Laundry Hack: Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit

paano tanggalin ang amoy anghit sa damit
Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit?

Mga nay at tay na naka-toka sa paglalaba... Naranasan niyo na ba yung naglaba kayo ng mga damit, pero yung amoy anghit naandon pa rin? Kahit ilang beses mong ulit-ulitin ang laba at ibabad sa kung anu-anong sikat na brands ng sabon at kalamansi ay wala pa rin.

Kung minsan naman, himalang natatanggal ang amoy anghit sa damit at akala mo tapos na ang iyong kalbaryo. Pero nang isinuot mo na ulit ito, bigla na namang umaalingasaw ang amoy. Bonus pa, ang lagkit sa kili-kili. Naliligo naman kayo nang maayos at nag-deodeodorant, pero ang anghit sa damit, kapit na kapit. 😢 Kulang na lang eh itapon mo na lang yung mga damit at bumili na lang ng bago.

Parang wala ng solusyon kapag nakapitan na ng anghit ang damit. Pero huwag na kayo mabahala mga nay at tay! Narito na ang solusyon diyan. Kahit hindi niyo na i-handwash ang mga damit niyong may anghit, kahit sa washing machine na lang, matatanggal na yung amoy.

Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit

Ang pantanggal lang pala sa anghit na kumapit sa damit ay ang kombinasyon ng baking soda at suka. Eto yung process ng paglalaba:
  1. Lagyan ng tubig ang washing machine at tunawan ito ng detergent powder na madalas niyong ginagamit.
  2. Haluan ng 3 kutsara ng baking soda.
  3. Haluan ng 5 kutsara ng white vinegar.
  4. Paikutin nang kaunti ang washing machine para mag-mix.
  5. Ilagay na yung mga labahin at i-set ang timer ng washing machine.
  6. Dalawang beses paikutin sa washing machine.
  7. Pigaan at banlawan nang maigi.
Puwede niyong damihan ang takal ng baking soda at suka depende sa dami ng inyong labahin. Very effective talaga yan mga nay at tay. Kasi noong isang beses na naubusan ako ng baking soda, napilitan na lang ako maglaba kahit wala yun. Pero bumalik ulit yung amoy anghit sa aming mga damit. Kaya naman ngayon, sinisigurado kong hindi na kami mauubusan ng stock ng baking soda.

Para sa Sobrang Maanghit na Damit

Kung hindi effective mga nay at tay yung mga unang steps na binigay ko, try niyo ito. Madalas kasi, nagiging mas maanghit yung kili-kili at damit kapag mas aktibo sa exercise o may physical labor work ang isang tao.
  1. Maglagay ng tubig sa palanggana. Haluan ito ng 5-7 kutsara ng baking soda. Wala munang suka at detergent powder. Note: Huwag gaanong damihan ang tubig, yung mailulubog mo lang yung labahin mo para maging mas mabisa ang baking soda. Kayo na rin bahala mag-tantya kung gaano karaming baking soda.
  2. Ibabad ang maaanghit na damit sa palanggana ng overnight, at least 12 hours.
  3. Pagkatapos ibabad, labhan na ito sa washing machine.
  4. Haluan ang tubig sa washing machine ng 3 kutsara ng baking soda, 5 kutsara ng suka, at detergent powder. Paikutin nang kaunti para ma-mix. Note: Again, bahala na kayo kung gaano karaming baking soda at suka.
  5. I-set ang timer ng washing machine. Paikutin ang labahin ng 2 beses.
  6. Pigaaan at banlawan nang maigi.
Anu-ano mga nay at tay ang iba pang subok niyong paraan para matanggal ang amoy anghit sa damit? Share niyo sa comments!

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on May 6, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments