Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak
Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak |
Moms, share ko lang yung mga isinilid ko sa hospital bag ko noong malapit na ako manganak. Kulang-kulang din naman kasi yung ibinibigay na listahan ng ospital. 😅
Bale 1 backpack at 1 large tote bag lang ang dala namin. Yung ibang mga nakalista rito, binili lang namin sa labas kaya baka magtaka kayo kung paano nagkasya lahat ng mga sinabi ko sa dalawang bags lang. Inilista ko na lang din para hindi kayo ma-short sa budget in case na may kailangan pala kayo bilihin sa labas.
Note: Applicable lang eto mga ma sa hospital setting ah. Yung tipong 2-3 days ka mag-stay sa ospital kahit normal delivery. Kung sa lying-in clinic kayo manganganak, mas kontian niyo na lang ang dala. Ang alam ko kasi, parang hanggang 24 hours lang pinag-iistay sa clinic kapag normal delivery. Kung CS naman kayo, mas marami siguro kayong dapat dalhin kasi mas mahaba ang stay niyo sa ospital.
Baby Things
Unahin muna natin yung para kay baby. Eto yung mga isinilid ko para sa kanya:
1. Mga Iaabot sa Nurse na Gamit ni Baby (at Mommy)
A. Susuotin ni baby
- 1 bonnet- 1 pair of mittens
- 1 pair of booties
- 1 short sleeves tieside
- 1 pair of shorts
- 1 diaper
- 1 bigkis
- 1 big receiving blanket/franella, or 2 small receiving blankets/franellas
B. Panglinis sa katawan at pusod ni baby
- 1 top-to-toe liquid baby soap, or 1 baby shampoo and 1 baby soap- 1 baby oil
- 1 betadine
- 1 70% isopropyl alcohol
- 1 mini pack cotton balls
- 1 lampin or wash cloth
C. Gamit ni Mommy
- 1 adult diaper- 1 underpad
*Note: Some hospitals do not require bigkis. Parang traditional method na lang kasi yung binibigkisan ang pusod ni baby. Pero nagdala na rin ako para sure.
Then ang i-prepare niyo mga moms ay yung pinaka-maliit na size ng hygiene essentials. Madalas kasi yung mga nurse, lalo na sa public hospitals, ay hindi na isinasauli yung hygiene essentials ni baby niyo. Kumbaga, "donation" niyo na lang sa kanila, kasi ginagamit nila yung natira sa ibang mga nanganganak na nanay na hindi nakapaghanda.
Then para sa akin, mas ok kung top-to-toe liquid baby soap, imbis na dalhin ay 1 shampoo at 1 bar soap. Bukod sa mas tipid sa space, mas gentle ang liquid soap kaysa sa bar soap para sa newborn babies.
Regarding sa baby oil, ginagamit yun para alisin yung puti-puti ni baby o vernix caseosa. Pero sa ibang ospital, hindi na muna tinatanggal yung vernix kasi nakatutulong ito sa pagreregulate ng body temperature ni baby.
About sa betadine naman, yung ibang ospital gumagamit pa rin nito panglinis ng pusod ni baby. Then sa iba naman, alcohol na lang. Para sure, magdala parehas.
2. Mga Gagamitin ni Baby sa Room or Ward ng 2-3 Days
- 1 bonnet- 1 pair of mittens
- 1 pair of booties
- 1 short sleeves tieside
- 1 long sleeves tieside
- 2 pairs of shorts
- 4 diapers
- 1 receiving blanket/franella
- 2 lampin or wash cloth
- 1 manzanilla
- 2 baby bottles (2oz)
- 1 baby bottle steamer
*Note: Pag nasa ospital ka na, hindi naman palit nang palit si baby ng damit. Yung manzanilla, hindi naman namin nagamit pero nagdala na rin ako para sure.
Then yung baby bottles at baby bottle steamer naman, for emergency purposes lang, lalo na kung hindi ka agad labasan ng milk. Maraming mga nanay ang nagsasabi na may gatas ang lahat ng ina basta ipasuso kay baby (or daddy) yung mga suso mo, pero not everyone has the same case.
