Kinakabag ang Aking Baby. Ano ang Dapat Gawin?

gamot sa kabag ng baby

Ang sabi ng matatanda at experienced mommies, kapag walang humpay sa pag-iyak ang baby, kinakabag daw ito. Ayon sa mga medical articles na nababasa ko, walang tiyak na cause ang kabag o colic. Pero ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng tiyan ng sanggol ng labis na hangin. Kapag tatapikin mo ang kanyang tiyan, parang tunog tambol ito.

Isa sa mga pinaniniwalaang nagdudulot ng kabag sa baby ay ang pag-inom ng gatas, lalo na yung mga formula milk. Dahil mas mahirap tunawin ang formula milk kaysa sa breastmilk, naiipon lamang ito sa tiyan at gumagawa ito ng labis na hangin. Kung hindi naman dahil sa gatas, pwede ring mapasukan ng extrang hangin ang tiyan ng baby kapag siya ay umiiyak o kaya naman ay palagiang nakatutok sa kanya ang electric fan.

Mga Pwedeng Gawin Upang Magamot ang Kabag ng Baby


Upang magamot ang kabag ni baby, try niyong gawin ang mga sumusunod:

Padighayin si baby pagkatapos dumede. Sa mga unang buwan ni baby, napaka-importante na padighayin siya pagkatapos dumede upang hindi kabagin. Ang pagpapadighay ay nakatutulong upang lumabas ang extrang hangin na dulot ng pag-inom ng breastmilk o formula milk. Panuorin niyo lang itong Youtube video para matutunan niyo kung paano mapadighay ang inyong baby:



I-masahe ang tiyan ni baby gamit ang Aceite de Manzanilla. Para sa akin, naniniwala ako sa kakayanan ng Aceite de Manzanilla na magtanggal ng kabag ng baby. Sa katunayan, kahit sa ibang bansa gaya ng Espanya ay gumagamit nito. Ang Aceite de Manzanilla ay isang uri ng essential oil na may katas ng chamomile (isang uri ng herb). Bukod dito, ang formulation nito ay ginawa talaga para sa mga sanggol upang maging ligtas ang paggamit nito. 

Upang maalis ang kabag ni baby, patakan ng 2-4 drops ng Aceite de Manzanilla ang kanyang tiyan, saka hilutin. Kung hindi hiyang ang iyong baby sa Aceite de Manzanilla, itigil lang ang paggamit nito.

👉 Warning lang: Iba ang Aceite de Manzanilla sa Aceite Alcamporado. Pang-rayuma ang Alcamporado at hindi para sa baby. Marami akong nababasang ito ang ginagamit ng ibang mga nanay. Manzanilla lang po ang formulated para sa baby.

Isagawa ang "I Love U" Massage. Bukod sa paggamit ng Aceite de Manzanilla, pwede ring isagawa ang I Love U Massage upang maalis ang kabag ng iyong baby. Panoorin lamang ang sumusunod na video upang malaman mo ang tamang paraan ng pagsasagawa nito:


Gumamit ng warm water bottle. Ang extrang init ay pwedeng mag-trigger ng pag-utot ng baby para mawala ang kabag. Mag-init ng tubig at ilagay ito sa isang bote. Balutan ito ng tuwalya para mas safe. Tantyahin ang init kung makakaya ba ito ng iyong anak. Pag ok na, pagulung-gulungin ang bote sa tiyan ni baby hanggang mawala ang init.

Gumamit ng ligtas na colic drops, gas relief drops, o gripe water. Ang colic drops, gas relief drops, at gripe water ay mga uri ng pinapatak o pinapainom na herbal mixture para matanggal ang kabag ng mga baby. Ang pagpapatak o pagpapainom ng mga ito ay pwedeng mag-trigger ng pag-utot o pagtae ng baby upang mailabas ang extrang hangin.

Ayon sa mga recommendations ng ilang mga mommies, ang ginagamit nila ay Restime, Balsamo Carminativo, Castoria, o Simethicone. Pero ayon sa na-research ko, ang formulated lang sa baby ay Restime at Simethicone. Walang gaanong information about sa Balsamo Carminativo. Then ang sabi naman about sa Castoria, huwag daw gagamit nito kung hindi kumukonsulta sa doktor. 

(UPDATE Sept. 30, 2022) Mayroon ng ibang brands ng "Castoria" ang pwede at safe sa mga baby.

Tips para Hindi Gaanong Kabagin ang Baby


Hindi maiiwasan na hindi kabagin ang baby kasi hindi pa ganoo katibay ang tiyan nila para tumunaw ng breastmilk o formula milk. Bukod dito, iyakin sila kaya maraming nakapapasok na hangin sa bibig at naiipon sa tiyan.

Pero may mga paraan naman para hindi sila gaanong kabagin. Subukan lang ang mga sumusunod:


  1. Pagsuotin ng angkop na damit. Siguraduhing covered ang tiyan ni baby, pati na rin ang bunbunan at mga paa. 
  2. Gumamit ng mas maliit na butas ng tsupon. Kung bottlefed si baby, gumamit ng mas maliit na butas ng tsupon para konti lang ang mahigop niyang hangin.
  3. Observe proper latching. Kung breastfed naman, siguraduhin na maayos ang pagkakalatch ni baby para proper din ang kanyang paghigop sa iyong suso.
  4. Increase tummy time. Ang ibig sabihin ng tummy time ay ang pagpapadapa kay baby. Kapag nakadapa kasi, napipiga ang tiyan para lumabas ang extrang hangin. 
  5. Huwag itutok ang electric fan. Paikutin ang electric fan para hindi mapasukan ng hangin ang baby sa kanyang ari, lalo na sa mga babaeng baby.
  6. Tulungang mabawasan ang pag-iyak ng baby. Ayon sa medical articles na nabasa ko, pwedeng gumamit ng pacifier para mabawasan ang pag-iyak ng baby. Although, ang ilang mga mommies ay against dito. Kung ayaw gumamit ng pacifier, pwede rin dalasan ang pagbuhat at paghele kay baby upang kumalma siya. Pwede ring magpatugtog ng noise background music. Check niyo mga nay at tay etong nakita ko sa Youtube:



Anu-ano pa mga nay at tay ang alam niyong mabisang pantanggal ng kabag ng baby? Share niyo sa comments.


Sources:
https://ph.theasianparent.com/manzanilla-oil-for-baby
https://watsonshealth.com.ph/aceite-alcamforado/#1537949472434-a2965a63-49e8
https://www.webmd.com/parenting/baby/colic-treatments#1
https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-q-and-a-gas-drops-for-fussiness/
https://www.healthline.com/health/parenting/gripe-water-for-babies


-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Feb. 17, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments

  1. Ligtas ba painumin c baby ng balsamo carminativo anti influence?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang gaanong information about sa Balsamo Carminativo. Huwag daw gagamit nito kung hindi kumukonsulta sa doktor.

      Delete
  2. Salamat sa info laking tulong god bless po

    ReplyDelete
  3. Hello po good day pwede po bang pa inom sa 2 months old ag WATSONAL CASTORIA?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello. Base sa na-research ko, safe siya ibigay kahit 1-month old pa lang ang baby. Eto basahin mo sis:

      https://www.facebook.com/WatsonalCastoria/photos/a.208651069848971/219148422132569/?type=3

      https://www.rosepharmacy.com/product/castoria-watsonal-syrup-60ml-2/

      Delete

Post a Comment