MamyPoko Pants Extra Dry Unisex Review Philippines: Ang Pangmalakasang Pants-Type Diaper
MamyPoko Pants Extra Dry Unisex Review Philippines |
Masugid talaga kami na taga-subok ng lahat ng diaper lines ng MamyPoko brand. Yung mga sumusunod, eto yung mga nasubukan na namin:
- MamyPoko Extra Soft Tape Diaper (Read my review)
- MamyPoko Pants Extra Dry for Girls (Wala pa akong review)
- MamyPoko Pants InstaSuot (Wala pa akong review)
- MamyPoko Pants Lovely Day and Night (Read my review)
This time, we tried MamyPoko Pants Extra Dry Unisex for our baby. It is MamyPoko's premium pants-type diaper pero ang design ay pang-unisex. Before kasi, may pang-boy at pang-girl sila. Hindi ko lang sure kung iphaphase-out na nila yun kasi pansin ko, hindi na sila nagrereplenish ng stocks sa Lazada or Shopee ng smaller sizes. Mga XXL at XXXL na lang ang halos natitira.
So eto nga. May bago silang diaper pants na MamyPoko Pants Extra Dry Unisex, yung kulay mint green ang packaging. Actually, nagdalawang isip akong bilhin ito kasi yung MamyPoko Pants Extra Dry for Girls nila ay hindi gaanong maganda ang performance kahit premium siya. Hindi ko pa lang nasusulat ang review. Kaya unahin ko na munang i-review itong bagong diaper pants nila.
MamyPoko Pants Extra Dry Unisex Review Philippines
Packaging and design. Ang lamig sa mata ng packaging ng MamyPoko Pants Extra Dry Unisex, kulay mint green. Then yung design naman ng diapers ay mayroong 2 prints. Hindi siya singtingkad ng MamyPoko Pants Extra Dry for Girls na kulay pink ang diaper, siguro dahil unisex nga ang pants. Dapat babagay sa baby boys or girls. Pero gusto ko rin ang prints ng diaper na ito.
Here's the first print. Musical Poko-chan! |
The second print. We especially love this print because of the kitty! |
Fitment and sizing. Very satisfied ako sa fitment and sizing ng diaper pants na ito. Compared sa MamyPoko Pants Lovely Day and Night nila, mas malaki yung sizing nito, and mas covered na rin yung puwet ng baby ko (although hindi pa rin completely covered). Pero kahit maglilikot si baby, hindi na nawawala sa ayos yung diaper. Kung mawala man sa ayos, okay lang, kasi malaki pa rin naman ang sakop niya.
MamyPoko Pants Extra Dry Unisex Front Fitment |
Absorbing performance. Base sa advertisement nila, up to 12 hours yung itinatagal ng MamyPoko Pants Extra Dry Unisex. Very happy ako sa absorbing performance. Tuwing umaga, up to 8-9 hours ang tinatagal niya. Although kahit hindi 12 hours, mas marami kasi dumede and kumain ng lugaw baby ko sa umaga kaya understandable naman. Pero sa gabi, namemeet niya yung 12 hours, minsan lagpas pa at inaabot na hanggang sa maligo si baby bago namin palitan.
Ang absorbent pad ng diaper na ito ay gawa rin sa paper, pulp, and polymer, gaya rin ng halos lahat ng diaper lines ng MamyPoko. Pero siyempre, mas high-quality. Yung mga "Extra Dry" pants kasi nila yung mga pangmalakasan nila. Compared sa MamyPoko Pants Extra Dry for Girls nila, yung Unisex mas absorbent at even talaga yung distribution ng wiwi. Makikita mo na nag-eexpand talaga yung diaper nila. No leaks din kung papalitan mo yung diaper sa oras na mapuno ito.
Singlakas ito ng MamyPoko Extra Soft Tape Diaper nila, or mas malakas pa. Very dry din ang skin ni baby kahit punung-puno na kaya hindi rin nagkakarashes. When it comes to pupu naman, very okay din siya. One time, medyo mushy ang pupu ni baby, hindi naman tumagas yung pupu.
Diaper features. Nakapagtataka lang, premium diaper line nila ito pero walang wetness indicator. Pero ok lang, hindi rin naman kami nagdedepende dun. Meron naman siyang roll-up tape para maayos ang disposal ng diaper. Very soft din siya at breathable. Mas malambot siya kaysa sa MamyPoko Pants Extra Dry for Girls.
Price. Eto ang pricing nila from Lazada. May kamahalan talaga ang MamyPoko pero sulit talaga ito. Puwede naman makabili ng mas murang diapers kung aabangan mo sila mag-sale at magstock ka na ng marami.
1 pack M pants (30 pcs) = P474.03
1 pack L pants (26 pcs) = P474.03
1 pack XL pants (22 pcs) = P453.37
Wala akong makitang price ng bigger sizes na unisex. Di ko lang sure kung hanggang XL lang talaga.
Bibili pa ba ako ng MamyPoko Pants Extra Dry Unisex?
Yes. Pangmatagalan talaga yung absorbing performance nito. Hindi ka mag-aaalala na magleleak siya kahit matagalan kayo sa labas na namamasyal ni baby. Hindi rin kailangang magpapalit-palit nang madalas at gumising sa gabi kasi dry pa rin ang skin ni baby.
-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------
This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Dec. 13, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.
Hi. Ilang taon na po baby mo? And what size na po ginagamit mo ngayon?
ReplyDelete