Sweetbaby Plus Diaper Review: Sweet sa Pwet, Sweet sa Budget

sweetbaby plus diaper review
Sweetbaby Plus Diaper Review

Hilig ko talaga ang mag-try ng iba't ibang diaper brands para sa aking baby. Kaya sinubukan ko rin ang Sweetbaby Plus diaper.

Note: Tape diaper ang Sweetbaby Plus.

Una ko siyang nakita sa Shopee. Pero meron din pala nito sa Robinsons Supermarket, sa baby section. Kaya bumili na lang muna kami doon ng isang pack for testing. Sayang din naman kasi ang shipping fee sa Shopee kapag hindi na-meet ang minimum order.

Kaya eto po ang aking Sweetbaby Plus Diaper Review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby.

Design. Maganda ang design ng Sweetbaby Plus diaper. Combination siya ng yellow at blue-green prints. Pwedeng pang-boy or girl.

sweetbaby plus diaper design

Fitment. Dahil Pinoy-made ang Sweetbaby Plus diaper, tamang-tama ang fitment kay baby. Yun nga lang, mas maliit ang sizing niya compared sa ibang diaper brands na foreign ang manufacturers. Halimbawa, kung ang size ng baby niyo sa foreign diaper brands ay small, ang dapat niyong bilhin sa Sweetbaby Plus diaper ay medium.

Absorbent Pad. Ang absorbent pad ng Sweetbaby Plus diaper ay cotton. Medyo bulky nga lang siya dahil makapal yung absorbent pad niya. Sing-bulky siya ng lumang version ng Huggies tape diaper (kung naabutan niyo). Pero understandable naman ito kasi economy version lang ito ng Sweetbaby. Kung gusto niyo ng mas manipis na diaper, i-avail niyo ang premium version ng Sweetbaby na ang tawag eh Sweetbaby Dry.

Wetness Indicator. Sa totoo lang, ang tagal ko ng gumagamit ng Sweetbaby Plus, pero hindi ko pa rin malaman kung nasaan ang wetness indicator niya. Tinitingnan ko sa packaging, dun sa may nakaturong arrow, wala naman ako makita. Then pag icocompare ko yung basang diaper sa hindi pa nagagamit, parang walang difference. Anyway, hindi naman gaano ka-importante ang wetness indicator. Kasi kahit na mag-change ng color ang wetness indicator, hindi pa rin naman totally na puno na ang diaper. Sa kapa-kapa ka pa rin babase.

Wiwi and Dryness Performance. Kung kagaya ko ikaw na nagpapadede sa baby every 3 hours, mapupuno na yung Sweetbaby Plus diaper within 8 hours. Considering na economy version siya, napakaganda na ng performance ng Sweetbaby Plus. Pero don't expect na after wiwi ay dry din yung private parts ng baby niyo. Hindi po.

sweetbaby plus diaper performance

Pupu Performance. Wala namang incidence na tumagas ang pupu ni baby sa Sweetbaby Plus kahit na madalas na malambot at runny ang pupu niya.

Pupu and Wiwi Performance. Pag nagpupu ang baby ko sabay wiwi, umaagos na yung wiwi at sabaw ng pupu. Natatabunan na kasi ng pupu yung absorbent pad. Pero halos lahat naman ng diaper brands ay ganito, lalo na kapag economy versions.

Nagkakarashes ba? Hindi nagkakarashes ang baby ko sa Sweetbaby Plus diaper. Naglalagay din kasi ako ng rash diaper cream as preventive measure.

Durability. Sobrang tibay ng Sweetbaby Plus diaper. Kahit punung-puno na ng wiwi, hindi nawawasak o naghihimulmol. Sa ibang diaper brands kasi, kapag puno na ang diaper, nasisira na agad yung fastening tapes at natitistis yung leak guards.

sweetbaby plus review

Breathability. Mayroong cloth-like cover ang Sweetbaby Plus. At kahit hindi pure cloth/cotton ang back sheet, breathable naman siya. Yun nga lang, hindi siya sing-lambot ng back sheet ng ibang diaper brands.

Price. Eto mga nay at tay ang pricing ng Sweetbaby Plus sa Lazada para may idea kayo.

1 s pack (36 pcs) = P193.4
1 m pack (32 pcs) = P193.4
1 l pack (28 pcs) = P193.4
1 xl pack (24 pcs) = P193.4
1 xxl pack (20 pcs) = P193.4

Bibili ba ako ulit ng Sweetbaby Plus diaper?


Yes. Kapag nag-iistock ako ng diapers, hindi nawawala ang Sweetbaby Plus diaper. Kahit na economy version siya, maganda ang performance niya sa wiwi at pupu.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on May 27, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments