Jirapi's MamyPoko InstaSuot Diaper Pants Review

mamypoko instasuot diaper pants review

Love ko talaga ang MamyPoko na diaper brand, kasi may favorite akong diaper lines nila. Kabilang sa mga favorite kong diaper lines nila ay:

MamyPoko Extra Soft Tape Diaper - yung kulay blue ang packaging (read my review)
MamyPoko Pants Extra Dry Unisex - yung kulay mint green ang packaging (read my review)

This time, ang i-review ko naman ay yung MamyPoko InstaSuot Diaper Pants, yung kulay yellow ang packaging.

MamyPoko InstaSuot Diaper Pants Review / MamyPoko Yellow Pants Diaper Review


Packaging and design. Kulay yellow ang packaging ng MamyPoko InstaSuot Diaper Pants. Sa design naman ng mismong diaper, cute siya. Ang complaint ko lang, walang nakasulat sa diaper kung alin ang front or back.

mamypoko instasuot front back
Hindi ko malaman kung alin ang front or back 

Fitment and sizing. Sa kasalukuyan, large pa rin ang size ng baby ko na 1 year old sa halos lahat ng ibang brand ng diaper. Pero etong nirereview ko, extra large ang size. Maliit ang sizing ng MamyPoko. Okay naman ang fitment na extra large sa baby ko. Yun nga lang ang narrow nung diaper. Halos labas ang mga pisngi ng pwet ng baby ko kahit na extra large na siya.

mamypoko instasuot fitment sizing
Labas pisngi ng pwet

Absorbing performance. Sa lahat ng mga diaper ni MamyPoko, eto ang worst ang absorbing performance. Siguro dahil eto yung pinakamura. Cotton yung absorbent pad niya. Pero di ko lang talaga inexpect na napakapangit ng performance ng InstaSuot. Ang sabi kasi sa mga ads nila, up to 10 hours ang kaya neto. Pero base sa experience ko, mga 3-4 hours lang ang itinatagal during daytime, at 4-5 hours kapag nighttime. Siguro dahil ang kipot-kipot nung diaper kaya mabilis mapuno. Bukod pa doon, hindi even yung distribution ng wiwi, naiipon lang sa front. Kapag sa pupu naman, okay naman kasi matigas-tigas na lagi pupu ni baby.

mamypoko instasuot absorbing performance


Diaper features. Wala namang gaanong special features ang InstaSuot. Wala siyang roll-back tape. Wala ring wetness indicator. Understandable naman kasi economy diaper ito ng MamyPoko.

Price. Pending muna ang price. Wala pa kasi stocks ang MamyPoko sa Lazada or Shopee kaya hindi ko ma-view.

Bibili pa ba ako ng MamyPoko InstaSuot Diaper Pants?


Hindi na. Bukod sa mas mahal siya sa ibang diaper brands eh pangit din ang kanyang performance.

Comments