MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines: Okay Ba Ito Para Kay Baby?

mamypoko extra soft tape diaper review philippines
MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines

Moms and dads, baka huli na kayo sa balita. May MamyPoko Extra Soft Tape Diapers na. Yes, tape. Hindi lang pants ang products ni MamyPoko ngayon.

Sa naaalala ko, bago lang yung tape diapers nila. Parang netong December 2018 lang ni-launch yung tape diapers sa Shopee at Lazada. Hindi ko lang sure.

Hindi ko noon pinapansin si MamyPoko kasi hindi ko prefer ang pants at mas mahal siya sa ibang diaper brands. Pero na-cucurious talaga ako sa MamyPoko dahil ang dami kong naririnig na positive reviews. Kaya naman noong nagka-tape diapers sila, agad-agad akong bumili para i-try sa baby ko.

Update (11/30/2019): Gusto ko na rin ang pants-type diapers ngayon. Mas convenient isuot sa malikot na baby.

MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines


Sa moms and dads na nag-iisip kung worth it nga ba ang MamyPoko, here is my unbiased MamyPoko tape diaper review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby.

FYI, ang nirereview ko rito is yung small size. Yung ibang diapers kasi, kapag iba na ang size, iba na rin ang itsura at performance. Hindi rin nagsosolid-food ang baby ko since 5-month old pa lang siya rito. Remember na nag-iiba ang performance ng diaper kapag kumakain na ang baby.

Design. Ang cute ng design ng MamyPoko Extra Soft Tape Diaper. Disney animal prints siya featuring Pooh and Friends. Although blue yung prints, except sa waistband, puwede naman siya sa baby boy or girl.

mamypoko tape diaper design
Cute design!

Fitment. Maganda ang fitment ng MamyPoko tape diaper sa 5-month-old baby ko na may timbang na 5.9 kilos. Saktong-sakto siya. Hindi masikip, hindi rin lawlaw. Easy fitment siya, thanks sa kanyang elastic waistband at velcro tapes. Although ang nakalagay sa small size nila ay 4-8 kilograms, tingin ko hanggang 6.5-7 kilos lang pag saktong chubby ang baby niyo gaya ng baby namin.

mamypoko tape diaper fitment
Very comfortable si baby kahit anong puwesto.

Absorbent pad. Yung absorbent pad ng MamyPoko tape diaper ay kulay mint green na gawa sa paper, pulp, at polymer. Although hindi siya magic gel, kapag nabasa ang pad ng wiwi, medyo squishy din siya. Saktong kapal lang yung absorbent pad ng MamyPoko. Hindi naman siya gaanong takaw sa space kapag ipapack mo.

mamypoko tape diaper absorbent pad
What the inside looks like!

Wetness indicator. One of the features of MamyPoko Extra Soft Tape Diaper is yung wetness indicator niya. Talagang nagbabago ang kulay ng wetness indicator kapag puno na ng wiwi, unlike other diaper brands na parang hindi nagbabago. Pag dry pa ang diaper, the wetness indicator remains yellow. Pag puno na, nagiging blue. Madaling makita yung changes sa wetness indicator kasi isang vertical na guhit siya mula harap hanggang likod ng diaper.

Wiwi and dryness performance. Sabi ng MamyPoko, up to 12 hours leak and dryness protection ang tape diaper nila. At totoo nga! Sa ibang diaper brands kasi na nag-claclaim na hanggang 12 hours ang itatagal, hindi naman totoo. Madalas 6-8 hours lang.

Pero sa MamyPoko, talagang maaasahan mo siya. Minsan umaabot pa ng 13-14 hours, pero tuyo pa rin ang private part at puwet ng baby ko kahit quotang-quota na siya.

mamypoko tape diaper performance
Two thumbs up sa MamyPoko Extra Soft Tape Diaper!

Pupu performance. Maganda rin ang performance ng MamyPoko tape diaper sa pupu. Walang nag-lealeak. Kahit medyo matubig at malambot magpupu ang baby ko, naabsorb at nasasalo naman lahat ng diaper na ito. Dagdag dito, hindi umaagos palabas ng diaper ang pupu ni baby kahit mag-gagalaw siya habang pineprepare namin yung panglinis ng pupu niya. Sa ibang diaper brands kasi, gumalaw lang ng konti si baby, aagos agad yung sabaw ng pupu sa hita niya.

Pupu and wiwi performance. Hindi ko pa alam ang performance ng MamyPoko kapag sabay nagpupu at nagwiwi ang baby ko. Sa ibang diaper brands kasi, kapag nagkataong magkasabay na nagpupu at nagwiwi ang baby ko, nag-ooverflow na kasi natatakpan na ng pupu yung absorbent pad. I will update this part sa pupu and wiwi performance.

Update (4/22/2019): Kahit magsabay ang pupu at wiwi, no leaks pa rin. 

Nagkakarashes ba? Hindi naman nagka-rashes si baby kahit overdue na yung diaper niya sa 12 hours. And nanatili pa ring dry ang puwet niya. Siguro dahil na rin sa may pinapahid kaming rash diaper cream, kaya protektado pa rin ang puwet at singit-singit ng baby ko.

Durability. Ang tibay ng MamyPoko. Sa ibang diaper brands, kapag punung-puno na yung diaper, punit na yung back sheet at leak guards, kahit nga yung velcro tapes pasira na. Pero sa MamyPoko, staying strong pa rin.

Breathability. Super breathable ng back sheet ng MamyPoko tape. Tingin ko naman komportableng-komportable ang baby ko sa diaper na ito.

Price. Expect na natin mga moms and dads na mas mahal ang MamyPoko kaysa sa ibang diaper brands. Pero para sakin, worth it yung price. Kasi talagang naglalast siya ng 12 hours or more than that. Sa loob ng 24 hours, makaka-2 palit ka lang ng diaper, plus 1 palit kung magpupu ang baby mo.

Ito yung price ng tape diaper nila sa Lazada:

1 pack NB (30 pcs) = P319
1 pack S (28 pcs) = P339
1 pack M (26 pcs) = P358
1 pack L (22 pcs) = P328
1 pack XL (34 pcs) = P587
1 pack XXL (28 pcs) = P608

Tipid tips when buying MamyPoko brand


Since mas mahal ang MamyPoko kaysa sa ibang diaper brands, mag-abang kayo ng sale events sa Shopee or Lazada. Halos buwan-buwan, may sale sila! Example: New Year Sale sa January, Chinese New Year Sale sa February, Baby Fair Sale sa March, Summer Sale sa April, etc.

Depende sa "importansiya" ng sale events, nagbibigay ang MamyPoko ng up to 40% discount sa online shops nila. Mas malalaki ang discounts tuwing anniversary sale ng MamyPoko or Christmas sale.

Bibili pa ba ulit ako ng MamyPoko Extra Soft Tape Diaper?


Definitely yes! Sobrang laki ng natitipid namin sa diaper na'to, lalo na at malakas ngayon magwiwi si baby. Pati talagang ni-request siya sakin ni mister na huwag na huwag mawawala sa diaper stock ni baby ang MamyPoko. Talagang nagandahan siya sa performance nito kasi puwede na siyang matulog nang dire-diretso. Hindi na need ni mister gumising ng madaling araw para magpalit ng diaper ni baby.


I hope you like my MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines. Pa-like and share naman dyan mga moms and dads! Thank you!

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on April 3, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments