Posts

Showing posts with the label family health

Pwede Bang Magpabunot ng Ngipin ang Buntis?

Image
Kapag buntis, nakararanas ang karamihan ng pagsakit at pagkabulok ng ngipin. Sabi ng iba, dahil kulang sa calcium. Pero ayon sa health sources, ito ay dahil sa hormonal changes . Sa pagtaas ng hormone levels ng buntis, naaapektuhan nito ang wastong paglaban ng katawan sa mga bacteria sa ngipin. Maaari ring makaapekto sa kalusugan ng mga ngipin ang morning sickness o ang madalas na pagsusuka . Dahil sa stomach acid na isinusuka, maaaring mapuno ang ngipin ng mga bacteria at mamaga ang mga gilagid at magdulot ng pananakit o pagkabulok ng ngipin kalaunan. Dahil dito, maraming mga buntis ang nagtatanong kung pwede bang magpabunot sila ng ngipin. Ayon sa dental websites na nabasa ko, pwede namang magpabunot, pero ito ay depende sa iyong OB at dentista. Kailan Pwedeng Magpabunot ng Ngipin ang Buntis? Anytime ay pwedeng magpabunot ng ngipin ang buntis, lalo na kung malala na talaga ang pagkasira ng ngipin at hindi mo na talaga makaya ang sakit. SUBALIT, karamihan ng mga dentista ay inirerekom...

Mga Pwedeng Gawin Para Mabawasan ang Pagsusuka Habang Buntis

Image
Isa sa mga pinaka-ayaw kong part ng pagbubuntis ay yung pagsusuka. Yung tipong kahit ang sarap ng ulam niyo ay hindi mo magawang makain kasi 3 minutes lang ay isusuka mo rin agad. 😂  Madalas nakararanas ng pagsusuka ang mga buntis sa unang tatlong buwan o first trimester. Kusa rin naman itong nawawala pagsapit ng second trimester (4-6 months). Sa kaso ko naman, 5 buwan akong suka nang suka. Hindi talaga kaaya-aya sa pakiramdam (at panlasa) yung pagsusuka habang nagbubuntis. Kaya naman, subukan niyo eto mga momsh para makakain kayo nang maayos kahit papaano. A. Mabagal, pakonti-konti, at madalas na pagkain (small frequent meals) Kapag ikaw ay buntis, parang yung mga kinakain mo ay hindi bumababa at naiipon lamang sa may lalamunan o dibdib mo. Parang hindi siya bumababa ng tiyan, kaya naman mabilis kang nasusuka. Kaya mas okay na bagalan at kontian lamang ang mga kinakain mo para hindi agad mapuno yung lalamunan/dibdib mo at mabigyan pa ng time na mas bumaba yung mga pagkaing naunan...

Ano Ba ang Ibig Sabihin ng Polyhydramnios sa Ultrasound ng Buntis?

Image
Kung ikaw ay buntis at nakita mong may nakasulat na "polyhydramnios" sa iyong ultrasound, ibig sabihin nito ay masyadong maraming amniotic fluid sa iyong sinapupunan.Yung amniotic fluid yung tubig na pumapalibot sa iyong sanggol. Mas kilala rin ito sa tawag sa Tagalog na panubigan. Ang amniotic fluid ay nagbibigay ng proteksyon sa sanggol at tumutulong ito para mapangasiwaan ang temperatura sa loob ng tiyan. Nakatutulong din ito para maayos na madevelop ang mga baga ng sanggol at lumaking walang problema ang kanyang mga buto at kalamnan. Masama ba kung may polyhydramnios? Ang sagot dito ay oo. Pero marami namang mga paraan upang maging mas ligtas ang pagbubuntis, kaya naman hindi dapat gaanong mangamba. Pero bakit nga ba mapanganib ang pagkakaroon ng polyhydramnios?  Dahil masyadong maraming amniotic fluid sa sinapupunan, mas bumibigat ang pressure sa tiyan at masyadong nasisiksik ang mga kalapit na organ. Ang epekto nito sa ina ay makararanas siya ng iba't ibang mga si...

