An Unbiased EQ Pants Diaper Review

EQ Pants Diaper Review

Bumili ako ng maraming diaper lines ng EQ sa Lazada. Ito-ito yung mga binili ko:

- EQ Pants
- Genius Pants
- EQ Plus
- EQ Dry

My EQ diaper haul!

Ang hindi ko lang binili ay yung EQ Colors, kasi nabasa ko sa reviews, plastic ang back sheet niya. Ayaw ng asawa ko para sa baby namin yung mga diaper na may plastic back sheet. Kaya naman kahit napaka-affordable ng EQ Colors, hindi ko na lang siya binili. Pero ewan din. Kung sakaling magipit kami, siyempre dun kami sa mas mura.

EQ Pants Diaper Review


So, eto na yung review ko sa EQ Pants diaper. Bale large yung binili namin. Sana makatulong ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby.

Packaging and design. Since maraming diaper lines ang EQ, baka malito kayo sa pagbili sa grocery store or online shop. Kung naghahanap kayo ng EQ Pants diaper, eto yung may green at blue na packaging. Hindi ko na napicturan yung binili ko, pero eto ang itsura niya:
EQ Pants: What it looks like!
Kumpara sa ibang diaper brands, ang EQ Pants na large ay mayroon lang isang design or print. Eto ang itsura ng mismong diaper, front and back:

EQ Pants: Front and back prints
Maganda naman ang print ng EQ Pants. Malilito ka lang sa una kung alin ba ang harap at likod. Then kapag nabasa ng wiwi, hindi gaanong nagiging mukhang gusgusin yung diaper. Kaya naman kahit walang saluwal si baby sa bahay, ok lang. Hindi nakakaasiwang tingnan yung diaper.

Fitment and sizing. Ok naman ang fitment ng EQ Pants diaper sa baby ko. Talagang na-huhug niya yung puwet at mga hita niya. Sa sizing naman, mas malaki siya kaysa sa mga large sizes ng MamyPoko. Mas malaki in a sense na mas mahaba siya. Pero yung lapad, halos same lang sa MamyPoko Pants Extra Dry Unisex. See pic below:

EQ Pants when worn
Wiwi performance. During daytime or kapag gising ang baby ko, tumatagal ang EQ Pants ng 5-6 hours. Pero there are many instances na kahit hindi pa puno yung diaper, naglealeak na agad. Ang nangyayari kasi, kapag nabasa na yung diaper ng wiwi, bumibigat yung diaper at lumilihis. So I guess dapat iimprove pa ng EQ yung waistband ng EQ Pants nila. Maganda ang fitment habang hindi pa nababasa, pero medyo sumasablay na ang fitment kapag nabasa na.

Pero kapag nighttime naman or kapag tulog na ang baby ko, umaabot ang EQ Pants diaper ng up to 8 hours. Yun nga lang, kapag pinaabot namin ng 8 hours, nagrarashes na si baby. Kaya pinapalitan na rin namin kapag 6 hours na ang tagal.

Pupu performance. Noong triny namin ang EQ Pants, nagkataong nagtatae yung baby namin since nagngingipin siya. Sadly, hindi kaya ng EQ Pants i-contain yung masyadong liquid na pupu. I'm starting to think na mas weak talaga ang performance ng mga pants-type na diaper kumpara sa tape-type. Sa tape-type kasi, madalas kayang i-contain ang pupu ng mga baby na nagtatae.

Diaper features. Walang roll-back tape at wetness indicator ang EQ Pants. Understandable naman kasi hindi ito yung premium pants ng EQ. Sa pagkakaalam ko, Genius Pants ang premium nila.

Price. Ito ang pricing ng EQ Pants sa Lazada. By 10 pieces lang ang inilista ko diyan, puwera lang XXXL. Kung gusto makamura, yung bigger packs ang bilhin ninyo.

1 pack M pants (10 pcs) = P68
1 pack L pants (10 pcs) = P77
1 pack XL pants (10 pcs) = P85
1 pack XXL pants (10 pcs) = P89.75
1 pack XXXL pants (24 pcs) = P258

Bibili pa ba ako ng EQ Pants diaper?

Hindi na ako bibili ng EQ Pants diaper since madalas siya magleak sa wiwi, pati na rin pupu. Masyado akong napagod kakalaba ng mga bedsheet habang inuubos namin yung 40 pcs na large ng EQ Pants. Madami na ako na-try na diaper brands, pero sa EQ Pants pa lang nagrashes si baby.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on  Dec. 16, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments

  1. True ganyn nangyare sa diaper Ng anak ko na large masisira kahit konti palang Ang wiwi mas ok ung medium size

    ReplyDelete

Post a Comment