As for me, 10 days after lumabas ng ospital, saka lang namaga ang breasts ko at nagkaroon ng milk. Buti na lang yung ospital na pinanganakan ko ay hindi strictly breastfeeding. Alam siguro nila na may cases gaya ko, na hindi agad nilalabasan ng milk kahit nanganak na, kaya payag sila na i-formula feeding muna si baby.
3. Going-Home Attire ni Baby
- 1 bonnet- 1 pair of mittens
- 1 pair of booties
- 1 short sleeves tieside
- 1 pair of shorts
- 1 diaper
- 1 receiving blanket/franella
- 1 lampin or wash cloth
Mommy Things
Para naman sa mga mommies na manganganak, eto dapat ang i-prepare niyo:
A. Important IDs and Documents
- PhilHealth ID mo at ng asawa mo- Marriage certificate
- SSS
- Latest PhilHealth payment receipt
- Pregnancy book/record (yung mini book na sinusulatan ng OB mo tuwing nagpapacheckup ka)
B. Mga Gagamitin ni Mommy sa Room or Ward ng 2-3 Days
- 1 maluwag na damit pagkapanganak (no need ng marami, may hospital gown naman)- 2 adult diapers, maternity pads, or menstrual pants
- 2 panty
- 1 bra
- 1 paha/abdominal binder
- 2 underpads
- 1 toothbrush
- 1 toothpaste
- 1 shampoo
- 1 soap
- 1 deodorant
- 1 suklay
- 1 cotton buds mini pack
- 2 bimpo
- 1 bath towel
- 1 tissue roll
C. Mga Gagamitin ni Daddy o ng Bantay
- 1 shirt- 1 pair of shorts
- 1 brief
- 1 toothbrush
- 1 bimpo
*Note: Pwede ng mag-share sa toothpaste, shampoo, soap, deodorant, suklay, at bath towel sila mommy at daddy kung hindi kayo maselan. No need na rin ipaghanda ng maraming damit si daddy. Keri na nila yung hindi araw-araw naliligo at nagpapalit ng damit. Kung gusto araw-araw maligo ni daddy, pwedeng umuwi sa bahay (kung malapit) at pabantayan muna sa kamag-anak sila mommy at baby.
D. Tubig, Pagkain, Eating Utensils, at Iba Pa
- 1 big gallon mineral water- 1 small mineral water
- 1 pack of biscuits or cupcakes
- 2 baso
- 2 pinggan
- 2 mangkok
- 2 kutsara
- 2 tinidor
- 1 big plastic, lagayan ng pinagbihisan
- 1 big plastic, lagayan ng mga basang tuwalya
- 1 big plastic, lagayan ng mga basura
- 4 extra plastics, lagayan ng kung anu-ano pa
- 1 laundry powder sachet
- 1 dishwashing liquid sachet
- 1 scouring pad
- 1 pamunas o basahan
*Note: Siyempre yung galon ng tubig at mga pagkain ay bibilhin niyo sa canteen o labas ng ospital. Pero puwede na kayong magbaon ng isang maliit na bote ng mineral water at mga biskwit para may pantawid uhaw/gutom kayo in case na hindi agad makabili.
E. Going-Home Attire ni Mommy
- 1 comfortable dress- 1 adult diaper, maternity napkin, or menstrual pants
- 1 panty
- 1 bra
- 1 beauty kit (face powder, lip balm or lipstick, pangkilay, ponytail or hairpins, etc.)
Yung ibang mga nabanggit ko, hindi ko naisilid sa hospital bag kasi hindi ko alam na kailangan pala. May kulang pa ba? Comment below para maidagdag natin.
-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------
This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Jan. 3, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.
Nag enjoy ako sa pag babasa naka kuha din ako ng mga ideas, at kong ano mga needs para sa panganganak 24 weeks preggy here
ReplyDeleteMaraming salamat sa mga ideas mo. 37 weeks pregnant mom here.
ReplyDeletethank you s mga reminders n dadalin atlist aware nako.now naghahanda nako para just incase n manganak nako bibitbitin ko nlng ang bag.27 weeks nako.
ReplyDelete