Posts

Showing posts from August, 2020

Jirapi Opinion: Pagbili ng Gamit ni Baby Nang Maaga, Masama Nga Ba?

Image
Sabi ng mga nakatatanda, wag daw bumili agad ng gamit ni baby nang maaga kasi masamang senyales ito na may hindi magandang mangyayari sa sanggol na nasa iyong sinapupunan. Mas maigi raw na magsimula bumili ng gamit ng baby kapag 7 months up na. Para sa akin, tama naman sila. Hindi ko pa noon naririnig ang kasabihan na ito noong ako'y nagbubuntis, pero pinili kong bumili ng gamit ng aking baby nang naging 6 months ang aking tiyan. Hindi naman sa pag-aano, pero may posibilidad pa kasi na mawala ang baby sa sinapupunan 6 months below. Kumbaga hindi pa siya kapit na kapit. Pero kapag 7 months na, premature man siyang ilabas ay malaki-laki na rin ang tiyansa niyang mabuhay. 6 months ako nagsimula bumili ng gamit para preparasyon in case manganak ako ng premature o 7 months. Inuna ko munang bilhin ang mga basic na gagamitin sa ospital para hindi masayang ang aming pera. Habang ako'y nagbubuntis, masugid akong tagasubaybay ng mga usapang nanay at buntis groups. At nakababasa ako ng mg