Posts

Showing posts from April, 2020

Alternative Mama Sita's Products Para sa Bawang, Sibuyas, at Luya

Image
Kumusta kayo ngayong covid crisis? Ang hirap ngayon ng buhay. Marami sa'tin ang nag-panic buy ng mga pagkain sa palengke, kabilang na rito ang mga pampalasa gaya ng bawang, sibuyas, at luya. Kahit pa imbakin nang tama ang mga ito, mayroon din talaga silang hangganan. Yung iba nagiging halaman na. Yung iba natutuyo, inaamag, o nabubulok. Ngayong pataas nang pataas ang mga kaso ng Covid-19, mahirap na lumabas para bumili. Pero ang hirap din mamuhay kapag walang bawang, sibuyas, at luya. Magiging matabang ang lasa ng mga pagkain natin. Mga pwedeng alternative sa bawang, sibuyas, at luya Share ko lang itong na-diskubre kong products ng Mama Sita's. Pwedeng ito na lang ang bilhin mo para gawing pampalasa sa iyong mga lutuin ngayong quarantine. Ang mga binili ko ay Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base at Ginger Garlic Simmer Sauce. Yung Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base, pwede siya sa mga pagkaing ginigisa, hindi lang sa pansit, kasi ang pinaka-ingredients

Iba't Ibang Paraan Upang Magamot ang UTI Habang Nagbubuntis

Image
Habang nagbubuntis, mataas ang tyansang magkaroon ng UTI o urinary tract infection. Ang matres kasi ay nasa bandang ibabaw lamang ng pantog. Kapag ang bata sa matres ay unti-unti nang lumalaki, pwedeng maipit nito ang mga daluyan ng ihi. Dahil dito, hindi makadaan nang maayos ang ihi at naiipon lamang ito sa loob, kaya naman pinamamahayan na ito ng mga bacteria. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung hindi siya madalas maligo. Siyempre, kapag tamad maligo, hindi rin nahuhugasan ang ari. Bukod dito, mas high risk ang pagkakaroon ng UTI ng mga buntis kasi mas marami na silang mga vaginal secretions. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung mahilig siyang kumain ng maaalat at hindi palainom ng tubig. Mga sintomas ng UTI sa buntis Maaaring may UTI ka kung nananakit ang ari mo habang umiihi at makikita mo na malabo, madilaw na maputi, at mapanghi ang iyong ihi. Pwede ka ring makaranas ng pananakit ng puson at balakang, pananakit ng ari habang nakikipagtalik, pa