Posts

Showing posts with the label pagiwas sa pagsusuka buntis

Mga Pwedeng Gawin Para Mabawasan ang Pagsusuka Habang Buntis

Image
Isa sa mga pinaka-ayaw kong part ng pagbubuntis ay yung pagsusuka. Yung tipong kahit ang sarap ng ulam niyo ay hindi mo magawang makain kasi 3 minutes lang ay isusuka mo rin agad. 😂  Madalas nakararanas ng pagsusuka ang mga buntis sa unang tatlong buwan o first trimester. Kusa rin naman itong nawawala pagsapit ng second trimester (4-6 months). Sa kaso ko naman, 5 buwan akong suka nang suka. Hindi talaga kaaya-aya sa pakiramdam (at panlasa) yung pagsusuka habang nagbubuntis. Kaya naman, subukan niyo eto mga momsh para makakain kayo nang maayos kahit papaano. A. Mabagal, pakonti-konti, at madalas na pagkain (small frequent meals) Kapag ikaw ay buntis, parang yung mga kinakain mo ay hindi bumababa at naiipon lamang sa may lalamunan o dibdib mo. Parang hindi siya bumababa ng tiyan, kaya naman mabilis kang nasusuka. Kaya mas okay na bagalan at kontian lamang ang mga kinakain mo para hindi agad mapuno yung lalamunan/dibdib mo at mabigyan pa ng time na mas bumaba yung mga pagkaing naunang ni