Alternative Mama Sita's Products Para sa Bawang, Sibuyas, at Luya
Kumusta kayo ngayong covid crisis? Ang hirap ngayon ng buhay. Marami sa'tin ang nag-panic buy ng mga pagkain sa palengke, kabilang na rito ang mga pampalasa gaya ng bawang, sibuyas, at luya. Kahit pa imbakin nang tama ang mga ito, mayroon din talaga silang hangganan. Yung iba nagiging halaman na. Yung iba natutuyo, inaamag, o nabubulok.
Ngayong pataas nang pataas ang mga kaso ng Covid-19, mahirap na lumabas para bumili. Pero ang hirap din mamuhay kapag walang bawang, sibuyas, at luya. Magiging matabang ang lasa ng mga pagkain natin.
Mga pwedeng alternative sa bawang, sibuyas, at luya
Share ko lang itong na-diskubre kong products ng Mama Sita's. Pwedeng ito na lang ang bilhin mo para gawing pampalasa sa iyong mga lutuin ngayong quarantine. Ang mga binili ko ay Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base at Ginger Garlic Simmer Sauce.Yung Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base, pwede siya sa mga pagkaing ginigisa, hindi lang sa pansit, kasi ang pinaka-ingredients niya ay bawang at sibuyas. Yung Ginger Garlic Simmer Sauce naman, pwede siya sa mga pagkaing nilalagyan ng luya at bawang.
Bukod sa mabango at masarap, matagal pa ang shelf life. Nabili ko ito noong 11.11 sale sa Lazada last year. Sa totoo lang, napa-impulse buy ako kasi 50% off. Hindi talaga ako bumibili nito kapag nag-grogrocery kami kasi kapag Mama Sita's siyempre mahal yan. Pero ngayong covid crisis, nagpapasalamat ako at napa-impulse buy ako.
Ano ang lasa ng pagkain kung ito lang ang ilalahok?
Nag-try ako magluto ng mga ginisang ulam gamit lamang yung pancit-guisado mix. In fairness, masarap din siya. Then nag-try ako magluto ng tinola gamit yung pancit-guisado mix at ginger mix, lasang tinola pa rin. Wala talaga akong ginayat na mga bawang, sibuyas, at luya.Kaya mga nay at tay, kung mag-grogrocery kayo at may nakita kayong ganito, isama niyo na sa mga bibilhin niyo.
Ano ang presyo nila?
Ito yung presyo ng Mama Sita's products na binili ko:Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base = 155 pesos
Ginger Garlic Simmer Sauce = 140 pesos
Kung ikukumpara sa presyo ng mga sibuyas, bawang, at luya, sulit na! Kaunting kutsara lang, malasa na, tumatagal pa.
-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------
This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on April 15, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.
Comments
Post a Comment