Posts

Showing posts from January, 2020

Kulay Itim na Dumi ni Baby? Wag Muna Mag-Panic

Image
Sanay tayo na ang dumi ng ating mga baby ay kulay dilaw, maberde-berde, o kulay brown. Pero paano kung naging kulay itim ito? Ibig bang sabihin nun ay may sakit ang ating mga sanggol? Posibleng oo, pero posible ring hindi.

Bakit nga ba nagiging kulay itim ang dumi ni baby? 1. Dahil sa kanyang kinakain Bago muna mag-panic at dalhin agad si baby sa pedia o ospital, isipin muna kung ano ba ang naipakain mo sa iyong baby. May mga pagkain na nakapagpapaitim ng kanilang dumi. Halimbawa nito ay saging, berries, prunes, at grapes.

Share ko lang mga nay at tay experience namin. Noong first time naming pinakain si baby ng saging, kinabukasan ay tumae siya ng kulay dilaw pero may bahid na kulay itim ang kanyang dumi. Yung pagka-itim niya ay parang guhit-guhit, may tuldok-tuldok din. Aakalain mo na yung itim-itim sa dumi niya ay mga bulate.

Medyo kinabahan kaming mag-asawa. Pero kalma lang din kami kasi wala namang ibang mga sintomas si baby. Masigla siya, yun nga lang, may itim-itim ang dumi. N…

Jirapi's EQ Dry Tape Diaper Review

Image
After maubos ng isang pack ng EQ Pants (read review), ang triny naman namin kay baby ay yung EQ Dry. Sa pagkakaalam ko, ang EQ Dry ay yung pangmalakasang tape diaper ng EQ. Tatlo kasi tape diapers nila: EQ Colors, EQ Plus, at EQ Dry. Yung EQ Colors, pinakamahinang klase ng tape diaper nila, yung EQ Plus yung midline, then yung EQ Dry yung premium. Magsusulat din ako ng review about EQ Plus, pakihintay na lang. Hindi ko rereviewhin yung EQ Colors kasi hindi ako bumili noon at plastic daw ang backsheet nun. Ayaw ng asawa ko yung mga plastic.

So balik na tayo sa topic. Worth it ba bumili ng EQ Dry Tape Diaper? Here's my EQ Dry Tape Diaper review.

EQ Dry Tape Diaper Review
Packaging and design. Minsan, nakakalito rin bumili ng EQ diapers sa grocery stores kasi ang dami nilang products. Pero kapag bibili kayo ng EQ Dry, madali lang naman madistinguish sa iba. Malaki yung pagkakasulat ng "EQ Dry" sa packaging at may toddler na nakasalamin. See pic below:


Sa design ng mga diape…

Jirapi's GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines

Image
Here's another diaper review. This time, yung GOO.N Tape Excellent Dry ang sinubukan namin for our baby. Ang GOO.N Tape Excellent Dry ay ang premium tape diaper ng GOO.N. Ibig sabihin, ito yung pangmalakasang tape diaper nila. If nagdedecide kayo mga nay at tay sa pagbili ng diaper brand na ito, basahin niyo muna ang aking review, baka makatulong.

GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines
Packaging and design. Ang binili namin na diaper ay yung large size. Bale may dalawa siyang available prints sa isang pack. May prints na sheep at fish. Cute naman. Pwedeng pang-boy or girl. See below para sa actual pictures:


Fitment and sizing. Binili ko yung large diaper na GOO.N noong kaka-1 year old pa lang ni baby. Large na si baby sa iba't ibang diaper brands pero masyado pang malaki ang large size ng GOO.N sa kanya noon. So tinabi ko muna ulit at hinintay ko munang lumaki-laki pa si baby. Pagtapak niya ng 1 year and 2 months, pinagamit ko na yung GOO.N, and buti naman, sakto na sa kan…

Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak

Image
Moms, share ko lang yung mga isinilid ko sa hospital bag ko noong malapit na ako manganak. Kulang-kulang din naman kasi yung ibinibigay na listahan ng ospital. 😅

Bale 1 backpack at 1 large tote bag lang ang dala namin. Yung ibang mga nakalista rito, binili lang namin sa labas kaya baka magtaka kayo kung paano nagkasya lahat ng mga sinabi ko sa dalawang bags lang. Inilista ko na lang din para hindi kayo ma-short sa budget in case na may kailangan pala kayo bilihin sa labas.

Note: Applicable lang eto mga ma sa hospital setting ah. Yung tipong 2-3 days ka mag-stay sa ospital kahit normal delivery. Kung sa lying-in clinic kayo manganganak, mas kontian niyo na lang ang dala. Ang alam ko kasi, parang hanggang 24 hours lang pinag-iistay sa clinic kapag normal delivery. Kung CS naman kayo, mas marami siguro kayong dapat dalhin kasi mas mahaba ang stay niyo sa ospital.

Baby Things
Unahin muna natin yung para kay baby. Eto yung mga isinilid ko para sa kanya:

1. Mga Iaabot sa Nurse na Gamit ni …