Jirapi's EQ Dry Tape Diaper Review

eq dry tape diaper review
EQ Dry Tape Diaper Review

After maubos ng isang pack ng EQ Pants (read review), ang triny naman namin kay baby ay yung EQ Dry. Sa pagkakaalam ko, ang EQ Dry ay yung pangmalakasang tape diaper ng EQ. Tatlo kasi tape diapers nila: EQ Colors, EQ Plus, at EQ Dry. Yung EQ Colors, pinakamahinang klase ng tape diaper nila, yung EQ Plus yung midline, then yung EQ Dry yung premium. Magsusulat din ako ng review about EQ Plus, pakihintay na lang. Hindi ko rereviewhin yung EQ Colors kasi hindi ako bumili noon at plastic daw ang backsheet nun. Ayaw ng asawa ko yung mga plastic.

So balik na tayo sa topic. Worth it ba bumili ng EQ Dry Tape Diaper? Here's my EQ Dry Tape Diaper review.

EQ Dry Tape Diaper Review


Packaging and design. Minsan, nakakalito rin bumili ng EQ diapers sa grocery stores kasi ang dami nilang products. Pero kapag bibili kayo ng EQ Dry, madali lang naman madistinguish sa iba. Malaki yung pagkakasulat ng "EQ Dry" sa packaging at may toddler na nakasalamin. See pic below:


Sa design ng mga diaper, maganda naman siya. Pwede for boys or girls. Hindi ko na napicturan nang maayos ang mismong diaper. Ubos na kasi. Naalala ko lang picturan nung isa na lang ang natitira at nakasuot na kay baby. Pero same lang naman ang print ng front at back.

eq dry tape diaper design
EQ Dry Tape Diaper Print/Design
Fitment and sizing. Maganda ang fitment ng EQ Dry sa aking baby. And cover na cover yung buong pwetan niya. Kumpara sa Large size ng ibang diaper brands, eto yung may pinakamalaking sizing para sa akin (sa mga nasubukan ko na). If masyado naman malaki sa baby niyo, tantyahin niyo na lang kung paano i-adjust yung pagkakalagay.

eq dry tape diaper fitment
Eto yung front ng EQ Dry Tape Diaper


Wiwi performance. Dahil malaki ang sakop ng EQ Dry Tape Diaper, inaasahan ko na magtatagal siyang i-hold ang wiwi ng aking baby. Pero medyo nakaka-disappoint. Hanggang 5 hours lang tinatagal during daytime. Then maglealeak na kasi hindi nagagamit yung back part ng diaper. Napopondo lang ang wiwi sa unahan. Hindi sulit ang pagka-premium. Haay. Ang daming diaper brands ang ganto na hindi nagagamit ang back part kasi hindi even yung distribution ng wiwi.

Kapag nighttime naman, ok naman ang EQ Dry kasi tumatagal naman ng overnight at pinapalitan lang namin kapag liligo na si baby sa umaga. Pero kaya lang siguro nagtagal kasi hindi na nagising si baby para dumede. Nag-eeven lang ang distribution ng wiwi kapag nakahiga at hindi nagalaw si baby.

Then nagkarashes din si baby sa EQ Dry kahit na naglalagay kami ng diaper cream bago lagyan ng diaper si baby.

Dry naman siya, pero hindi kasing dry ng MamyPoko.

Pupu performance. Kaya naman saluhin ng EQ Dry yung mga pupu ni baby kahit na kapag minsan eh matubig. Buti na lang sakop ng EQ Dry yung buong pwet ni baby.

Diaper features. Merong wetness indicator ang EQ Dry Tape Diaper. Sa case namin, hindi lahat nagbabago yung kulay ng wetness indicator sa back part kasi nga hindi even yung distribution ng wiwi, pero naglealeak na.

Price. So eto price ng EQ Dry Tape Diaper sa Lazada store nila. Ang ilalagay ko lang na price ay yung pinakamurang available na packs for each size.

1 pack NB (22 pcs) = P150
1 pack S (21 pcs) = P150
1 pack M (19 pcs) = P150
1 pack L (17 pcs) = P150
1 pack XL (15 pcs) = P150
1 pack XXL (13 pcs) = P150

Walang 3XL ang EQ Dry sa Lazada.

Bibili pa ba ako ng EQ Dry Tape Diaper?


Hindi na ako bibili ng EQ Dry Tape Diaper. Hindi sulit ang pagka-premium niya. 5 hours lang ang itinatagal. Mas ok pa ang EQ Pants na umaabot ng 8 hours. (Yung EQ Pants, average pants-type diaper line lang ng EQ). Then again, nagrarashes si baby sa EQ Dry. Nagrashes din siya sa EQ Pants. Lahat yata ng EQ diaper line, hindi hiyang kay baby.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Jan. 20, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments