Posts

Jirapi Opinion: Bakit Kailangang Parehas Kumikita ang Mister at Misis

Image
Noong mga sinaunang panahon, ang mga mister lamang ang kumakayod para sa gastusin ng pamilya. Samantalang ang mga misis naman ang naka-toka sa housework at pag-aalaga ng mga anak (kung meron). Pero 1930s pa lang, narerecognize na ang rights ng mga kababaihan at nag-uumpisa na silang pumasok sa workforce. At ngayon, marami-rami na ring both parents ay nagtratrabaho.  Para sa'kin, mas ok yung parehas na kumikita ang mister at misis. Narito ang mga dahilan: 1. Hindi mag-aalala kung saan kukuha ng pera kung sakaling mawalan ng trabaho ang iyong asawa. Naisipan ko itong sulatin kasi officially jobless na ako ngayong October 2022. Pero sana for a few months lang ako maging jobless at makahanap agad ng kapalit na freelance gig. 😅 Dahil may iba pa akong source of income (online selling) at yung mister ko (online selling), hindi kami gaanong nagpapanic kahit wala na akong full-time freelance work. Yun nga lang, kailangang maging mas matipid kami kasi yung kita ko sa freelance work ang main...

Hirap sa Pagdumi si Baby: Ganito ang Ginawa Namin Para Lumabas ang Kanyang Tae

Image
Noong mga months old pa lang ang anak namin, madalas din siyang matibi o ma-constipate. Yung tipong 4 days na hindi pa rin siya nakakatae. Para lumabas yung tae niya, narito yung mga ginawa namin: 1. Pakainin ng hinog na papaya. Sa lahat ng mga paraan, ito yung pinakamabisa para sa baby namin. Bibili lang kami noon sa palengke ng hinog na papaya tapos ay i-mamash namin. Diretso pakain lang. Wala ng halo-halo sa tubig. After siguro ng isang oras, ayon, makakatae na ang baby namin. Bakit nga ba effective ang papaya para makatae ang baby?  Ayon sa GoodRx , meron kasing papain ang papaya. Ito ay isang uri ng natural digestive enzyme na tumutulong para durugin o gawing mas pino ang mga pagkaing ating kinakain.  This blog post is originally written by Jirapi Mommy Blog . Do not copy and claim it as your own. Mahiya naman kayo sa akin. 😅 2. Painumin ng prune juice. Nabasa rin namin na effective ang pagpapainom ng prune juice sa mga baby na tinitibi. Doon sa nabasa namin, kailangang...

Pwede Bang Magpabunot ng Ngipin ang Buntis?

Image
Kapag buntis, nakararanas ang karamihan ng pagsakit at pagkabulok ng ngipin. Sabi ng iba, dahil kulang sa calcium. Pero ayon sa health sources, ito ay dahil sa hormonal changes . Sa pagtaas ng hormone levels ng buntis, naaapektuhan nito ang wastong paglaban ng katawan sa mga bacteria sa ngipin. Maaari ring makaapekto sa kalusugan ng mga ngipin ang morning sickness o ang madalas na pagsusuka . Dahil sa stomach acid na isinusuka, maaaring mapuno ang ngipin ng mga bacteria at mamaga ang mga gilagid at magdulot ng pananakit o pagkabulok ng ngipin kalaunan. Dahil dito, maraming mga buntis ang nagtatanong kung pwede bang magpabunot sila ng ngipin. Ayon sa dental websites na nabasa ko, pwede namang magpabunot, pero ito ay depende sa iyong OB at dentista. Kailan Pwedeng Magpabunot ng Ngipin ang Buntis? Anytime ay pwedeng magpabunot ng ngipin ang buntis, lalo na kung malala na talaga ang pagkasira ng ngipin at hindi mo na talaga makaya ang sakit. SUBALIT, karamihan ng mga dentista ay inirerekom...

Paano Makakuha ng Google Adsense Pin Kahit Pandemic 2021 Philippines

Image
Bago ka maka-withdraw ng earnings mo sa Google Adsense, need mo muna i-verify yung billing payment address mo sa pamamagitan ng pag-input mo ng iyong Google Adsense Pin. Yung Google Adsense Pin, marereceive mo yun kapag yung Youtube Channel or blog mo na may Google Ads ay naabot na yung minimum na kita na $10. Tapos, automatically mag-eemail sa'yo ang Google Adsense na pinadala na nila yung Google Adsense Pin mo at wait mo na lang ma-receive within 2 to 3 weeks. Ano ba ang Google Adsense Pin? Ano ang itsura niya? Noong una, nagtataka ako kung ano ba yung Google Adsense Pin. Akala ko, email verification pin lang siya, pero hindi. PISIKAL na SULAT / LETTER / MAIL pala siya. Ganito ang itsura ng Google Adsense Pin: Harap Likod Open Paano makukuha ang Google Adsense Pin eh pandemic? Iniisip ko, paano makakarating yung sulat sa bahay namin, eh pandemic. Tapos di ba, wala naman tayong nilalagay na cellphone number natin dun sa Account natin sa Google Adsense kasi walang nirerequire. Pang...

Pet Warehouse Philippines Review: Best Online Pet Shop for Cat Lovers Like Me!

Image
Gusto ko lang i-share kung saan ako bumibili ng cat essentials. Not a sponsored post (as if may mag-sponsor sa unknown mommy blogger 😂).  Kwento muna. Yung mister ko bwisit na bwisit kapag inuutusan ko siya bumili ng cat litter (yung buhangin na taehan ng pusa). Mabigat kasi yun, mga nasa 8-10 kilos yata. Kahit mag-tricycle siya, kailangan pa rin niyang maglakad sa eskinita papunta sa apartment namin habang buhat-buhat yung buhangin. Siguro mga 6 na bahay ang kailangan niyang lagpasan bago siya makarating sa bahay. Kaya para hindi na mabwisit ang asawa ko, naghanap ako ng online shop na nagtitinda ng cat litter. Nagsearch muna ako sa Shopee at Lazada, para door-to-door ang delivery. Kaso ang shipping fee, sobrang mahal! Kasi nga mabigat ang cat litter. Tapos bigla sumulpot sa Facebook newsfeed ko ang ads ng Pet Warehouse Philippines at may tinda silang cat litter 😍 Ano ang Maganda sa Pet Warehouse Philippines? 1. Murang cat litter. Meron silang murang binebentang cat litter bran...

14 na Rason Kung Bakit Hindi Ka Gusto ng Biyenan Mo

Image
Nagtataka ka ba kung bakit hindi ka gusto ng iyong biyenan? Marahil isa sa mga sumusunod ang dahilan: 1. "Inakit" mo agad ang kanyang anak na hindi pa tapos sa kanyang pag-aaral. Kahit naman sinong magulang ay maiinis sa taong "umakit" sa kanyang anak na hindi pa tapos sa pag-aaral. Although may fault ang babae at lalake, ang kadalasang reaksiyon ng mga magulang ay ang kanilang anak ang "biktima" at ikaw ang may pinaka-may kasalanan. 2. Wala kang tinapos at wala kang hanapbuhay. Walang magulang ang may gustong humantong ang kanilang anak sa taong tila walang kinabukasan. Mas nagiging panatag ang loob nila kapag ang makakatuluyan ng kanilang anak ay may tinapos sa pag-aaral, may hanapbuhay, o may pinagkakakitaan. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, hindi na aari yung iisa lang ang nagtratrabaho. 3. Hindi mo nagagampanan nang maayos ang mga obligasyon mo para sa iyong pamilya. Sa makalumang pananaw lang muna tayo. Pagdating sa hatian ng obligasyon ng mag-asaw...

Mga Pwedeng Trabaho o Pagkakitaan ng mga Nanay o Tatay na Nasa Bahay, Pandemic Man o Hindi

Image
Madami akong nababasa sa mga mommy groups na hindi sila makapagtrabaho kasi walang magbabantay sa mga anak nila. Pero dear parents, baka hindi niyo pa alam, marami na ngayong online work at online business na pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang. Kaya ang magtrabaho at kumita habang nag-aalaga ng mga anak habang nasa bahay ay hindi na imposible. 👌 Unahin muna nating pag-usapan ang online work... Narinig ko na ang online work, pero wala naman akong tinapos, pang-matatalino lang yan... Mga nay at tay, yung karamihan sa mga ibibigay kong halimbawa ng online work ay hindi nangangailangan ng college diploma. Ang mga employer kasi sa online work ay halos taga-ibang bansa at hindi big deal sa kanila kung nakatapos ka man o hindi. Ang mahalaga ay may maipakikita kang skills. Halimbawa, gusto mong maging online graphic artist. Hindi mo need ng diploma sa fine arts. Basta creative ka at magaling mag-design, pwede ka pa ring matanggap. Sa online work, ang mga employer ay mas may pakiala...

Mga Pwedeng Gawin Para Mabawasan ang Pagsusuka Habang Buntis

Image
Isa sa mga pinaka-ayaw kong part ng pagbubuntis ay yung pagsusuka. Yung tipong kahit ang sarap ng ulam niyo ay hindi mo magawang makain kasi 3 minutes lang ay isusuka mo rin agad. 😂  Madalas nakararanas ng pagsusuka ang mga buntis sa unang tatlong buwan o first trimester. Kusa rin naman itong nawawala pagsapit ng second trimester (4-6 months). Sa kaso ko naman, 5 buwan akong suka nang suka. Hindi talaga kaaya-aya sa pakiramdam (at panlasa) yung pagsusuka habang nagbubuntis. Kaya naman, subukan niyo eto mga momsh para makakain kayo nang maayos kahit papaano. A. Mabagal, pakonti-konti, at madalas na pagkain (small frequent meals) Kapag ikaw ay buntis, parang yung mga kinakain mo ay hindi bumababa at naiipon lamang sa may lalamunan o dibdib mo. Parang hindi siya bumababa ng tiyan, kaya naman mabilis kang nasusuka. Kaya mas okay na bagalan at kontian lamang ang mga kinakain mo para hindi agad mapuno yung lalamunan/dibdib mo at mabigyan pa ng time na mas bumaba yung mga pagkaing naunan...

Ano Ba ang Ibig Sabihin ng Polyhydramnios sa Ultrasound ng Buntis?

Image
Kung ikaw ay buntis at nakita mong may nakasulat na "polyhydramnios" sa iyong ultrasound, ibig sabihin nito ay masyadong maraming amniotic fluid sa iyong sinapupunan.Yung amniotic fluid yung tubig na pumapalibot sa iyong sanggol. Mas kilala rin ito sa tawag sa Tagalog na panubigan. Ang amniotic fluid ay nagbibigay ng proteksyon sa sanggol at tumutulong ito para mapangasiwaan ang temperatura sa loob ng tiyan. Nakatutulong din ito para maayos na madevelop ang mga baga ng sanggol at lumaking walang problema ang kanyang mga buto at kalamnan. Masama ba kung may polyhydramnios? Ang sagot dito ay oo. Pero marami namang mga paraan upang maging mas ligtas ang pagbubuntis, kaya naman hindi dapat gaanong mangamba. Pero bakit nga ba mapanganib ang pagkakaroon ng polyhydramnios?  Dahil masyadong maraming amniotic fluid sa sinapupunan, mas bumibigat ang pressure sa tiyan at masyadong nasisiksik ang mga kalapit na organ. Ang epekto nito sa ina ay makararanas siya ng iba't ibang mga si...

Jirapi Opinion: Dapat Bang Ibigay ni Mister ang Buong Sahod Niya sa Kanyang Misis?

Image
Wala nang patumpik-tumpik pa. Para sa akin, hindi required na ibigay ang buong sahod ni mister sa kanyang misis. Bakit? *Please note. Ito ay hindi panglalahat sa mga misis. Kasi ako, misis rin, pero hindi ako ganito. Hindi lahat ng misis ay marunong mag-budget nang tama. Kung sino ang mas magaling mag-budget at hindi maluho, siya dapat ang mag-manage ng pera. May ilang mga misis kasi na akala nila ay "needs" ang kanilang mga binibili, pero hindi namamalayan na ang mga ito pala ay "wants" lamang.  May mga misis na puros online shopping ang alam.  Mahilig din akong mag-Shopee at Lazada, pero umoorder lamang ako kapag "big sale." Hindi ako naorder kapag hindi at least 30% up ang discount. At ang inoorder ko lang ay mga diaper ni baby at groceries na bagsak-presyo, pati na rin mga magandang ipambenta. Ngayon kasi, lalo na't mas nauso ang online shopping dahil sa Covid-19 pandemic, maraming mga misis na ang na-adik sa online shopping at bumibili ng kung an...

Jirapi Opinion: Pagbili ng Gamit ni Baby Nang Maaga, Masama Nga Ba?

Image
Sabi ng mga nakatatanda, wag daw bumili agad ng gamit ni baby nang maaga kasi masamang senyales ito na may hindi magandang mangyayari sa sanggol na nasa iyong sinapupunan. Mas maigi raw na magsimula bumili ng gamit ng baby kapag 7 months up na. Para sa akin, tama naman sila. Hindi ko pa noon naririnig ang kasabihan na ito noong ako'y nagbubuntis, pero pinili kong bumili ng gamit ng aking baby nang naging 6 months ang aking tiyan. Hindi naman sa pag-aano, pero may posibilidad pa kasi na mawala ang baby sa sinapupunan 6 months below. Kumbaga hindi pa siya kapit na kapit. Pero kapag 7 months na, premature man siyang ilabas ay malaki-laki na rin ang tiyansa niyang mabuhay. 6 months ako nagsimula bumili ng gamit para preparasyon in case manganak ako ng premature o 7 months. Inuna ko munang bilhin ang mga basic na gagamitin sa ospital para hindi masayang ang aming pera. Habang ako'y nagbubuntis, masugid akong tagasubaybay ng mga usapang nanay at buntis groups. At nakababasa ako ng mg...

Coping with Morning Anxiety

Image
Tuwing umaga pagkagising, napupuno na agad yung utak ko ng pangamba. Maaalala ko agad ang mga masasamang balita, mga isipin tungkol sa pera, trabaho, sideline, gawain sa bahay, at dumagdag pa itong Covid. Sabi ng asawa ko, huwag daw ako mag-isip at wala naman daw kami mabibigat na problema. Tama nga naman siya, wala kaming gaanong problema. Pero "automatic" na nag-aalala agad ang utak ko tuwing umaga. Hindi mapigilan. Kahit ayoko mag-isip at mag-alala, kusang binobomba ang utak ko ng mga isipin. 😢 Hindi naman buong araw ay lagi akong nag-aalala. Kadalasan, tuwing umaga lang siya nagtatagal. Pero yung pag-aalala ko, umaabot sa punto na sumasakit ang batok ko. Nagkaroon din ako ng vertigo, dati naman wala. Minsan, hindi rin ako makahinga nang maayos. Pakiramdam ko, lagi rin akong tamad na tamad at naiinis. Nag-research ako kung ano ba itong nangyayari sakin. Base sa mga sintomas ko, morning anxiety daw ito. Napaka-uncomfortable sa pakiramdam kasi hindi ako makatrabaho nang ma...

Mga Ginagawa Namin Para Hindi Mainip Si Baby Habang Lockdown

Image
Isa talaga sa mga pampatanggal-inip ng baby namin ay ang pagdala-dala namin sa kanya sa labas. Not necessarily sa mall. Kundi, madalas siyang isama ng tatay niya sa labas ng bahay para makasilay ng ibang view, ibang mga bagay, at ibang mga tao. Madalas tatambay sila sa kanto or sa may tindahan. Pero ngayong lockdown dahil sa Covid-19, bawal na magsilabas, kaya naman para matanggal ang inip niya, eto ang mga ginagawa namin: Panonood ng Youtube. Matagal na naming kasangga ang Youtube sa pantanggal ng inip ng baby namin. Pero para upgraded yung Youtube experience niya, nakikikanta kami at nakikisayaw sa mga pinapanood namin. Interactive kumbaga. Sa totoo lang, mas marami siyang natutuhang mga salita at actions sa Youtube kaysa kapag binabasahan ko siya. Mahilig siya manood ng Mother Goose Club, Kids Camp, Super Simple, at iba pa. Pero dapat iba-ibang Youtube Channel pinapanood niya kada araw para hindi siya magsawa. Pakikipaglaro sa mga pusa. Ang laking tulong din ng mga alaga ...