Mga Pwedeng Gawin Para Mabawasan ang Pagsusuka Habang Buntis
Isa sa mga pinaka-ayaw kong part ng pagbubuntis ay yung pagsusuka. Yung tipong kahit ang sarap ng ulam niyo ay hindi mo magawang makain kasi 3 minutes lang ay isusuka mo rin agad. 😂
Madalas nakararanas ng pagsusuka ang mga buntis sa unang tatlong buwan o first trimester. Kusa rin naman itong nawawala pagsapit ng second trimester (4-6 months). Sa kaso ko naman, 5 buwan akong suka nang suka.
A. Mabagal, pakonti-konti, at madalas na pagkain (small frequent meals)
Kapag ikaw ay buntis, parang yung mga kinakain mo ay hindi bumababa at naiipon lamang sa may lalamunan o dibdib mo. Parang hindi siya bumababa ng tiyan, kaya naman mabilis kang nasusuka.
Kaya mas okay na bagalan at kontian lamang ang mga kinakain mo para hindi agad mapuno yung lalamunan/dibdib mo at mabigyan pa ng time na mas bumaba yung mga pagkaing naunang nilunok mo papunta sa tiyan mo.
Pero paano nga ba gawin yung small frequent meals? Kapag tatanungin ang mga OB natin, napaka-vague ang mga sagot nila. Ang sasabihin lang, basta maunti at madalas. 😅 Kahit yung mga nababasa natin sa internet, malabo rin ang pagkakapaliwanag.
Para mas maintindihan niyo kung paano ba kumain ng small frequent meals, may ginawa akong illustrations:
Sa small frequent meals, hindi niyo kakainin nang isang bagsak yung normal na pagkain niyo sa araw-araw para hindi kayo masuka. Halimbawa, sa agahan, kumakain kayo ng isang takal ng kanin at ulam. Hatiin niyo iyon sa 3 bahagi o portion. Yung unang portion, kainin niyo ng 8am. Yung ika-2, kainin niyo ng 8:30am. Then yung last, 9:00am.
Yang mga oras na ibinigay ko, pati mga agwat kung kailan mo sila kakainin ay hindi definite rule. Examples lang yan. Kung pakiramdam mo ay hindi mo agad kaya kumain ng 2nd portion ng 8:30am, pwede mo pang habaan ang palugit. Pwede mo ring iksian ang agwat kung kaya mo na agad kainin kahit hindi pa lumilipas ang 30 minutes.
Pwede mo ring gawing 2 portions lang o half rice lang kung kaya mo naman. Pero siyempre, dahil mas maraming pagkain na ang nasa isang portion, mas habaan mo rin ang agwat bago mo kainin yung last portion para hindi ka masuka.
Yung pagkain nang pakonti-konti, hindi talaga siya nakabubusog kasi hindi mo siya isang bagsakan kinakain. Pero at least, hindi ka gutom at mas liliit ang tyansa mo na magsuka.
So kailan na ulit dapat kumain kapag naubos na lahat yung portions ng pagkain? Kung 9am ka natapos kumain ng lahat ng portions, kumain ka ulit nang ganon after 2 or 3 hours. Meaning, 11am or 12nn ka na ulit kakain nang pa-portion-portion.
B. Paggamit ng straw sa mga inumin
Hindi lang pagkain ang sinusuka ng mga buntis. Kahit tubig, gatas, juice, at iba pang mga klase ng inumin ay naisusuka rin. Upang hindi maisuka ang inumin, gumamit ng straw. Kapag kasi rekta mong iniinom sa baso ang inumin, marami agad ang nalalagok mo at mas mabilis mapuno ang tiyan mo. Pero kapag naka-straw ka, pakonti-konti lang ang maiinom mo kasi pasipsip lang ito.
C. Mga pagkain at inumin na hindi gaanong nakakasuka sa buntis
1. Crackers, biskwit, cookies, cupcakes, o tasty
Examples:
- SkyFlakes
- Rebisco
- Magic Flakes
- Fita
- Dewberry Cookies
- Fudgee Bar
- Lava Cake
- Tasty na may palaman o wala
Bahala ka na momsh kung ang gusto mong kainin ay plain, flavored, o yung may cream filling. Basta nasisikmura mo, pwede na yan. Yung mga ganitong klaseng pagkain kasi ay mataas sa starch at nakatutulong sila para ma-absorb yung stomach acids na nakakapagpa-trigger din ng pagsusuka.
"Eh hindi naman healthy yang mga yan. Baka manaba pa ako at masyadong lumaki ang baby ko." Okay. May mga concern din tayong ganyan. Tama nga naman. Pero mga momsh, siyempre, hinay-hinay lang at kailangan mo ring maghanap ng iba pang food choices na masisikmura mo.
Pero promise, kung nagsusuka ka, hindi na gaanong big deal sa'yo kung healthy ba o hindi ang kinakain mo. Ang magiging primary concern mo is maghanap kung ano ba ang makakain mo na hindi mo maisusuka. At tsaka, panandalian lang naman iyan. Ang mahalaga may mailalaman ka sa sikmura mo at nang kahit papaano ay may mareceive na pagkain ang baby mo.
2. Malalambot at may sabaw na pagkain
Examples:
- cereal
- oatmeal
- lugaw
- sopas
- instant soups ng Knorr (mushroom soup, crab soup, corn soup, etc.)
- sabaw ng tinola
- sabaw ng nilaga
- sabaw ng sinigang
- instant noodles
Again, ilan sa examples ay hindi healthy like instant soups and instant noodles. Pero kapag gutom na gutom ka na talaga kasi wala ka ng ibang makain at lahat ay isinusuka mo, subukan mo na ring kumain ng mga iyan dahil mas okay pa rin ang may laman ang sikmura.
3. Mga prutas (pwedeng gawing smoothie, shake, juice, or infused water)
Examples:
- mansanas
- saging
- calamansi
- orange
- lemon
- ponkan
- kiat-kiat
- dalanghita/dalandan
- bayabas
- mangga
4. Mani
Examples:
- kasoy na mani (cashew nuts)
- nilagang mani
- roasted nuts
- mga mani na walang balat
- Growers peanuts
- Dingdong
- Hi-Ho
- Happy nuts
Recommended din ang mani na kainin baka kasi kulang ka sa protein kaya ka nagsusuka. Magandang alternative ang mani para makakuha ka ng protein lalo na kung hindi ka makakain ng mga karne. Kung walang nagtitinda sa mga kanto niyo ng mani, pwede na yung mga Dingdong, Hi-Ho, Happy Nuts, at Growers peanuts sa grocery. Marami ring nagtitinda ng mani sa Shopee.
5. French fries at Coke
Oh, tingnan niyo rito. Dietitian ang nagrecommend niyan. Kapag kumakain ng French fries or umiinom ng Coke ang buntis, nababawasan ang episodes ng pagsusuka. Kasi nga, ang main concern lang muna natin dito ay "paano makaka-survive sa morning sickness" at hindi yung gaano ka-healthy ang pagkain.
6. Itlog
- nilagang itlog
- scrambled egg (binating itlog) na lutong-luto
7. Sports drinks
Mainam din daw ang mga sports drinks para sa buntis na nagsusuka kasi may taglay itong electrolytes. Kapag nagsusuka kasi, nauubos na yung mga electrolytes ng katawan gaya ng potassium at sodium. Halimbawa ng sports drinks ay Gatorade. Pero as always, in moderation lang dapat.
8. Salabat o tsaa na gawa sa luya
Pwede ring uminom ng salabat o tsaa na gawa sa luya ang buntis na nagsusuka. Safe naman ito ayon sa mga eksperto basta hanggang 4 cups lang daw. Ayon din sa mga pag-aaral, wala rin daw link ang luya sa maagang pagkalaglag ng bata sa sinapupunan. Healthy naman daw ang salabat para sa buntis na nagsusuka.
Para gumawa ng salabat, magyadyad ng hanggang 5 grams ng luya. Pakuluan ito sa 4 na tasa ng tubig. Pagkatapos ay pwede na itong inumin. Choice mo na kung ngangatain or kakainin mo rin yung luya. Pwede mo rin namang salain.
D. Mga pagkaing nakakapagpatigil ng trigger ng pagsusuka
- Candy
- Calamansi
Hindi mo gagamiting alternative yung candy sa pagkain mo ng kanin at ulam. Hindi mo siya gagawing almusal, tanghalian, at hapunan. Kaya sinasabihan ng OB na mag-candy ka ay para hindi ma-trigger yung pagsusuka mo. Sa calamansi naman, pwede kang maggayat ng isang piraso at sipsipin ito para hindi ka rin masuka.
E. Mga scents o amoy na nakakapagpatigil ng trigger ng pagsusuka
Balat ng calamansi, orange, etc. - Kung para kang masusuka, yung mga pinagbalatan mo ng calamansi o orange ay medyo pigain mo at singhutin. Ok na ok yan lalo na kung working buntis ka at nagcocommute.
White Flower Oil - Kung hindi naman always available ang balat ng calamansi o orange, pwede kang bumili ng White Flower Oil. Panghilot ito na nakalagay sa isang maliit na bottle. Pwede siya sa hilo, sakit ng ulo, at pwede mo ring amuyin para hindi masuka. Meron siyang minty scent.
My husband's method 😂
Pagbili ng "mahal" na pagkain. Bagama't halos lahat ng nai-share kong methods para mabawasan ang pagsusuka habang buntis ay ginawa ko, feeling ko kulang pa rin. Gustong-gusto ko na talagang kumain nang isang bagsakan yung tipong mabubusog ako pero hindi magsusuka. Kaya naman, ang ginawa ng asawa ko noon, binilhan niya ako ng meal set sa Yakitori (Japanese restaurant sa lugar namin na madalas namin puntahan noong wala pa kaming anak).
Sabi ng asawa ko sakin, "Oh, eto ang kainin mo. Mahal yan, kaya huwag mong isusuka yan." Nang marinig ko na mahal yun, pinilit ko talagang huwag isuka. At hindi ko nga siya naisuka. Magmula noon, once a week siguro, binibilhan na ako ng asawa ko ng mahal na meal sets para makakain ako. PS: Meal set is nagkakahalaga ng 200-250. Mahal na para sa amin yun. 😂
Sources:
https://www.everydayhealth.com/digestive-health/diet/foods-that-help-relieve-nausea/
https://ph.theasianparent.com/sobrang-pagsusuka-ng-buntis
https://www.healthline.com/nutrition/foods-to-eat-when-nauseous#TOC_TITLE_HDR_12
https://www.healthline.com/nutrition/ginger-tea-pregnancy#bottom-line
Thank you po info
ReplyDeleteSalamat po sa info.Godbless.Sana makatulong to sa misis ko.
ReplyDeleteThank you sa lahat ng info
ReplyDeleteThanks po may idea na aq para di aq suka ng suka
ReplyDeleteMara ming salamat po na share niong experience..ttry ko po lht un..sna umepek po ito kc nhhrpn n po tlga aq....
ReplyDeleteKahit pakunti kunti ang kain ko talagang isusuka ko po talaga paano po yun pagkatingin ko plang sa kanin at ulam wal na akung ganang kumain😔nahihirapan na talaga po ako ano kay pwede kong gawin gusto ko ng kumain ng subrang dami😋
ReplyDeleteSubok lang po talaga nang subok. Bumili po kayo ng iba't ibang uri ng pagkain gaya ng examples na nasa taas. Tikim muna kung masikmura niyo ba. Tapos saka niyo na ramihan ng kain dun sa pagkaing masikmura niyo.
DeleteHello po mga momsh.3month preggy po Ako.first baby ko rin tong pinagbubuntis ko.may concern Lang po sana ako about pagsusuka.medyo hirap na po Kase Ako dahil araw araw ,Gabi gabi nalang akung nagsusuka minsan kahit wala pang laman ung tiyan ko sumusuka pa rin ako 😢🥺 ano po bang kailangan Kung gawin?
