Posts

Showing posts with the label home and lifestyle

Mga Pwedeng Trabaho o Pagkakitaan ng mga Nanay o Tatay na Nasa Bahay, Pandemic Man o Hindi

Image
Madami akong nababasa sa mga mommy groups na hindi sila makapagtrabaho kasi walang magbabantay sa mga anak nila. Pero dear parents, baka hindi niyo pa alam, marami na ngayong online work at online business na pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang. Kaya ang magtrabaho at kumita habang nag-aalaga ng mga anak habang nasa bahay ay hindi na imposible. ðŸ‘Œ Unahin muna nating pag-usapan ang online work... Narinig ko na ang online work, pero wala naman akong tinapos, pang-matatalino lang yan... Mga nay at tay, yung karamihan sa mga ibibigay kong halimbawa ng online work ay hindi nangangailangan ng college diploma. Ang mga employer kasi sa online work ay halos taga-ibang bansa at hindi big deal sa kanila kung nakatapos ka man o hindi. Ang mahalaga ay may maipakikita kang skills. Halimbawa, gusto mong maging online graphic artist. Hindi mo need ng diploma sa fine arts. Basta creative ka at magaling mag-design, pwede ka pa ring matanggap. Sa online work, ang mga employer ay mas may pakialam sa

Mga Ginagawa Namin Para Hindi Mainip Si Baby Habang Lockdown

Image
Isa talaga sa mga pampatanggal-inip ng baby namin ay ang pagdala-dala namin sa kanya sa labas. Not necessarily sa mall. Kundi, madalas siyang isama ng tatay niya sa labas ng bahay para makasilay ng ibang view, ibang mga bagay, at ibang mga tao. Madalas tatambay sila sa kanto or sa may tindahan. Pero ngayong lockdown dahil sa Covid-19, bawal na magsilabas, kaya naman para matanggal ang inip niya, eto ang mga ginagawa namin: Panonood ng Youtube. Matagal na naming kasangga ang Youtube sa pantanggal ng inip ng baby namin. Pero para upgraded yung Youtube experience niya, nakikikanta kami at nakikisayaw sa mga pinapanood namin. Interactive kumbaga. Sa totoo lang, mas marami siyang natutuhang mga salita at actions sa Youtube kaysa kapag binabasahan ko siya. Mahilig siya manood ng Mother Goose Club, Kids Camp, Super Simple, at iba pa. Pero dapat iba-ibang Youtube Channel pinapanood niya kada araw para hindi siya magsawa. Pakikipaglaro sa mga pusa. Ang laking tulong din ng mga alaga

Laundry Hack: Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit

Image
Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit? Mga nay at tay na naka-toka sa paglalaba... Naranasan niyo na ba yung naglaba kayo ng mga damit, pero yung amoy anghit naandon pa rin? Kahit ilang beses mong ulit-ulitin ang laba at ibabad sa kung anu-anong sikat na brands ng sabon at kalamansi ay wala pa rin. Kung minsan naman, himalang natatanggal ang amoy anghit sa damit at akala mo tapos na ang iyong kalbaryo. Pero nang isinuot mo na ulit ito, bigla na namang umaalingasaw ang amoy. Bonus pa, ang lagkit sa kili-kili. Naliligo naman kayo nang maayos at nag-deodeodorant, pero ang anghit sa damit, kapit na kapit. 😢 Kulang na lang eh itapon mo na lang yung mga damit at bumili na lang ng bago. Parang wala ng solusyon kapag nakapitan na ng anghit ang damit. Pero huwag na kayo mabahala mga nay at tay! Narito na ang solusyon diyan. Kahit hindi niyo na i-handwash ang mga damit niyong may anghit, kahit sa washing machine na lang, matatanggal na yung amoy. Paano Tanggalin ang Amoy Anghit s