Kulay Itim na Dumi ni Baby? Wag Muna Mag-Panic

itim na dumi ng baby

Sanay tayo na ang dumi ng ating mga baby ay kulay dilaw, maberde-berde, o kulay brown. Pero paano kung naging kulay itim ito? Ibig bang sabihin nun ay may sakit ang ating mga sanggol? Posibleng oo, pero posible ring hindi.

Bakit nga ba nagiging kulay itim ang dumi ni baby?

1. Dahil sa kanyang kinakain

Bago muna mag-panic at dalhin agad si baby sa pedia o ospital, isipin muna kung ano ba ang naipakain mo sa iyong baby. May mga pagkain na nakapagpapaitim ng kanilang dumi. Halimbawa nito ay saging, berries, prunes, at grapes.

Share ko lang mga nay at tay experience namin. Noong first time naming pinakain si baby ng saging, kinabukasan ay tumae siya ng kulay dilaw pero may bahid na kulay itim ang kanyang dumi. Yung pagka-itim niya ay parang guhit-guhit, may tuldok-tuldok din. Aakalain mo na yung itim-itim sa dumi niya ay mga bulate.

Medyo kinabahan kaming mag-asawa. Pero kalma lang din kami kasi wala namang ibang mga sintomas si baby. Masigla siya, yun nga lang, may itim-itim ang dumi. Nang titigan ko yung dumi, naisip ko na baka eto lang yung gitna ng saging. Di ba may itim na part ang gitna ng saging? Noong ni-research ko, tama nga. Marami ring mga magulang ang nakaka-experience nito kapag pinakain nila ang baby nila ng saging.

Another example naman is noong pinakain namin si baby ng Gerber na banana flavor. Pagdumi ni baby, kulay light black (gray) ang kanyang dumi. Since naka-experience na kami before na nag-iiba ang kulay ng dumi depende sa kinakain, naisip din agad namin na baka ito ay dahil sa Gerber banana flavor lang. Nang hindi na namin pinakain si baby ng Gerber banana flavor, bumalik sa dating kulay yung dumi niya na kulay dilaw.


2. Dahil sa pag-inom ng iron-fortified na gatas at vitamins

Ayon naman sa nabasa ko, pwede ring maging kulay itim ang dumi ng baby kapag pinapainom niyo siya ng iron-fortified na gatas. Normal lang naman daw ito at hindi dapat ikabahala.

Bukod dito, pwede ring maging kulay itim ang dumi ni baby kung pinapainom niyo siya ng vitamins na mayaman sa iron.

3. Nakasipsip ng dugo ang baby habang binebreastfeed

Minsan, nagiging itim din ang dumi ni baby kung nakasipsip siya ng dugo dahil sa pagsusugat ng suso ng kanyang nanay. Ayon sa mga doktor, hindi naman ito mapanganib. Tiyakin lamang na sa susunod na pagpapasuso ay linisin muna ang mga suso upang matanggal ang dugo.

4. Bagong silang na sanggol


Normal din na kulay itim ang dumi ng newborn. Ito ay tinatawag na meconium. Karaniwang kulay itim ang kanilang dumi hanggang 2 o 4 na araw.



Kung wala naman kayong pinapakain o pinapainom na nakapagpapaitim ng dumi ni baby, maaaring ang itim na dumi ay dulot ng pagdurugo ng kanilang digestive tract. Kung hindi malaman ang dahilan, iminumungkahi na dalhin si baby sa pedia o ospital para ipacheckup.



Sources:
https://flo.health/being-a-mom/your-baby/baby-health-and-safety/black-baby-poop-all-you-need-to-know
https://www.webmd.com/parenting/baby/baby-bowel-movements#2
https://littleonemag.com/my-babys-poop-is-black-whats-wrong/


-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Jan. 27, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments

  1. Hello ganyan now baby ko after pakainin ng orange and saging May ganyan na itim itim na parang bulate pero yelow ang poop niya

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano po ang gamot niyan? ganyan din kasi yung anak ko. natatakot na po ako. paki share naman po kung ano ang lunas niyo. Salamat po

      Delete
    2. Kung nabasa niyo po yung article, hindi po sakit yung diniscuss ko rito. Kaya wala pong gamot na need. Kung may kakaibang nararamdaman baby niyo, consult pedia.

      Delete
  2. ganito din po baby ko after pakainin ng saging

    ReplyDelete
  3. Ganyan din po baby ko. Napapakain ko po ng saging. Nkakawory po dahil parang malilit na bulate po tlg xa.

    ReplyDelete
  4. Ganito din baby ko nong pinakain namin siya nang cerelac banana flavor

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same dn po s baby ko ngyon, meh time n pupu xa meron itim itim n prng sinulid n maliliit at meron prng paminta n tuldok tuldok. Pinapakain ko dn c baby cerelac banana flavor

      Delete
    2. C baby ko dn cerelac n banana flavor pinapakain ko tpos pupu nya prng merong paminta n tuldok tuldok at prng sinulid n maliliit n kulay itim. Sna normal lng un

      Delete
    3. Hello po. ganyan ngayon baby 2yrs old after pakainin ng chocolate at saging.May ganyan na itim itim na parang bulate o sinulid pero yellow ang poop niya.

      Delete
  5. Nagsimula pong maging itim angpopo ng babyko nung pinalitan ko po sya ngmilk bonna to nestogen po.anu kaya ponv dhilan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ilang buwan/taon na po ba si baby? Itim na itim po ba or baka dark brown lang? Kung nag-iba po color ng poop magmula pinalitan ng gatas, yun po ang posibleng dahilan. Maaaring mas mataas ang iron content ng Nestogen kaysa sa Bonna. Kung wala namang ibang symptoms si baby at masigla, wala dapat ikabahala. Normal poop color ang brown, green, at yellow - most shades.

      Delete
  6. Mam 5months npo baby ko hindi kopa pinalakain Peru ITIm Ang popo Niya ...Peru masigla nmn Po cya mam ...Peru minsag may halo yelo at Minsan dark green Ang popo Niya mam pls ko pami explain Po mam

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din nagiging poop ng baby ko noon. Pwedeng dahil iba na yung pinanglalahok niyong water sa gatas niya (kung formula). O kaya ay mahilig na siyang magsubo ng kung anu-anong madampot at madalas maglaway. Consult pedia na lang po kayo kung binabagabag kayo niyan. Hindi po ako doktor.

      Delete
  7. Bkit kaya naging itim na poops ng bb q..cmula nung nagtry aq na palitan ng lactum yung gatas ni bb..pero buong isang araw lang dahil tinubol c bb kaya ndiq na tinuloy..cmula nun naging itim na poos ni bb

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka po mas mataas iron content ng Lactum kaysa sa dati niyang gatas kaya naging itim ang kanyang poops.

      Delete
  8. ganyan din sa baby ko natatakot ako akala ko bulate talaga pero nabasa koto wala pala ako dapat ikatakot..lagi kasi siya kumakain ng saging at saka ubg flavor ng cerelac niya is banana...thank you po

    ReplyDelete
  9. Ang baby ko mahilig sa banana. Kaya pala lagi itim poop nya. Now I know

    ReplyDelete
  10. sa akin naman po itim na buo.buo sya . natakot ako kanina . buti nag research ako . salamat po .

    ReplyDelete

Post a Comment