A Super Honest Review About QPants Baby Diaper

qpants baby diaper review
QPants Baby Diaper Review

Na-engganyo ako bumili ng QPants baby diaper kasi tadtad ang Facebook newsfeed ko ng ads nila. Bukod dito, yung mga fino-follow kong mga parent blogger ay prino-promote ang QPants. So by the time na naubos na yung current stocks ko ng baby diapers, bumili ako ng 4 packs (15 pcs/pack) ng QPants sa Lazada. I'm very excited to try QPants to my baby kaso nadisappoint ako, pati na rin asawa ko. 😔

Absorbency experiment reviews on QPants

If magsesearch kayo mga nay at tay ng mga review about QPants baby diaper sa Google or sa YouTube, mapapanood niyo yung mga review na binubuhusan yung QPants ng tubig para ipakita na okay siya mag-absorb. Super convincing talaga. 
Kaso mga nay at tay, okay naman talaga mag-absorb ang karamihan ng diaper brands kapag sa ganoong experiments lang. Nakalatag lang kasi nang flat ang diaper sa isang surface, at siyempre, even din ang distribution ng tubig sa diaper kasi nga naka-flat lang. Pero how about kapag suot na ito ng baby? Promise mga nay at tay, iba ang resulta.

My QPants baby diaper review

Eto na, i-share ko na mga nay at tay ang aking review sa QPants baby diaper at bakit kami nadisappoint mag-asawa.
when worn qpants baby diaper
QPants Baby Diaper When Worn

A. Mabilis mag-leak ang QPants baby diaper

Based on my experience, 3-4 hours lang ang tinatagal ng QPants. Kung makikita niyo sa picture, hindi nagagamit yung buong absorbent pad ng QPants.
easy to leak qpants baby diaper
Yes po, nag-leak na yan agad. 

Mabilis mag-leak ang QPants baby diaper kasi once nabasa na yung pad ng wiwi, yung absorbent material sa loob ng diaper ay naghihiwalay. Eh laging nakatayo pa at malikot ang baby, kaya napupull din ng gravity yung nabasang absorbent material. Dahil dito, hindi na maka-flow ang wiwi sa back part ng diaper kasi wala ng nag-coconnect na absorbent material. Ang mangyayari, maiipon lang ang wiwi sa front part ng QPants at magreresulta na sa diaper leaks. Sayang at mura pa naman ang QPants, kaso hindi nagagamit yung buong pad lalo na ang back part. 
Here are other pictures para makita niyo ang sinasabi ko:
not recommended qpants baby diaper
QPants Baby Diaper After Use

Kita niyo mga nay at tay? Yung part na hinahawakan ko ay yung "back part" ng diaper. Hindi siya fully nagagamit kasi bumabagsak o naghihiwalay yung absorbent material kaya hindi na maka-flow yung wiwi sa back part. 
poor performance qpants baby diaper
QPants Baby Diaper, Why It Easily Leaks

Ayan mga nay at tay, mas kita. Itinapat ko sa ilaw para kita niyo yung pagka-see-through ng bumagsak o nagkahiwalay na absorbent material. Bago ko pa man hawakan yan nang naka-upright, see-through na talaga siya habang suot ng baby ko. Halos bumakat na yung kulay ng puwet ni baby diyan sa QPants baby diaper.

B. Good fit pero not wide enough

Maganda ang fitting ng QPants baby diaper. Hindi maluwag, hindi masikip. Yun lang, gaya ng most diaper pants, hindi siya wide enough to cover my baby's puwet. 
not wide qpants baby diaper
QPants Baby Diaper, Not Wide Enough
As you could see in the picture, hindi niya gaanong nacocover yung puwet ni baby. Then pag gumagalaw si baby, yung QPants baby diaper napupunta sa gitna ng puwet, lalo umuultaw yung puwet 😅 Pero halos lahat naman ng diaper pants ganito. I'm still in my quest looking for the best diaper pants, yung malawak yung nacocover sa puwetan.

C. Not really a "Day and Night" diaper

The only time na okay gamitin ang QPants ay kapag tulog si baby kasi nakahiga lang, nag-eeven na yung distribution ng wiwi sa pad. Pero up to 5-6 hours lang then magleleak na. Kaso kasi ang nakalagay sa QPants ay "Day and Night" diaper siya ðŸ˜… 
Base sa experience ko, pang-night lang siya okay. Pero hindi rin masyado okay ang performance kasi 5-6 hours lang. Hindi pa gaano gumigising ang baby ko niyan ha para magdede. Pero nagleleak din agad. Yung ibang mga murang diapers na nata-try ko for my baby, standard na ang 8 hours.

QPants Baby Diaper Price

Ang sumusunod na price ay base sa Lazada ng QPants baby diaper:
1 pack M diaper (17 pcs) = P112
1 pack L diaper (14 pcs) = P106
1 pack XL diaper (13 pcs) = P107
1 pack XXL diaper (12 pcs) = P113
Sayang sana talaga at mura ang QPants baby diaper. Bakit kaya okay sa ibang parents ang QPants 😅 Or old stocks lang ang nareceive ko kaya panget ang performance 😥

Will I buy QPants baby diaper again?

No na. Laging nababasa ang bedsheet at shorts ni baby kapag QPants baby diaper ang gamit niya. Dami ko tuloy nilalabhan. 😓 Medyo nagsisi rin ako at 4 packs agad ang binili kong QPants baby diaper. Kaya mga nay at tay, if magtry kayo ng new brand ng diapers, 1 pack lang muna para in case na pangit pala gamitin, hindi sayang yung pera niyo.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Nov. 20, 2019. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments