Iba't Ibang Paraan Upang Magamot ang UTI Habang Nagbubuntis
Habang nagbubuntis, mataas ang tyansang magkaroon ng UTI o urinary tract infection. Ang matres kasi ay nasa bandang ibabaw lamang ng pantog. Kapag ang bata sa matres ay unti-unti nang lumalaki, pwedeng maipit nito ang mga daluyan ng ihi. Dahil dito, hindi makadaan nang maayos ang ihi at naiipon lamang ito sa loob, kaya naman pinamamahayan na ito ng mga bacteria.
Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung hindi siya madalas maligo. Siyempre, kapag tamad maligo, hindi rin nahuhugasan ang ari. Bukod dito, mas high risk ang pagkakaroon ng UTI ng mga buntis kasi mas marami na silang mga vaginal secretions. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung mahilig siyang kumain ng maaalat at hindi palainom ng tubig.
Mga sintomas ng UTI sa buntis
Maaaring may UTI ka kung nananakit ang ari mo habang umiihi at makikita mo na malabo, madilaw na maputi, at mapanghi ang iyong ihi. Pwede ka ring makaranas ng pananakit ng puson at balakang, pananakit ng ari habang nakikipagtalik, pagkakaroon ng lagnat, at pag-ihi ng may dugo.
Pero, hindi lahat ng buntis na may UTI ay nakararanas ng mga sintomas. Ako, may UTI din ako noon habang nagbubuntis ako. At ang taas ng pus cell count ko. Nagtaka nga si doktora at hindi man lamang daw ako nilalagnat or nananakit ang pag-ihi. Kung hindi pa dahil sa routine urinalysis na inoorder ng ob-gyne sa first prenatal checkup ng buntis, hindi ko malalaman na may UTI ako.
Paano gamutin ang UTI ng buntis?
Sa prenatal checkup, nagrereseta ang ob-gyne ng antibiotics. Pero bago natin talakayin ito, unahin muna natin ang ilang home remedies at natural na mga lunas.
- Uminom ng maraming tubig. Upang mailabas ang bacteria, kailangang uminom ng maraming tubig nang sa gayon ay mapadalas din ang pag-ihi. Uminom ng 1.5 hanggang 2 litro ng tubig upang gumaling sa kondisyon.
- Uminom ng buko juice o cranberry juice. Puwede ring uminom ng buko juice o cranberry juice kapag may UTI. Ayon sa mga doktor, mas epektibo ang pag-inom ng cranberry juice dahil tinatanggal nito ang pagkakakapit ng bacteria sa daluyan ng ihi. Tandaan lamang na hinay-hinay ang pag-inom ng mga juice na ito sapagkat maaaring magdulot ito ng pangangasim o pananakit ng sikmura kapag nasobrahan.
- Ugaliing maligo araw-araw at maghugas ng ari. Kapag buntis, madalas ay tatamarin ka na rin sa paghuhugas at paliligo. Kahit lagkit na lagkit ka na at init na init, hindi mo alam kung bakit ka tinatamad. Ganunpaman, pilitin ang sarili na maligo araw-araw at maghugas ng ari bago matulog. Nakatutulong ito upang hindi madagdagan ang bacteria sa ari.
- Gumamit ng mild soap o feminine wash sa paghuhugas ng ari. Upang hindi lalong mairita ang ari sa paghuhugas, gumamit lamang ng mild soap o feminine wash. Sa pagkakaalam ko, may mga feminine wash na para talaga sa mga buntis. Itanong na lamang sa iyong OB kung ano ang maiging gamiting sabon o feminine wash.
- Laging magpalit ng panty. Kapag buntis, mas maraming lumalabas na vaginal secretion kaya naman laging nababasa at nangangamoy ang panty. Upang hindi ito makapagpalala ng UTI, ugaliing magpalit ng panty 2 o 3 beses sa isang araw.
