Paano Painumin ng Tubig si Baby

paano painumin ng tubig si baby
Paano Painumin ng Tubig si Baby

Noong first try namin pinainom ng tubig si baby, uminom naman agad siya. Ang problema, after 4-5 sips sa feeding bottle, nasasamid siya. Dahil siguro sa walang lasa ang tubig, hindi niya alam kung kailan siya magprepreno sa pag-inom kaya nasasamid.

Medyo natakot akong painumin ulit si baby ng tubig, kasi every time na iinom siya, laging nasasamid at sobrang namumula ang mukha niya. Kaya I temporarily stopped giving water. Pero dahil alam kong need din talaga ni baby uminom ng tubig, nag-research ako ng ibang ways kung paano painumin ng tubig si baby ng water.

1. Magdagdag ng tubig sa katatapos lang na ininumang feeding bottle.


Formula feeding si baby, kaya nainom siya ng milk via baby bottle. Since nahihirapan si baby uminom ng pure water, naisipan kong dagdagan ng tubig ang baby bottle niya after uminom ng gatas. Then i-shashake ko na lang. That way, magkakaroon ng kaunting lasa yung tubig dahil sa leftover milk. Mga 1 ounce lang ng water dinadagdag ko every after feeding. Iiincrease ko na lang siguro kung sa tingin ko ay kaya na niya ng mas marami.

magdagdag ng tubig sa katatapos lang na ininumang feeding bottle

2. Painumin si baby ng tubig gamit ang kutsara.


Since ang mga umiinom ng tubig na baby ay nagiistart na rin ng solid foods, posible ring i-welcome ni baby ang pag-inom ng tubig via spoon. Aakalain niyang solid food niya ito, kaya naman hindi ka na mahihirapan magpa-inom ng tubig.

painumin si baby ng tubig gamit ang kutsara


3. Gumamit ng dropper or syringe.


Kung ayaw naman ni baby uminom ng tubig sa kutsara, try to use dropper or syringe. Hindi ako medyo fan ng dropper kasi hindi masyadong calculated yung amount ng gamot or tubig kapag pinipisil. Mas bet ko ang syringe. If yung baby niyo ay nagtatake rin ng vitamins gaya ng baby ko, madali na rin siyang painumin ng tubig through dropper or syringe.

4. Painumin si baby ng tubig gamit ang cup or glass.


Mas okay gamitin yung mga pang-baby talaga na cup or glass. Masyado kasing makapal sa bibig ng baby yung standard cups and glasses na ginagamit sa bahay. Kung hindi naman effective ang baby cups or glasses, try niyo na rin yung standard types.

5. Gumamit ng sippy cup or training cup.


Ang sippy cup or training cup ay parang combination ng cup at baby bottle, pero imbis na tsupon ay spout or nguso ang inuman nito. Kadalasan ding may handles ang sippy cup para matutong humawak si baby ng bote mag-isa. Pero advice ko lang, kung bibili kayo ng sippy cup, sa physical store na lang, huwag online. Para ma-test niyo kung tama ba ang alignment nung spout sa handle kapag ipinihit. May nabili kasi akong training cup online, hindi naka-align nang ayos yung spout, taliwas siya sa handles niya. Sayang lang.

gumamit ng sippy cup or training cup


6. Gumamit ng 360 cup.


Hindi ko pa natratry ang 360 cup at baka hindi ko na rin i-try kasi umiinom naman na ng tubig si baby gamit ang ilang methods above. Balita ko, medyo pricey daw ito pero effective talaga sa pagpapainom ng tubig kay baby. May nakita akong video sa Youtube. Watch niyo na lang para magka-idea kayo kung ano ang 360 cup.


7. Babaran ang pinapainom na tubig ng sliced fruits.


Kadalasan, ayaw ng babies ang lasa ng tubig kasi walang lasa. (Ano daw?) Para mas ma-encourage ang baby niyo na uminom ng tubig, babaran niyo ito ng sliced fruits para magkalasa. Pwede ang mansanas, orange, melon, mangga, lemon, strawberry, at iba pa. Huwag niyo lang karamihan yung lagay ng fruits, baka kasi maging masyadong maasim yung tubig.

babaran ang pinapainom na tubig ng sliced fruits


8. Mag-try ng ibang brand ng distilled water.


Yung ibang baby, namimili ng brand ng distilled water. Yung ibang distilled water kasi, mas distinctive yung parang buko ang lasa niya. Kaya try to change the brand of distilled water that you're using, baka mas inumin ni baby.

9. Painumin ng maligamgam o malamig na tubig si baby.


Subukan niyo rin moms/dads na painumin si baby ng maligamgam o malamig na tubig. Baka mas bet niya yung ibang temperature. Pero sa karamihan ng nababasa ko sa forums, mas gusto ng mga baby ang medyo malamig.

10. Haluan ng flavored oresol ang tubig ni baby.


Eto tip lang ng pedia namin, pero di pa namin nasusubukan. Para raw hindi masamid si baby sa pag-inom ng tubig at para na rin magustuhan ang lasa nito, maghalo raw ng flavored oresol sa tubig ni baby. Yes, mga ma at pa. Meron nang flavored oresols. May buko, apple, at orange flavors. Di ba kasi, kadalasang maalat yung original oresol solutions na nabibili. Try niyo bumili ng flavored oresols sa South Star Drug or Mercury Drug.

11. Ipakita na masarap uminom ng tubig.


Ang mga baby na nagsosolid foods na, gaya-gaya na sila. Kunwari uminom ka ng tubig sa bottle, cup, or glass ni baby, baka gayahin ka niya at uminom na rin siya sa wakas ng tubig.

12. Gumamit ng baby bottle o cup na may straw.


Yung ibang baby naman, mas gusto nila uminom sa baby bottle o cup na may straw. May nabibiling 5-in-1 na training cup. Pwede mong palitan ang spout nila ng iba't ibang klase.

gumamit ng baby bottle o cup na may straw


13. Damihan ang sabaw sa solid foods.


If wala kahit alinman sa above methods ang nagwowork, damihan na lang muna ang sabaw sa ipinapakain na solid foods kay baby. Ok din ang masabaw na solid foods kasi nakatutulong magpalambot ng poop ni baby.


Tiyagaan din talaga moms/dads ang pagpapainom ng tubig kay baby. Sa dami ng methods na yan, I'm sure na matututunan din ni baby ang uminom ng tubig.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Aug. 22, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments

Post a Comment