Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak
Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak Moms, share ko lang yung mga isinilid ko sa hospital bag ko noong malapit na ako manganak. Kulang-kulang din naman kasi yung ibinibigay na listahan ng ospital. 😅 Bale 1 backpack at 1 large tote bag lang ang dala namin. Yung ibang mga nakalista rito, binili lang namin sa labas kaya baka magtaka kayo kung paano nagkasya lahat ng mga sinabi ko sa dalawang bags lang. Inilista ko na lang din para hindi kayo ma-short sa budget in case na may kailangan pala kayo bilihin sa labas. Note: Applicable lang eto mga ma sa hospital setting ah. Yung tipong 2-3 days ka mag-stay sa ospital kahit normal delivery. Kung sa lying-in clinic kayo manganganak, mas kontian niyo na lang ang dala. Ang alam ko kasi, parang hanggang 24 hours lang pinag-iistay sa clinic kapag normal delivery. Kung CS naman kayo, mas marami siguro kayong dapat dalhin kasi mas mahaba ang stay niyo sa ospital. Baby Things Unahin muna natin yung para kay baby.