Posts

Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak

Image
Moms, share ko lang yung mga isinilid ko sa hospital bag ko noong malapit na ako manganak. Kulang-kulang din naman kasi yung ibinibigay na listahan ng ospital. 😅

Bale 1 backpack at 1 large tote bag lang ang dala namin. Yung ibang mga nakalista rito, binili lang namin sa labas kaya baka magtaka kayo kung paano nagkasya lahat ng mga sinabi ko sa dalawang bags lang. Inilista ko na lang din para hindi kayo ma-short sa budget in case na may kailangan pala kayo bilihin sa labas.

Note: Applicable lang eto mga ma sa hospital setting ah. Yung tipong 2-3 days ka mag-stay sa ospital kahit normal delivery. Kung sa lying-in clinic kayo manganganak, mas kontian niyo na lang ang dala. Ang alam ko kasi, parang hanggang 24 hours lang pinag-iistay sa clinic kapag normal delivery. Kung CS naman kayo, mas marami siguro kayong dapat dalhin kasi mas mahaba ang stay niyo sa ospital.

Baby Things
Unahin muna natin yung para kay baby. Eto yung mga isinilid ko para sa kanya:

1. Mga Iaabot sa Nurse na Gamit ni …

Jirapi Opinion: Dapat Bang Ibigay ni Mister ang Buong Sahod Niya sa Kanyang Misis?

Image
Wala nang patumpik-tumpik pa. Para sa akin, hindi required na ibigay ang buong sahod ni mister sa kanyang misis. Bakit?*Please note. Ito ay hindi panglalahat sa mga misis. Kasi ako, misis rin, pero hindi ako ganito.Hindi lahat ng misis ay marunong mag-budget nang tama. Kung sino ang mas magaling mag-budget at hindi maluho, siya dapat ang mag-manage ng pera. May ilang mga misis kasi na akala nila ay "needs" ang kanilang mga binibili, pero hindi namamalayan na ang mga ito pala ay "wants" lamang. May mga misis na puros online shopping ang alam. Mahilig din akong mag-Shopee at Lazada, pero umoorder lamang ako kapag "big sale." Hindi ako naorder kapag hindi at least 30% up ang discount. At ang inoorder ko lang ay mga diaper ni baby at groceries na bagsak-presyo, pati na rin mga magandang ipambenta. Ngayon kasi, lalo na't mas nauso ang online shopping dahil sa Covid-19 pandemic, maraming mga misis na ang na-adik sa online shopping at bumibili ng kung anu-an…

Jirapi Opinion: Pagbili ng Gamit ni Baby Nang Maaga, Masama Nga Ba?

Image
Sabi ng mga nakatatanda, wag daw bumili agad ng gamit ni baby nang maaga kasi masamang senyales ito na may hindi magandang mangyayari sa sanggol na nasa iyong sinapupunan. Mas maigi raw na magsimula bumili ng gamit ng baby kapag 7 months up na.
Para sa akin, tama naman sila. Hindi ko pa noon naririnig ang kasabihan na ito noong ako'y nagbubuntis, pero pinili kong bumili ng gamit ng aking baby nang naging 6 months ang aking tiyan. Hindi naman sa pag-aano, pero may posibilidad pa kasi na mawala ang baby sa sinapupunan 6 months below. Kumbaga hindi pa siya kapit na kapit. Pero kapag 7 months na, premature man siyang ilabas ay malaki-laki na rin ang tiyansa niyang mabuhay. 6 months ako nagsimula bumili ng gamit para preparasyon in case manganak ako ng premature o 7 months. Inuna ko munang bilhin ang mga basic na gagamitin sa ospital para hindi masayang ang aming pera.
Habang ako'y nagbubuntis, masugid akong tagasubaybay ng mga usapang nanay at buntis groups. At nakababasa ako ng mga…

Coping with Morning Anxiety

Image
Tuwing umaga pagkagising, napupuno na agad yung utak ko ng pangamba. Maaalala ko agad ang mga masasamang balita, mga isipin tungkol sa pera, trabaho, sideline, gawain sa bahay, at dumagdag pa itong Covid. Sabi ng asawa ko, huwag daw ako mag-isip at wala naman daw kami mabibigat na problema. Tama nga naman siya, wala kaming gaanong problema. Pero "automatic" na nag-aalala agad ang utak ko tuwing umaga. Hindi mapigilan. Kahit ayoko mag-isip at mag-alala, kusang binobomba ang utak ko ng mga isipin. 😢
Hindi naman buong araw ay lagi akong nag-aalala. Kadalasan, tuwing umaga lang siya nagtatagal. Pero yung pag-aalala ko, umaabot sa punto na sumasakit ang batok ko. Nagkaroon din ako ng vertigo, dati naman wala. Minsan, hindi rin ako makahinga nang maayos. Pakiramdam ko, lagi rin akong tamad na tamad at naiinis. Nag-research ako kung ano ba itong nangyayari sakin. Base sa mga sintomas ko, morning anxiety daw ito. Napaka-uncomfortable sa pakiramdam kasi hindi ako makatrabaho nang maa…

Mga Ginagawa Namin Para Hindi Mainip Si Baby Habang Lockdown

Image
Isa talaga sa mga pampatanggal-inip ng baby namin ay ang pagdala-dala namin sa kanya sa labas. Not necessarily sa mall. Kundi, madalas siyang isama ng tatay niya sa labas ng bahay para makasilay ng ibang view, ibang mga bagay, at ibang mga tao. Madalas tatambay sila sa kanto or sa may tindahan.

Pero ngayong lockdown dahil sa Covid-19, bawal na magsilabas, kaya naman para matanggal ang inip niya, eto ang mga ginagawa namin:

Panonood ng Youtube. Matagal na naming kasangga ang Youtube sa pantanggal ng inip ng baby namin. Pero para upgraded yung Youtube experience niya, nakikikanta kami at nakikisayaw sa mga pinapanood namin. Interactive kumbaga. Sa totoo lang, mas marami siyang natutuhang mga salita at actions sa Youtube kaysa kapag binabasahan ko siya. Mahilig siya manood ng Mother Goose Club, Kids Camp, Super Simple, at iba pa. Pero dapat iba-ibang Youtube Channel pinapanood niya kada araw para hindi siya magsawa.

Pakikipaglaro sa mga pusa. Ang laking tulong din ng mga alaga naming pusa…

Alternative Mama Sita's Products Para sa Bawang, Sibuyas, at Luya

Image
Kumusta kayo ngayong covid crisis? Ang hirap ngayon ng buhay. Marami sa'tin ang nag-panic buy ng mga pagkain sa palengke, kabilang na rito ang mga pampalasa gaya ng bawang, sibuyas, at luya. Kahit pa imbakin nang tama ang mga ito, mayroon din talaga silang hangganan. Yung iba nagiging halaman na. Yung iba natutuyo, inaamag, o nabubulok.

Ngayong pataas nang pataas ang mga kaso ng Covid-19, mahirap na lumabas para bumili. Pero ang hirap din mamuhay kapag walang bawang, sibuyas, at luya. Magiging matabang ang lasa ng mga pagkain natin.

Mga pwedeng alternative sa bawang, sibuyas, at luya Share ko lang itong na-diskubre kong products ng Mama Sita's. Pwedeng ito na lang ang bilhin mo para gawing pampalasa sa iyong mga lutuin ngayong quarantine. Ang mga binili ko ay Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base at Ginger Garlic Simmer Sauce.


Yung Pansit Guisado Garlic-Onion Stir-Fry Base, pwede siya sa mga pagkaing ginigisa, hindi lang sa pansit, kasi ang pinaka-ingredients niya ay bawa…