Pwede ba Magpadede Kahit May Ubo, Sipon, o Lagnat ang Nanay?

pwede ba magpadede kahit may sakit

Kung ikaw ay isang breastfeeding mom, siguro sumasagi sa isip mo kung pwede ka pa rin bang magpadede o magpasuso kahit na ikaw ay may sakit gaya ng ubo, sipon, at lagnat. Hindi mo talaga maiiwasan ang mag-alala na baka mahawa ang iyong baby sapagkat sa pagpapasuso, napaka-close ang contact niyo sa isa't isa.

Pagpapadede sa baby kahit may sakit ang ina

Ayon sa mga doktor at sa mga health articles na aking nabasa, pwede pa rin naman magpadede o magpasuso kay baby kahit na ikaw ay may sakit kung ito ay mga pangkaraniwang sakit lamang. Ang breastmilk o gatas ng ina ay naglalaman ng mga antibodies na makatutulong kay baby upang mas lumakas ang kanyang resistensya at malabanan din ang mga pangkaraniwang sakit.

Mga pag-iingat na dapat gawin habang nagpapasuso nang may sakit

Bagama't okay lang na magpadede kay baby kahit may sakit ang isang ina, iminumungkahi na gawin pa rin ang mga sumusunod na pag-iingat upang hindi mahawaan si baby:


  • Kung may ubo at sipon, magsuot ng face mask o kahit panyo upang matakpan ang ilong at bibig. Ganunpaman, kung nababahing o nauubo, ibaling ang mukha sa ibang direksyon kahit na may takip ang iyong mukha.
  • Bago padedehin si baby, maghugas ng mga kamay upang hindi mailipat ang mga mikrobyo sa kanyang katawan. 
  • Siguraduhing malinis ang mga suso bago padedehin si baby.


Safe pa rin ba magpabreastfeed kahit may iniinom na gamot?

Kung pangkaraniwan lang ang iyong sakit at umiinom ka ng ilang mga gamot, maaaring madede ni baby ang kaunting dami ng mga ito sa breastmilk. Pero ayon sa mga nabasa ko, hindi naman daw ito gaanong nakaaapekto kay baby. Sa katunayan, ang mga pangkaraniwang gamot gaya ng robitussin, delsym, benylin, ibuprofen, acetaminophen, naproxen, pseudoephedrine, phenylephrine, at iba pa ay safe o compatible para sa mga nagpapasusong ina. Kung hindi ka sure na safe, itanong muna sa pharmacist kung safe ba ang gamot para sa breastfeeding moms.



Sources:
Is it safe to breastfeed if I am sick?
Can I breastfeed my baby if I have a cold?
Breastfeeding with a cold or flu
Breastfeeding while you or your baby are sick
Cold and Allergy Remedies Compatible with Breastfeeding
What cold medicine is safe while breastfeeding?


-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Feb. 2, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments