Posts

Showing posts from May, 2019

Sweetbaby Plus Diaper Review: Sweet sa Pwet, Sweet sa Budget

Image
Hilig ko talaga ang mag-try ng iba't ibang diaper brands para sa aking baby. Kaya sinubukan ko rin ang Sweetbaby Plus diaper.

Note: Tape diaper ang Sweetbaby Plus.

Una ko siyang nakita sa Shopee. Pero meron din pala nito sa Robinsons Supermarket, sa baby section. Kaya bumili na lang muna kami doon ng isang pack for testing. Sayang din naman kasi ang shipping fee sa Shopee kapag hindi na-meet ang minimum order.

Kaya eto po ang aking Sweetbaby Plus Diaper Review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby.

Design. Maganda ang design ng Sweetbaby Plus diaper. Combination siya ng yellow at blue-green prints. Pwedeng pang-boy or girl.


Fitment. Dahil Pinoy-made ang Sweetbaby Plus diaper, tamang-tama ang fitment kay baby. Yun nga lang, mas maliit ang sizing niya compared sa ibang diaper brands na foreign ang manufacturers. Halimbawa, kung ang size ng baby niyo sa foreign diaper brands ay small, ang dapat niyong bilhin sa Sweetbaby Plus diaper ay medium.

Absorbent Pad.…

Laundry Hack: Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit

Image
Mga nay at tay na naka-toka sa paglalaba... Naranasan niyo na ba yung naglaba kayo ng mga damit ng inyong asawa o teenager na anak, pero yung amoy anghit naandon pa rin? Kahit ilang beses mong ulit-ulitin ang laba at ibabad sa kung anu-anong sabon at kalamansi ay wala pa rin.

Kung minsan naman, himalang natatanggal ang amoy anghit sa damit at akala mo tapos na ang iyong kalbaryo. Pero nang isinuot mo na ulit ito, bigla na namang umalingasaw ang amoy. Bonus pa, ang lagkit sa kili-kili. Naliligo naman kayo nang maayos at nag-deodeodorant, pero ang anghit sa damit, kapit na kapit. 😢 Kulang na lang eh itapon mo na lang yung mga damit at bumili na lang ng bago.

Parang wala ng solusyon kapag nakapitan na ng anghit ang damit. Pero huwag na kayo mabahala mga nay at tay! Narito na ang solusyon diyan. Kahit hindi niyo na i-handwash ang mga damit niyong may anghit, kahit sa washing machine na lang, matatanggal na yung amoy.

Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit Ang pantanggal lang pala sa a…