Jirapi's EQ Plus Tape Diaper Review
Nang maubos na ang isang pack ng EQ Dry tape diaper ni baby, sinunod naman naming subukan yung EQ Plus tape diaper.
(Read my EQ Dry Tape Diaper Review)
Ang EQ Plus tape diaper ay ang economy tape diaper ng EQ. Yung EQ Dry tape diaper ang premium nila. Compared sa EQ Dry, mas gusto ko etong EQ Plus. Read why.
EQ Plus Tape Diaper Review
Packaging and design. Okay naman ang packaging niya. Color blue siya and transparent yung gitna. BTW, ang nirereview ko rito is yung large size ng EQ Plus tape diaper. For other sizes, iba-iba ang color ng packaging. For the design ng diaper, cute naman siya. May owl prints ang diaper at color yellow yung waistband. Pwede siyang pang-boy or girl.
Fitment and sizing. Compared sa EQ Dry (yung premium tape diaper ng EQ), mas makipot etong EQ Plus. Nevertheless, nacocover pa rin niya naman ang buong pwet ng aking baby. Mas gusto ko nga ang fitment at sizing ng EQ Plus kesa EQ Dry kasi hindi siya gaanong bulky. Unlike sa EQ Dry, masyadong makapal at malaki.
Wiwi performance. Cotton ang absorbent pad ng EQ Plus. During daytime kung saan mas malakas dumede at kumain si baby, tumatagal ang EQ Plus ng up to 6-7 hours. Mas ok siya kesa sa EQ Dry na hanggang 5 hours lang sa umaga. Mas even yung distribution ng wiwi ng EQ Plus kesa sa premium tape diaper ng EQ. Sa gabi naman, tumatagal siya ng 9-10 hours.
While it turned out na mas maganda ang absorption capacity ng EQ Plus kesa sa EQ Dry, kailangan naming palitan nang mas maaga ang diaper within 4-5 hours. So balewala rin na mas absorbent siya. Compared sa EQ Dry, ang EQ Plus ay hindi dry sa singit at pwet. Dahil dito, nagkarashes na naman si baby kahit na naglalagay kami religiously ng diaper cream. (Lahat ng EQ diaper lines, nagkarashes si baby).
Pupu performance. Ok naman sa pupu. Wala namang event na nagleak ang pupu kasi noong time na gamit ang EQ Plus tape diaper, puros solid naman ang pupu ni baby.
Diaper features. Dahil midline diaper lang ang EQ Plus, wala siyang special features. Wala siyang wetness indicator or anything. Pero madali naman masabi kung puno na.
Price. Eto ang price ng EQ Plus tape diaper sa Lazada store nila. Per 13 pieces lang ang iindicate ko.
1 small pack (13 pcs) = P73
1 medium pack (13 pcs) = P82
1 large pack (13 pcs) = P94
1 xl pack (13 pcs) = P109
1 2xl pack (13 pcs) = P132
Bibili pa ba ako ng EQ Plus tape diaper?
Hindi na. Nagkakarashes si baby sa EQ Plus.
-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------
This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Feb. 11, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.
Comments
Post a Comment