- Huwag pipigilan ang pag-ihi. Minsan, nakakatamad nang umihi kapag buntis kasi maya't maya na ang pagpunta mo sa banyo. Pero kung ikaw ay may UTI, huwag mong pipigilan ito. Upang hindi tamarin umihi, maglagay ng arinola sa kuwarto.
- Uminom ng niresetang antibiotic. Kailangang uminom ng buntis ng niresetang antibiotic ng doktor sa loob ng 5 o 7 araw. Kahit umigi na ang pakiramdam, kailangang ubusin ang gamot. May mga ligtas naman na antibiotic para sa mga buntis kaya naman hindi dapat mangamba na makaaapekto ito sa batang nasa sinapupunan. Halimbawa ng mga safe na antibiotic para sa buntis ay amoxicillin, erythromycin, at penicillin.
Gumagaling ba ang UTI ng buntis kahit walang antibiotic?
Sa mga pangkaraniwan at hindi malalalang kaso ng UTI, 25-42 percent ang gumagaling kahit hindi umiinom ng antibiotic. Iyan ay sa mga normal na kaso. Subalit kapag ikaw ay buntis at may UTI, maaaring hindi ito magamot ng home remedies o natural na lunas lamang. Ayon sa American Pregnancy Association, nangangailangan ng agarang solusyon ang mga buntis na may UTI sapagkat maaari itong magdulot ng mga komplikasyon sa pagbubuntis. Kung idadaan mo lamang ito sa home remedies at natural na lunas na kadalasan ay mas matagal umepekto kaysa sa antibiotic, maaaring kumalat ang impeksyon.
Mga posibleng mangyari kapag hindi agad nagamot ang UTI ng buntis
Batay sa mga pag-aaral, kapag hindi agad nasolusyunan ang UTI ng buntis, maaaring magdulot ito ng mga sumusunod na komplikasyon:
- Pagkalaglag ng bata
- Panganganak ng kulang sa buwan
- Pagsilang sa sanggol ng may mga depekto sa katawan
- Pagkakaroon ng sanggol ng mababang timbang
- Pagkakaroon ng pre-eclampsia ng ina
- Pagiging anemic ng ina
Sources:
https://www.healthline.com/health/pregnancy/treat-a-uti#What-are-the-treatment-options?https://americanpregnancy.org/pregnancy-complications/urinary-tract-infections-during-pregnancy/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/322411#can-you-treat-a-uti-without-antibiotics
https://americanpregnancy.org/naturally/treating-uti-naturally-during-pregnancy/
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4170332/
https://www.webmd.com/women/guide/pregnancy-urinary-tract-infection
-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------
This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on April 12, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.
Ako po may uti buntis po ako
ReplyDeleteMay UTI infection po Ako pang 5days na Po Ako nag lalagay Ng gamot na pinapasok sa pwerta piro nd parin Po nawawala Ang sakit matagal Po ba mawala Ang sakit na UTI kahit Po nag gagamot Po,??
ReplyDeleteAno pong pangalan ng gamot niyo sa UTI? At bakit sa pwerta? Kadalasan ang nirereseta po ng mga OB ay gamot na iniinom. Usually po gumagaling na yun within 5-7 days. Sure po kayong pang-UTI nga ang gamot niyo or UTI lang talaga sakit niyo? Baka vaginal yeast infection/thrush at hindi UTI. Kung ganun, mas matagal talaga gumaling.
Deletehello po nereseta sakin ay cefalixin ng doctor..ask ko lang po safe ba tlga ang cefalixin sa buntis.tenx po
ReplyDeleteYes
DeleteAng sa akin po 7months po akong buntis ngayon...ang naramdaman ko po sobrang kati po ng ari ko at masakit po ang puson ko posible po ba UTI to or vaginal yeast infection po?kasi po my lumalabas na white po na sobra ang kati po talaga
ReplyDeletePossible po yeast infection. I-relay niyo na lang po sa inyong OB para sure.
DeleteGood evening Po pwd Po ba Ang amoxicillin Po sa buntis na 2 months
ReplyDeleteBawal kung hindi nireseta ng OB.
Delete