Posts

Showing posts with the label sweetbaby plus diaper review

Sweetbaby Plus Diaper Review: Sweet sa Pwet, Sweet sa Budget

Image
Sweetbaby Plus Diaper Review Hilig ko talaga ang mag-try ng iba't ibang diaper brands para sa aking baby. Kaya sinubukan ko rin ang Sweetbaby Plus diaper. Note: Tape diaper ang Sweetbaby Plus. Una ko siyang nakita sa Shopee. Pero meron din pala nito sa Robinsons Supermarket, sa baby section. Kaya bumili na lang muna kami doon ng isang pack for testing. Sayang din naman kasi ang shipping fee sa Shopee kapag hindi na-meet ang minimum order. Kaya eto po ang aking Sweetbaby Plus Diaper Review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby. Design.  Maganda ang design ng Sweetbaby Plus diaper. Combination siya ng yellow at blue-green prints. Pwedeng pang-boy or girl. Fitment.  Dahil Pinoy-made ang Sweetbaby Plus diaper, tamang-tama ang fitment kay baby. Yun nga lang, mas maliit ang sizing niya compared sa ibang diaper brands na foreign ang manufacturers. Halimbawa, kung ang size ng baby niyo sa foreign diaper brands ay small, ang dapat niyong bilhi