ReplyDeleteLahat po ng alam kong methods/home remedies ay nakalista na sa taas. Tiyagain niyo na lang po basahin from top to bottom at subukan lahat ng methods para mabawasan ang pagsusuka. Kung wala talagang effective na kahit ano man sa nabanggit, consult your OB na po.
Delete3months preggy po ako sobrang hirap halos lahat ng kainin ko sinusuka ko lang nakakaiyak na ðŸ˜ðŸ˜
ReplyDeleteLahat po ng alam kong methods/home remedies ay nakalista na sa taas. Tiyagain niyo na lang po basahin from top to bottom at subukan lahat ng methods para mabawasan ang pagsusuka. Kung wala talagang effective na kahit ano man sa nabanggit, consult your OB na po.
DeleteHayys gnyn ung pkrmdam ko ngaun wlang tntanfgap sikmura ko kht tubig kc pnay suka 🤮🤧 ang hirap po.. 2mos preggy po ako
ReplyDeletesame nahirapan na ko 2mons preggy
DeleteSame here😫di kO na alam anO kakainin kO
ReplyDeleteSame hereðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜
ReplyDeleteSame po 🤮🤮 grave talaga yung pagsusuka,
DeleteI try this. Kasi umaga hanggang tanghali gabi suka lang ng suka. Tubig nga lang. Tas gusto ko ng orange. Ang lakas ng pang amoy na nababahuan ako at nasusuka ang ending. Kahit anong kain ko ng gusto kung pagkain ang ending suka. Naaawa na rin ako sa hubby ko kasi galing syang work and ako maselan masyado. Malimit ang galaw. Any some advice can i take it?
ReplyDeleteYung maselan ang pagbubuntis? Palaging suka ng suka umaga tanghali gabi madaling araw. Yung food na kinakain di gusto? Some advice
ReplyDeleteumaga tanghali gabe lagi ako nag susuka lagi nahihilo At lagi masakit ang aking ulo. Sna mawala na ito sobra sakit sa pakiramdam ðŸ˜ðŸ˜¥
ReplyDeletenaiiyak napo ako sobra 3months mahigit nakong buntis pangalawang beses kong pagsusuka ng umaga tanghali gabi kahit sa daan hirap na hirap nako kahit humiga ako nasusuka ako ano ba dapat gawin ðŸ˜
ReplyDeletePakibasa na lang po ang "buong" blog kung ano ang dapat gawin. Subukan lahat ng mga nakalistang naka-suggest na pagkain at pamamaraan. Kung wala pa rin, kumonsulta na po kayo sa dietician/nutritionist na eksperto sa nutrisyon ng mga buntis.
DeleteAko din sobra na ung pagsusuka ko, halos nagawa ko na din ata lahat Wala pa din... Gusto ko nang sumuko..
ReplyDeleteSame. Grabeng hirap. Tinitiis lang talaga para kay baby
DeleteSame her grabe mnsan sa subramg hrap
DeleteGsto kona isuko
Ako din Isang buwan ko palang magdadalwang buwan kahit ano sinusuka ko kaya Wala natira sa sikmura ko Hanggang sa isuka ko na ay mapait . nahihirapan na din Ako.🥺 ano kaya mas pinakaepektibong kainin oususuka ko lng din Naman.
ReplyDeleteSubukan niyo na lang po yung lahat ng suggested tips. Kung saan ka hindi nasuka, yun yung pinaka-epektibo sa'yo.
DeleteGnyan din po nraramdaman ko ngayon nttkot n ko kumain kasi sinusuka ko lang 😓
ReplyDelete2 months pregnant at ito hindi ako makakain ng kahit ano. Kahit tubig ay isinusuka. Sinubukan ko na yung pag amoy sa balat ng orange at dalanghita, pati pag inom ng salabat pero wala talaga 😔 Iniisip ko nalang paano makakasurvive sa gantong stage. Working buntis pa naman ako. Pero sa ngayon ay nakabedrest ako for 1 week dahil advice ni OB
ReplyDeleteGanyan po nararamdaman ko ngayon 😓 minu-minuto nagsusuka , lahat ng kinskain maski tubig .
ReplyDelete