Pet Warehouse Philippines Review: Best Online Pet Shop for Cat Lovers Like Me!
Gusto ko lang i-share kung saan ako bumibili ng cat essentials. Not a sponsored post (as if may mag-sponsor sa unknown mommy blogger 😂).
Kwento muna. Yung mister ko bwisit na bwisit kapag inuutusan ko siya bumili ng cat litter (yung buhangin na taehan ng pusa). Mabigat kasi yun, mga nasa 8-10 kilos yata. Kahit mag-tricycle siya, kailangan pa rin niyang maglakad sa eskinita papunta sa apartment namin habang buhat-buhat yung buhangin. Siguro mga 6 na bahay ang kailangan niyang lagpasan bago siya makarating sa bahay.
Kaya para hindi na mabwisit ang asawa ko, naghanap ako ng online shop na nagtitinda ng cat litter. Nagsearch muna ako sa Shopee at Lazada, para door-to-door ang delivery. Kaso ang shipping fee, sobrang mahal! Kasi nga mabigat ang cat litter.
Tapos bigla sumulpot sa Facebook newsfeed ko ang ads ng Pet Warehouse Philippines at may tinda silang cat litter 😍
Ano ang Maganda sa Pet Warehouse Philippines?
1. Murang cat litter. Meron silang murang binebentang cat litter brand. Siguro mga nasa 100-150 pesos ang ikinamura ng cat litter nila kesa doon sa dating brand na aming binibili.
2. Maraming cat wet food. Merong malapit na pet shop dito sa amin, pero kaunti lang yung selection nila ng cat wet food. Pero sa Pet Warehouse, marami.
3. Merong cat food na urinary care. Kung minsan, yung pusa namin, nahihirapan umihi dahil may problema siya sa pantog. Pero kapag pinapakain ng urinary care, umookay siya. Wala rin kasi mabilhan dito ng ganoon dito sa lugar namin.
4. Nakakapagbayad via COD, debit card, at Paypal. Via Paypal kami nagbabayad. Yung mga barya-barya kong USD sa Paypal, hindi ko na winiwithdraw sa ATM namin. Sayang din kasi ang withdrawal fees. Kaya ang ginagawa ko na lang, pinambabayad ko na lang siya sa Pet Warehouse.
5. Libre ang shipping fee for orders 995 above. Para makatipid ako sa shipping fee, talagang bumibili ako ng cat essentials worth 995 above.
6. Mabilis ang delivery at door-to-door. Kung umorder ka today, pwedeng bukas o sa makalawa mo ma-receive. Syempre yung mister ko masaya, kasi door-to-door ang delivery at hindi na siya magbubuhat.
7. Nag-iinform kung magdedeliver na. Magtetext or mag-eemail sa'yo ang Pet Warehouse na out for delivery na ang order mo maaga pa lang. Dahil diyan, hindi na kami umaalis ng bahay at hinihintay na lang namin muna ang rider para sure na may magrereceive sa bahay namin.
Marami pang ibang tinda ang Pet Warehouse na cat essentials. Meron din silang dog items. Pero ang ininclude ko lang na benefits ay yung mga concern ko.
Mga Medyo Hindi Ko Gusto sa Pet Warehouse Philippines
As of this writing, eto yung mga medyo hindi ko gusto sa Pet Warehouse. Sana mas ma-improve pa nila yung website nila.
1. Hindi na-aarrange yung lowest price to highest price items and vice versa. Kahit may feature yung website nila na ganito, hindi talaga siya accurately na-aarrange. Yung pinakamurang items, hindi siya palagi lumalabas sa first results. Minsan nasa gitna yung mura, minsan nasa huli. Kaya hindi mo talaga malaman kung alin ba talaga yung pinakamurang items.
2. Lumalabas pa rin sa first search results yung mga sold out. Sana pag sold out, sa dulo na lang lagi ng search results, gaya sa Shopee at Lazada. Example, nag-search ako ng Whiskas. Unang lumalabas ay yung mga sold out sa search results.
3. Hindi malaman kung SALE talaga ang items nila. From the first time na na-discover ko ang Pet Warehouse, pansin ko, lahat ng products nila ay naka-sale lagi hanggang ngayon (as in). Pero if may alam kayo sa online selling, hindi talaga naka-sale yung products nila. Yun talaga ang presyo ng items.
Parang yung karamihan ng items sa Shopee at Lazada. Tataasan ng sellers ang original price ng items, tapos saka nila kunwari i-sasale. Kasi kapag nakita ng customers ang word na sale or naka-slash-out yung "old price" ay maengganyo sila bumili.
Example ulit natin yung Whiskas. 35 pesos lang talaga ang kadalasang retail price ng Whiskas 85g wet food sa halos lahat ng pet shops, online man o hindi. Kung minsan, yung ibang pet shops, mas mahal yung benta nila at umaabot hanggang 45 pesos per pouch. Pero 75 pesos per pouch? No. So, di siya talaga sale. Yun lang, sana honest sila sa pricing at pag-sale ng items nila.
Comments
Post a Comment