Jirapi's GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines

goon tape diaper review
Jirapi's GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines

Here's another diaper review. This time, yung GOO.N Tape Excellent Dry ang sinubukan namin for our baby. Ang GOO.N Tape Excellent Dry ay ang premium tape diaper ng GOO.N. Ibig sabihin, ito yung pangmalakasang tape diaper nila. If nagdedecide kayo mga nay at tay sa pagbili ng diaper brand na ito, basahin niyo muna ang aking review, baka makatulong.

GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines


Packaging and design. Ang binili namin na diaper ay yung large size. Bale may dalawa siyang available prints sa isang pack. May prints na sheep at fish. Cute naman. Pwedeng pang-boy or girl. See below para sa actual pictures:

goon tape diaper front print
GOO.N Tape Diaper Front Prints
goon tape diaper back print
GOO.N Tape Diaper Back Prints

Fitment and sizing. Binili ko yung large diaper na GOO.N noong kaka-1 year old pa lang ni baby. Large na si baby sa iba't ibang diaper brands pero masyado pang malaki ang large size ng GOO.N sa kanya noon. So tinabi ko muna ulit at hinintay ko munang lumaki-laki pa si baby. Pagtapak niya ng 1 year and 2 months, pinagamit ko na yung GOO.N, and buti naman, sakto na sa kanya. Sabi ng asawa ko, maganda raw fitment. Hindi raw maluwag o masikip sa singit ni baby.

goon tape diaper fitment
Fit na fit kay baby!

Walang siwang sa singit!

Absorbing performance. Okay naman ang absorbing performance ng GOO.N. Hindi kami nakaranas ng leaks mapa-wiwi o pupu. Yun nga lang, medyo nakukulangan ako sa performance niya. Naturingang premium, 5 hours lang ang maximum na itinatagal niya. Mas malakas pa ang ibang economy version ng ibang diaper brands. Kaya naman, hindi namin ginagamit ang GOO.N Tape Excellent Dry kapag nagma-mall kami.

Sa tingin ko, kaya mabilis mapuno, hindi even yung distribution ng wiwi. Hindi namamaximize ang full capacity ng absorbent pad. Hindi nagagamit yung back part ng diaper. Pero in fairness, dry ang private parts ni baby. So tunay nga siyang excellent dry. Hindi rin nagkakarashes si baby sa diaper na ito.

goon tape diaper absorbing performance
Happy and active baby wearing GOO.N Tape Excellent Dry

Diaper features. Mayroong wetness indicator ang GOO.N Tape Excellent Dry. Sa lahat ng diaper brands na may wetness indicator, ito lang yung accurate. Kapag puno na ang diaper, nagiging blue na yung dating yellow na wetness indicator. Kaya hindi rin talaga kami nalulusutan ng leaks sa diaper na ito.

goon tape diaper features
Masugid na sinusuri ni baby ang GOO.N!


Price. Yung iindicate ko rito is based from GOO.N's Lazada store. Sa pinakamurang available packages tayo.

1 pack NB (42 pcs) = P420 *Premium Slim Tape
1 pack S (36 pcs) = P320 *Premium Slim Tape
1 pack M (38 pcs) = P420
1 pack L (32 pcs) = P420
1 pack XL (30 pcs) = P420

Yung tape diaper na pang newborn at small size, ang tawag ay Premium Slim Tape. Not sure, pero eto yata ay equivalent din sa Excellent Dry. Wala rin akong nakitang 2XL at 3XL na sizes, pero sa pants version nila meron.

Bibili pa ba ako ng GOO.N Tape Excellent Dry diaper?

Hindi. Gaya ng sinabi ko noong una, nakukulangan ako sa performance ng GOO.N Tape Excellent Dry diaper considering na premium siya. Ang itinatagal lang niya ay 5 hours kasi hindi even yung distribution ng wiwi kaya hindi nagagamit yung back part. Naiipon lang ang wiwi sa front.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Jan. 7, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments