Posts

Showing posts with the label gamot sa kabag ng baby

Kinakabag ang Aking Baby. Ano ang Dapat Gawin?

Image
Ang sabi ng matatanda at experienced mommies, kapag walang humpay sa pag-iyak ang baby, kinakabag daw ito. Ayon sa mga medical articles na nababasa ko, walang tiyak na cause ang kabag o colic. Pero ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng tiyan ng sanggol ng labis na hangin. Kapag tatapikin mo ang kanyang tiyan, parang tunog tambol ito. Isa sa mga pinaniniwalaang nagdudulot ng kabag sa baby ay ang pag-inom ng gatas, lalo na yung mga formula milk. Dahil mas mahirap tunawin ang formula milk kaysa sa breastmilk, naiipon lamang ito sa tiyan at gumagawa ito ng labis na hangin. Kung hindi naman dahil sa gatas, pwede ring mapasukan ng extrang hangin ang tiyan ng baby kapag siya ay umiiyak o kaya naman ay palagiang nakatutok sa kanya ang electric fan. Mga Pwedeng Gawin Upang Magamot ang Kabag ng Baby Upang magamot ang kabag ni baby, try niyong gawin ang mga sumusunod: Padighayin si baby pagkatapos dumede. Sa mga unang buwan ni baby, napaka-importante na padighayin siya pagkatapos du