Posts

Showing posts from 2019

An Unbiased EQ Pants Diaper Review

Image
Bumili ako ng maraming diaper lines ng EQ sa Lazada. Ito-ito yung mga binili ko:

- EQ Pants
- Genius Pants
- EQ Plus
- EQ Dry


Ang hindi ko lang binili ay yung EQ Colors, kasi nabasa ko sa reviews, plastic ang back sheet niya. Ayaw ng asawa ko para sa baby namin yung mga diaper na may plastic back sheet. Kaya naman kahit napaka-affordable ng EQ Colors, hindi ko na lang siya binili. Pero ewan din. Kung sakaling magipit kami, siyempre dun kami sa mas mura.

EQ Pants Diaper Review
So, eto na yung review ko sa EQ Pants diaper. Bale large yung binili namin. Sana makatulong ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby.

Packaging and design. Since maraming diaper lines ang EQ, baka malito kayo sa pagbili sa grocery store or online shop. Kung naghahanap kayo ng EQ Pants diaper, eto yung may green at blue na packaging. Hindi ko na napicturan yung binili ko, pero eto ang itsura niya:
Kumpara sa ibang diaper brands, ang EQ Pants na large ay mayroon lang isang design or print. Eto ang itsura n…

MamyPoko Pants Extra Dry Unisex Review Philippines: Ang Pangmalakasang Pants-Type Diaper

Image
Masugid talaga kami na taga-subok ng lahat ng diaper lines ng MamyPoko brand. Yung mga sumusunod, eto yung mga nasubukan na namin:

- MamyPoko Extra Soft Tape Diaper (Read my review)
- MamyPoko Pants Extra Dry for Girls (Wala pa akong review)
- MamyPoko Pants InstaSuot (Wala pa akong review)
- MamyPoko Pants Lovely Day and Night (Read my review)

This time, we tried MamyPoko Pants Extra Dry Unisex for our baby. It is MamyPoko's premium pants-type diaper pero ang design ay pang-unisex. Before kasi, may pang-boy at pang-girl sila. Hindi ko lang sure kung iphaphase-out na nila yun kasi pansin ko, hindi na sila nagrereplenish ng stocks sa Lazada or Shopee ng smaller sizes. Mga XXL at XXXL na lang ang halos natitira.

So eto nga. May bago silang diaper pants na MamyPoko Pants Extra Dry Unisex, yung kulay mint green ang packaging. Actually, nagdalawang isip akong bilhin ito kasi yung MamyPoko Pants Extra Dry for Girls nila ay hindi gaanong maganda ang performance kahit premium siya. Hindi…

MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines: MamyPoko's Above Average Diaper Line

Image
Favorite ko talaga i-try ang lahat ng diaper lines ng MamyPoko brand. Ang unang diaper line na na-try namin for our baby is yung MamyPoko Extra Soft Tape Diaper (read my review here). So noong ni-release ang MamyPoko Pants Lovely Day and Night, agad akong bumili sa Lazada. Sa pagkakaalam ko, ito yung above average nilang diaper line. Kumbaga mas powerful daw ito sa kanilang MamyPoko Pants InstaSuot (yung color yellow ang packaging). Na-try na rin namin yung InstaSuot pero hindi ko napicturan noon kaya hindi ako makasulat ng review. Pero naka-line up na siya sa diaper stocks ni baby. So eto munang Lovely Day and Night ang i-review natin.

MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines
Packaging and design. Pag-usapan muna natin ang packaging and design niya. So far, so cute. Nagustuhan ko yung orange and green packaging niya. Karamihan kasi ng packaging ng halos lahat ng diaper brands ay color blue. Kumbaga, fresh siya sa mata. At si Poko-chan ang bida sa packaging imbis na real…

A Super Honest Review About QPants Baby Diaper

Image
Na-engganyo ako bumili ng QPants baby diaper kasi tadtad ang Facebook newsfeed ko ng ads nila. Bukod dito, yung mga fino-follow kong mga parent blogger ay prino-promote ang QPants. So by the time na naubos na yung current stocks ko ng baby diapers, bumili ako ng 4 packs (15 pcs/pack) ng QPants sa Lazada. I'm very excited to try QPants to my baby kaso nadisappoint ako, pati na rin asawa ko.😔
Absorbency experiment reviews on QPantsIf magsesearch kayo mga nay at tay ng mga review about QPants baby diaper sa Google or sa YouTube, mapapanood niyo yung mga review na binubuhusan yung QPants ng tubig para ipakita na okay siya mag-absorb. Super convincing talaga.  Kaso mga nay at tay, okay naman talaga mag-absorb ang karamihan ng diaper brands kapag sa ganoong experiments lang. Nakalatag lang kasi nang flat ang diaper sa isang surface, at siyempre, even din ang distribution ng tubig sa diaper kasi nga naka-flat lang. Pero how about kapag suot na ito ng baby? Promise mga nay at tay, iba ang …

Paano Painumin ng Tubig si Baby

Image
Noong first try namin pinainom ng tubig si baby, uminom naman agad siya. Ang problema, after 4-5 sips sa feeding bottle, nasasamid siya. Dahil siguro sa walang lasa ang tubig, hindi niya alam kung kailan siya magprepreno sa pag-inom kaya nasasamid.

Medyo natakot akong painumin ulit si baby ng tubig, kasi every time na iinom siya, laging nasasamid at sobrang namumula ang mukha niya. Kaya I temporarily stopped giving water. Pero dahil alam kong need din talaga ni baby uminom ng tubig, nag-research ako ng ibang ways kung paano painumin ng tubig si baby ng water.
1. Magdagdag ng tubig sa katatapos lang na ininumang feeding bottle.
Formula feeding si baby, kaya nainom siya ng milk via baby bottle. Since nahihirapan si baby uminom ng pure water, naisipan kong dagdagan ng tubig ang baby bottle niya after uminom ng gatas. Then i-shashake ko na lang. That way, magkakaroon ng kaunting lasa yung tubig dahil sa leftover milk. Mga 1 ounce lang ng water dinadagdag ko every after feeding. Iiincreas…

Sweetbaby Plus Diaper Review: Sweet sa Pwet, Sweet sa Budget

Image
Hilig ko talaga ang mag-try ng iba't ibang diaper brands para sa aking baby. Kaya sinubukan ko rin ang Sweetbaby Plus diaper.

Note: Tape diaper ang Sweetbaby Plus.

Una ko siyang nakita sa Shopee. Pero meron din pala nito sa Robinsons Supermarket, sa baby section. Kaya bumili na lang muna kami doon ng isang pack for testing. Sayang din naman kasi ang shipping fee sa Shopee kapag hindi na-meet ang minimum order.

Kaya eto po ang aking Sweetbaby Plus Diaper Review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby.

Design. Maganda ang design ng Sweetbaby Plus diaper. Combination siya ng yellow at blue-green prints. Pwedeng pang-boy or girl.


Fitment. Dahil Pinoy-made ang Sweetbaby Plus diaper, tamang-tama ang fitment kay baby. Yun nga lang, mas maliit ang sizing niya compared sa ibang diaper brands na foreign ang manufacturers. Halimbawa, kung ang size ng baby niyo sa foreign diaper brands ay small, ang dapat niyong bilhin sa Sweetbaby Plus diaper ay medium.

Absorbent Pad.…

Laundry Hack: Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit

Image
Mga nay at tay na naka-toka sa paglalaba... Naranasan niyo na ba yung naglaba kayo ng mga damit ng inyong asawa o teenager na anak, pero yung amoy anghit naandon pa rin? Kahit ilang beses mong ulit-ulitin ang laba at ibabad sa kung anu-anong sabon at kalamansi ay wala pa rin.

Kung minsan naman, himalang natatanggal ang amoy anghit sa damit at akala mo tapos na ang iyong kalbaryo. Pero nang isinuot mo na ulit ito, bigla na namang umalingasaw ang amoy. Bonus pa, ang lagkit sa kili-kili. Naliligo naman kayo nang maayos at nag-deodeodorant, pero ang anghit sa damit, kapit na kapit. 😢 Kulang na lang eh itapon mo na lang yung mga damit at bumili na lang ng bago.

Parang wala ng solusyon kapag nakapitan na ng anghit ang damit. Pero huwag na kayo mabahala mga nay at tay! Narito na ang solusyon diyan. Kahit hindi niyo na i-handwash ang mga damit niyong may anghit, kahit sa washing machine na lang, matatanggal na yung amoy.

Paano Tanggalin ang Amoy Anghit sa Damit Ang pantanggal lang pala sa a…

MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines: Okay Ba Ito Para Kay Baby?

Image
Moms and dads, baka huli na kayo sa balita. May MamyPoko Extra Soft Tape Diapers na. Yes, tape. Hindi lang pants ang products ni MamyPoko ngayon.

Sa naaalala ko, bago lang yung tape diapers nila. Parang netong December 2018 lang ni-launch yung tape diapers sa Shopee at Lazada. Hindi ko lang sure.

Hindi ko noon pinapansin si MamyPoko kasi hindi ko prefer ang pants at mas mahal siya sa ibang diaper brands. Pero na-cucurious talaga ako sa MamyPoko dahil ang dami kong naririnig na positive reviews. Kaya naman noong nagka-tape diapers sila, agad-agad akong bumili para i-try sa baby ko.

Update (11/30/2019): Gusto ko na rin ang pants-type diapers ngayon. Mas convenient isuot sa malikot na baby.

MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines
Sa moms and dads na nag-iisip kung worth it nga ba ang MamyPoko, here is my unbiased MamyPoko tape diaper review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby.

FYI, ang nirereview ko rito is yung small size. Yung ibang diapers kas…