Posts

Showing posts with the label gamot sa uti ng buntis

Iba't Ibang Paraan Upang Magamot ang UTI Habang Nagbubuntis

Image
Habang nagbubuntis, mataas ang tyansang magkaroon ng UTI o urinary tract infection. Ang matres kasi ay nasa bandang ibabaw lamang ng pantog. Kapag ang bata sa matres ay unti-unti nang lumalaki, pwedeng maipit nito ang mga daluyan ng ihi. Dahil dito, hindi makadaan nang maayos ang ihi at naiipon lamang ito sa loob, kaya naman pinamamahayan na ito ng mga bacteria. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung hindi siya madalas maligo. Siyempre, kapag tamad maligo, hindi rin nahuhugasan ang ari. Bukod dito, mas high risk ang pagkakaroon ng UTI ng mga buntis kasi mas marami na silang mga vaginal secretions. Pwede ring magkaroon ng UTI ang isang buntis kung mahilig siyang kumain ng maaalat at hindi palainom ng tubig. Mga sintomas ng UTI sa buntis Maaaring may UTI ka kung nananakit ang ari mo habang umiihi at makikita mo na malabo, madilaw na maputi, at mapanghi ang iyong ihi. Pwede ka ring makaranas ng pananakit ng puson at balakang, pananakit ng ari habang nakikipagtalik, pa