MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines: MamyPoko's Above Average Diaper Line
MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines |
Favorite ko talaga i-try ang lahat ng diaper lines ng MamyPoko brand. Ang unang diaper line na na-try namin for our baby is yung MamyPoko Extra Soft Tape Diaper (read my review here). So noong ni-release ang MamyPoko Pants Lovely Day and Night, agad akong bumili sa Lazada. Sa pagkakaalam ko, ito yung above average nilang diaper line. Kumbaga mas powerful daw ito sa kanilang MamyPoko Pants InstaSuot (yung color yellow ang packaging). Na-try na rin namin yung InstaSuot pero hindi ko napicturan noon kaya hindi ako makasulat ng review. Pero naka-line up na siya sa diaper stocks ni baby. So eto munang Lovely Day and Night ang i-review natin.
MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines
Packaging and design. Pag-usapan muna natin ang packaging and design niya. So far, so cute. Nagustuhan ko yung orange and green packaging niya. Karamihan kasi ng packaging ng halos lahat ng diaper brands ay color blue. Kumbaga, fresh siya sa mata. At si Poko-chan ang bida sa packaging imbis na real baby, which is very like ng baby ko. Love niya kasi si Poko-chan. Meron kasi siyang Poko-chan stuffed toy.
Panget lang picture ko, pero cute ang packaging niya |
Orange print |
Blue print |
Fitment and Sizing. Okay naman ang fitment. Hindi masikip, hindi rin maluwag. Pero mas maliit ang sizing ng Lovely Day and Night kaysa sa ibang MamyPoko pants. Hindi nacocover yung buong puwet ni baby.
MamyPoko Pants Lovely Day and Night When Worn |
Then kapag gumalaw si baby, napupunta rin halos sa gitna yung diaper, parang QPants diaper, napunta sa bandang gitna. One time nasa kuna si baby at nakatayo siya na pumupupu, yung pupu niya lumusot at bumagsak kasi wala na pala sa puwesto yung diaper niya. Buti na lang solid ang pupu at madali linisin.
Kita ang puwet! |
Absorbing performance. Base sa packaging, ang absorbent pad ng Lovely Day and Night ay gawa sa paper, pulp, at polymer. Same materials na gamit nila sa MamyPoko Extra Soft Diaper pero standard lang. Base sa advertisement nila, 8 hours ang tinatagal ng diaper line na ito. Pero kay baby, tumatagal lang siya ng 6 hours kapag umaga, then 8 hours sa gabi.
Okay din naman ang absorbing performance niya kasi depende rin naman yun sa iniinom at kinakain ni baby. Yun nga lang, madalas mag-leak. Our fault din naman kasi nasanay kami sa MamyPoko Extra Soft Tape Diaper na hanggang 12 hours. Nalilimutan namin palitan agad kasi sa isip-isip namin, "Ay maganda to, MamyPoko to." Sa pupu naman, okay din naman siya kasi solid na ngayon ang pupu ni baby.
Pero share ko lang din. Nung nagpunta kami sa mall at dala-dala si baby ng tatay niya via carrier, nagleak agad yung diaper. Ewan ko lang. Hindi siguro maka-flow yung wiwi hanggang back part kasi naiipit ng carrier. Pero parang ang weak naman, hindi ma-even yung distribution ng wiwi kasi naka-carrier. Mga 3 hours pa lang kami sa mall, nagleak na siya agad. So hindi siya advisable ipasuot kay baby kapag ica-carrier niyo siya.
Nag-leak agad siya noong naka-carrier si baby |
Diaper features. So dahil above average lang ang diaper line na ito, wala siyang gaanong ipinagmamalaking features bukod sa absorbency performance niya. Wala siyang wetness indicator at wala rin siyang roll-up tape sa likod. Pero soft and breathable naman ang diaper na ito. Hindi rin madaling masira or maghimulmol kahit basa na.
Price. So eto ang pricing ng MamyPoko Pants Lovely Day and Night sa Lazada.
1 pack L pants (56 pcs) = P523
1 pack XL pants (48 pcs) = P553
1 pack XXL pants (42 pcs) = P563
So mas mahal pa rin talaga ang MamyPoko sa ibang brands ng diaper.
Meron din nga pala silang pink packaging. Then noong nag-11.11 sale netong nakaraan, parang may ni-release din silang ibang color ng packaging. Nag-tie up ang MamyPoko at Lazada. Kasama sa packaging yung lion na mascot ng Lazada and si Poko-chan. Pero hindi ako bumili.
Ayan yung pink packaging nila |
Bibili pa ba ulit ako ng MamyPoko Pants Lovely Day and Night na diaper?
Hindi na. Hindi kasi siya singlakas ng performance ng MamyPoko Extra Soft Tape Diaper, although naiintindihan ko naman na hindi naman talaga siya pangmalakasan. Pero kung bibili kami ng MamyPoko brand, yung extra soft tape diaper na lang bibilhin namin kahit mas mahal. Pati naliliitan ako sa sizing niya, kaya siguro minsan nagkakaleaks din nang hindi inaasahan. Pati mas gugustuhin ko pang bumili ng ibang diaper brands na parehas naman ang performance sa Lovely Day and Night pero mas mura. Sorry Poko-chan! 😥-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------
This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Sept. 29, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.
Comments
Post a Comment