Coping with Morning Anxiety

Image
Tuwing umaga pagkagising, napupuno na agad yung utak ko ng pangamba. Maaalala ko agad ang mga masasamang balita, mga isipin tungkol sa pera, trabaho, sideline, gawain sa bahay, at dumagdag pa itong Covid. Sabi ng asawa ko, huwag daw ako mag-isip at wala naman daw kami mabibigat na problema. Tama nga naman siya, wala kaming gaanong problema. Pero "automatic" na nag-aalala agad ang utak ko tuwing umaga. Hindi mapigilan. Kahit ayoko mag-isip at mag-alala, kusang binobomba ang utak ko ng mga isipin. 😢 Hindi naman buong araw ay lagi akong nag-aalala. Kadalasan, tuwing umaga lang siya nagtatagal. Pero yung pag-aalala ko, umaabot sa punto na sumasakit ang batok ko. Nagkaroon din ako ng vertigo, dati naman wala. Minsan, hindi rin ako makahinga nang maayos. Pakiramdam ko, lagi rin akong tamad na tamad at naiinis. Nag-research ako kung ano ba itong nangyayari sakin. Base sa mga sintomas ko, morning anxiety daw ito. Napaka-uncomfortable sa pakiramdam kasi hindi ako makatrabaho nang ma...

Iba't Ibang Paraan Upang Magamot ang UTI Habang Nagbubuntis

Image
Habang nagbubuntis, mataas ang tyansang magkaroon ng UTI o urinary tract infection. Ang matres kasi ay nasa bandang ibabaw lamang ng pantog. Kapag ang bata sa matres ay unti-unti nang lumalaki, pwedeng maipit nito ang mga daluyan ng ihi. Dahil dito, hindi makadaan nang maayos ang ihi at naiipon lamang ito sa loob, kaya naman pinamamahayan na ito ng mga bacteria. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung hindi siya madalas maligo. Siyempre, kapag tamad maligo, hindi rin nahuhugasan ang ari. Bukod dito, mas high risk ang pagkakaroon ng UTI ng mga buntis kasi mas marami na silang mga vaginal secretions. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung mahilig siyang kumain ng maaalat at hindi palainom ng tubig. Mga sintomas ng UTI sa buntis Maaaring may UTI ka kung nananakit ang ari mo habang umiihi at makikita mo na malabo, madilaw na maputi, at mapanghi ang iyong ihi. Pwede ka ring makaranas ng pananakit ng puson at balakang, pananakit ng ari habang nakikipagtalik, pa...

Kinakabag ang Aking Baby. Ano ang Dapat Gawin?

Image
Ang sabi ng matatanda at experienced mommies, kapag walang humpay sa pag-iyak ang baby, kinakabag daw ito. Ayon sa mga medical articles na nababasa ko, walang tiyak na cause ang kabag o colic. Pero ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng tiyan ng sanggol ng labis na hangin. Kapag tatapikin mo ang kanyang tiyan, parang tunog tambol ito. Isa sa mga pinaniniwalaang nagdudulot ng kabag sa baby ay ang pag-inom ng gatas, lalo na yung mga formula milk. Dahil mas mahirap tunawin ang formula milk kaysa sa breastmilk, naiipon lamang ito sa tiyan at gumagawa ito ng labis na hangin. Kung hindi naman dahil sa gatas, pwede ring mapasukan ng extrang hangin ang tiyan ng baby kapag siya ay umiiyak o kaya naman ay palagiang nakatutok sa kanya ang electric fan. Mga Pwedeng Gawin Upang Magamot ang Kabag ng Baby Upang magamot ang kabag ni baby, try niyong gawin ang mga sumusunod: Padighayin si baby pagkatapos dumede. Sa mga unang buwan ni baby, napaka-importante na padighayin siya pagkatapos du...

Gamot sa Ubo at Sipon ng Buntis: Ligtas na Home Remedies

Image
Hindi naman ako naging sakitin noong nagbuntis ako. Hindi ako nagkaroon ng ubo at sipon. Pero marami akong nakikitang mga buntis na nagtatanong sa mga Facebook pregnancy groups kung anu-ano bang mga gamot o home remedies ang pwedeng gawin upang gumaling ang kanilang ubo at sipon. Kaya naman nag-research na rin ako. Base sa aking mga nabasa, mayroon namang mga safe o ligtas na gamot para sa ubo't sipon ng buntis. Pero inirerekomenda ng ilang mga ob-gyne na iwasan ang pag-inom ng anumang klase ng gamot sa mga unang 12 linggo ng pagbubuntis kasi dito pinaka-nagdedevelop ang mga organs ni baby. Ligtas na Home Remedies Para sa Ubo at Sipon ng Buntis Para sa akin, susubukan ko muna ang mga home remedies bago ako uminom ng mga gamot para mas natural at safe. If ever na magka-ubo at sipon kayo while pregnant, subukan niyo muna itong mga home remedies na nakalap ko: Uminom ng maraming tubig. Mas okay kung maligamgam na tubig, pero kung hindi mo gusto ang maligamgam, pwede na r...

Kulay Itim na Dumi ni Baby? Wag Muna Mag-Panic

Image
Sanay tayo na ang dumi ng ating mga baby ay kulay dilaw, maberde-berde, o kulay brown. Pero paano kung naging kulay itim ito? Ibig bang sabihin nun ay may sakit ang ating mga sanggol? Posibleng oo, pero posible ring hindi. Bakit nga ba nagiging kulay itim ang dumi ni baby? 1. Dahil sa kanyang kinakain Bago muna mag-panic at dalhin agad si baby sa pedia o ospital, isipin muna kung ano ba ang naipakain mo sa iyong baby. May mga pagkain na nakapagpapaitim ng kanilang dumi. Halimbawa nito ay saging, berries, prunes, at grapes. Share ko lang mga nay at tay experience namin. Noong first time naming pinakain si baby ng saging, kinabukasan ay tumae siya ng kulay dilaw pero may bahid na kulay itim ang kanyang dumi. Yung pagka-itim niya ay parang guhit-guhit, may tuldok-tuldok din. Aakalain mo na yung itim-itim sa dumi niya ay mga bulate. Medyo kinabahan kaming mag-asawa. Pero kalma lang din kami kasi wala namang ibang mga sintomas si baby. Masigla siya, yun nga lang, may itim-iti...

Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak

Image
Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak Moms, share ko lang yung mga isinilid ko sa hospital bag ko noong malapit na ako manganak. Kulang-kulang din naman kasi yung ibinibigay na listahan ng ospital. 😅 Bale 1 backpack at 1 large tote bag lang ang dala namin. Yung ibang mga nakalista rito, binili lang namin sa labas kaya baka magtaka kayo kung paano nagkasya lahat ng mga sinabi ko sa dalawang bags lang. Inilista ko na lang din para hindi kayo ma-short sa budget in case na may kailangan pala kayo bilihin sa labas. Note: Applicable lang eto mga ma sa hospital setting ah. Yung tipong 2-3 days ka mag-stay sa ospital kahit normal delivery. Kung sa lying-in clinic kayo manganganak, mas kontian niyo na lang ang dala. Ang alam ko kasi, parang hanggang 24 hours lang pinag-iistay sa clinic kapag normal delivery. Kung CS naman kayo, mas marami siguro kayong dapat dalhin kasi mas mahaba ang stay niyo sa ospital. Baby Things Unahin muna natin yung para kay baby....

Paano Painumin ng Tubig si Baby

Image
Paano Painumin ng Tubig si Baby Noong first try namin pinainom ng tubig si baby, uminom naman agad siya. Ang problema, after 4-5 sips sa feeding bottle, nasasamid siya. Dahil siguro sa walang lasa ang tubig, hindi niya alam kung kailan siya magprepreno sa pag-inom kaya nasasamid. Medyo natakot akong painumin ulit si baby ng tubig, kasi every time na iinom siya, laging nasasamid at sobrang namumula ang mukha niya. Kaya I temporarily stopped giving water. Pero dahil alam kong need din talaga ni baby uminom ng tubig, nag-research ako ng ibang ways kung paano painumin ng tubig si baby ng water. 1. Magdagdag ng tubig sa katatapos lang na ininumang feeding bottle. Formula feeding si baby, kaya nainom siya ng milk via baby bottle. Since nahihirapan si baby uminom ng pure water, naisipan kong dagdagan ng tubig ang baby bottle niya after uminom ng gatas. Then i-shashake ko na lang. That way, magkakaroon ng kaunting lasa yung tubig dahil sa leftover milk. Mga 1 ounce lang ng ...