Posts

Showing posts from May, 2020

Mga Ginagawa Namin Para Hindi Mainip Si Baby Habang Lockdown

Image
Isa talaga sa mga pampatanggal-inip ng baby namin ay ang pagdala-dala namin sa kanya sa labas. Not necessarily sa mall. Kundi, madalas siyang isama ng tatay niya sa labas ng bahay para makasilay ng ibang view, ibang mga bagay, at ibang mga tao. Madalas tatambay sila sa kanto or sa may tindahan. Pero ngayong lockdown dahil sa Covid-19, bawal na magsilabas, kaya naman para matanggal ang inip niya, eto ang mga ginagawa namin: Panonood ng Youtube. Matagal na naming kasangga ang Youtube sa pantanggal ng inip ng baby namin. Pero para upgraded yung Youtube experience niya, nakikikanta kami at nakikisayaw sa mga pinapanood namin. Interactive kumbaga. Sa totoo lang, mas marami siyang natutuhang mga salita at actions sa Youtube kaysa kapag binabasahan ko siya. Mahilig siya manood ng Mother Goose Club, Kids Camp, Super Simple, at iba pa. Pero dapat iba-ibang Youtube Channel pinapanood niya kada araw para hindi siya magsawa. Pakikipaglaro sa mga pusa. Ang laking tulong din ng mga alaga