Gamot sa Ubo at Sipon ng Buntis: Ligtas na Home Remedies

gamot sa ubo at sipon ng buntis

Hindi naman ako naging sakitin noong nagbuntis ako. Hindi ako nagkaroon ng ubo at sipon. Pero marami akong nakikitang mga buntis na nagtatanong sa mga Facebook pregnancy groups kung anu-ano bang mga gamot o home remedies ang pwedeng gawin upang gumaling ang kanilang ubo at sipon. Kaya naman nag-research na rin ako.

Base sa aking mga nabasa, mayroon namang mga safe o ligtas na gamot para sa ubo't sipon ng buntis. Pero inirerekomenda ng ilang mga ob-gyne na iwasan ang pag-inom ng anumang klase ng gamot sa mga unang 12 linggo ng pagbubuntis kasi dito pinaka-nagdedevelop ang mga organs ni baby.

Ligtas na Home Remedies Para sa Ubo at Sipon ng Buntis


Para sa akin, susubukan ko muna ang mga home remedies bago ako uminom ng mga gamot para mas natural at safe. If ever na magka-ubo at sipon kayo while pregnant, subukan niyo muna itong mga home remedies na nakalap ko:

Uminom ng maraming tubig. Mas okay kung maligamgam na tubig, pero kung hindi mo gusto ang maligamgam, pwede na rin naman yung hindi malamig. Gaano karaming tubig? Sa mga nababasa ko at payo ng mga kapwa mommies, pwede na raw ang 3-4 liters.

Humigop ng mainit na sabaw. Nakatutulong din ang paghigop ng mainit-init na sabaw para maging maginhawa ang lalamunan. Yung mainit-init na temperature nito ay nakatutulong din para lumuwag at mas madaling mailabas ang sipon. Pwede na yung mga sabaw na mula sa nilaga, sinigang, or tinola.

Uminom ng calamansi juice or lemon water. Safe din ang pag-inom ng calamansi juice. Pwede rin ang lemon water. Ito yung tubig na binabaran lamang ng slices ng lemon. Pag ginawang pure lemon juice, masyado nang maasim.

Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Buntis man o hindi, isa rin sa pinakapangunahing home remedies ng may ubo at sipon ay ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin. Gawin ito 2x-3x a day.

Lumanghap ng steam or singaw ng mainit na tubig. Ginagawa sakin ito ng nanay ko noong bata pa ako. Ang gagawin niya, maglalagay siya ng mainit na tubig sa maliit na planggana, tapos magtatalukbong ako ng kumot para malanghap ko yung singaw. Kung minsan nga, nilalagyan pa ni nanay ng Vicks yung tubig.

Uminom ng pinaglagaan ng luya. Mabisa rin ang pag-inom ng pinaglagaan ng luya. Ayon sa artikulo ng Insider, safe naman ang ginger tea para sa mga buntis. Sa katunayan, bukod sa kaya nitong magpagaling ng ubo at sipon, nakatutulong din ang pinaglagaan ng luya upang mabawasan ang pagsusuka at pananakit ng tiyan habang buntis.

Kumain ng hilaw na butil ng bawang. Merong antiviral at antibacterial properties ang bawang kaya mabisa ito para sa ubo at sipon ng buntis. Upang mas madali itong manguya, tadtarin ito sa maliliit na piraso. Pwede rin itong haluan ng honey upang hindi maging kasamaan ang lasa.

Mga Gamot sa Ubo at Sipon na Ligtas Para sa mga Buntis


Kung hindi pa rin gumagaling ang iyong ubo at sipon gamit ang mga natural na lunas, pwede ka namang uminom o gumamit ng mga sumusunod na gamot sa ubo at sipon. Ayon sa nabasa ko, ligtas naman ang mga ito para sa mga buntis.


  • acetaminophen
  • diphenhydramine
  • pseudoephedrine
  • loratadine
  • zinc lozenges
  • chloraseptic spray


Anu-ano pa ang alam niyong mabisang gamot sa ubo at sipon ng buntis?


Sources:
https://www.healthline.com/health/cold-flu/treating-during-pregnancy
https://www.whattoexpect.com/pregnancy/pregnancy-health/colds-during-pregnancy/
https://parenting.firstcry.com/articles/10-effective-home-remedies-for-cough-during-pregnancy/
https://www.insider.com/worst-tea-during-pregnancy-2018-2#ginger-tea-can-help-with-morning-sickness-1
https://www.everydayhealth.com/cold-and-flu/cold-medicine-and-pregnancy.aspx


-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Feb. 7, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments