Paano Makakuha ng Google Adsense Pin Kahit Pandemic 2021 Philippines

google adsense pin

Bago ka maka-withdraw ng earnings mo sa Google Adsense, need mo muna i-verify yung billing payment address mo sa pamamagitan ng pag-input mo ng iyong Google Adsense Pin.

Yung Google Adsense Pin, marereceive mo yun kapag yung Youtube Channel or blog mo na may Google Ads ay naabot na yung minimum na kita na $10. Tapos, automatically mag-eemail sa'yo ang Google Adsense na pinadala na nila yung Google Adsense Pin mo at wait mo na lang ma-receive within 2 to 3 weeks.

Ano ba ang Google Adsense Pin? Ano ang itsura niya?

Noong una, nagtataka ako kung ano ba yung Google Adsense Pin. Akala ko, email verification pin lang siya, pero hindi. PISIKAL na SULAT / LETTER / MAIL pala siya.

Ganito ang itsura ng Google Adsense Pin:

google adsense pin itsura harap
Harap

google adsense pin likod
Likod

google adsense pin open
Open

Paano makukuha ang Google Adsense Pin eh pandemic?

Iniisip ko, paano makakarating yung sulat sa bahay namin, eh pandemic. Tapos di ba, wala naman tayong nilalagay na cellphone number natin dun sa Account natin sa Google Adsense kasi walang nirerequire. Pangalan at address lang ang hinihingi. Iniisip ko, paano ako macocontact ng magdedeliver ng sulat wala namang number.

August 2, 2021 ko na-receive yung email ni Google Adsense na nagpadala na sila ng sulat. (2014 ako nag-start mag-blog. On and off ako magsulat. Ngayong year 2021 ko lang naabot yung threshold 😂)

Nagpadala ang Google Adsense ng sulat, kaso nag-ECQ ulit ang Metro Manila from Aug. 6-20, 2021. So paano na?

Pero buti na lang dumating ang sulat ng Sept. 1, 2021. Ang status na ng Metro Manila noon ay MECQ. Medyo lumuwag na ang restrictions.

1. NCR Metro Manila Areas (Matatanggap Niyo Door-to-Door)

Kung sa lugar niyo ay may naririnig kayong tao na laging sumisigaw ng "Sulat!! Sulat!!" highly possible na siya rin yung magdeliver ng Google Adsense Pin letter sa inyo. Yung laging sumisigaw ng "Sulat!! Sulat!!" ay mailman / postman / kartero ng Post Office. Siya rin yung dating naghahatid ng mga bill ng PLDT noong hindi pa paperless billing si PLDT.

Sa lugar namin, masipag ang kartero. Talagang sinusuot niya ang bawat sulok ng baranggay namin mahatid lang yung sulat. At kapag hindi niya nakita yung receiver, hahanapin niya ulit kinabukasan yung bahay. Naghahatid din ng sulat si Manong kahit MECQ.

Kung hindi niyo natanggap ang sulat, need niyo na pumunta ng Post Office. Ibig sabihin, naubos na ng kartero ang maximum delivery attempts ng sulat niyo at iniwan na sa Post Office. Kaya lagi dapat kayong alerto kung may tumatawag na ba ng pangalan niyo sa labas.

2. Provincial Areas (Pupunta Kayo ng Post Office)

Taga-NCR na kami ngayon, pero sa mga nababasa ko sa ibang bloggers/vloggers, kapag taga-probinsiya ka, kailangan mong pumunta mismo sa Post Office na malapit sa inyo para makuha ang Google Adsense Pin letter mo. Advisable daw na pumunta after a month mo mareceive yung email para sure na nasa Pilipinas na or nasa Post Office na ang sulat.

Pero mayroong Facebook Page ang Post Office, pati na rin email at hotline. Siguro mag-inquire muna kayo online bago pumunta para hindi sayang ang pagpunta niyo kung sakaling wala pa. At delikado rin makipagsiksikan sa Post Office kasi pandemic. Mas active naman na ngayon ang Post Office sa Facebook Page nila.

Nakakuha na ba kayo ng Google Adsense Pin niyo? Dineliver ba sa bahay niyo or nagpunta kayo mismo sa Post Office?

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Sept. 27, 2021. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments