Posts

Jirapi's MamyPoko InstaSuot Diaper Pants Review

Image
Love ko talaga ang MamyPoko na diaper brand, kasi may favorite akong diaper lines nila. Kabilang sa mga favorite kong diaper lines nila ay: MamyPoko Extra Soft Tape Diaper - yung kulay blue ang packaging (read my review ) MamyPoko Pants Extra Dry Unisex - yung kulay mint green ang packaging (read my review ) This time, ang i-review ko naman ay yung MamyPoko InstaSuot Diaper Pants, yung kulay yellow ang packaging. MamyPoko InstaSuot Diaper Pants Review / MamyPoko Yellow Pants Diaper Review Packaging and design. Kulay yellow ang packaging ng MamyPoko InstaSuot Diaper Pants. Sa design naman ng mismong diaper, cute siya. Ang complaint ko lang, walang nakasulat sa diaper kung alin ang front or back. Hindi ko malaman kung alin ang front or back  Fitment and sizing. Sa kasalukuyan, large pa rin ang size ng baby ko na 1 year old sa halos lahat ng ibang brand ng diaper. Pero etong nirereview ko, extra large ang size. Maliit ang sizing ng MamyPoko. Okay naman ang fitment

Kinakabag ang Aking Baby. Ano ang Dapat Gawin?

Image
Ang sabi ng matatanda at experienced mommies, kapag walang humpay sa pag-iyak ang baby, kinakabag daw ito. Ayon sa mga medical articles na nababasa ko, walang tiyak na cause ang kabag o colic. Pero ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng tiyan ng sanggol ng labis na hangin. Kapag tatapikin mo ang kanyang tiyan, parang tunog tambol ito. Isa sa mga pinaniniwalaang nagdudulot ng kabag sa baby ay ang pag-inom ng gatas, lalo na yung mga formula milk. Dahil mas mahirap tunawin ang formula milk kaysa sa breastmilk, naiipon lamang ito sa tiyan at gumagawa ito ng labis na hangin. Kung hindi naman dahil sa gatas, pwede ring mapasukan ng extrang hangin ang tiyan ng baby kapag siya ay umiiyak o kaya naman ay palagiang nakatutok sa kanya ang electric fan. Mga Pwedeng Gawin Upang Magamot ang Kabag ng Baby Upang magamot ang kabag ni baby, try niyong gawin ang mga sumusunod: Padighayin si baby pagkatapos dumede. Sa mga unang buwan ni baby, napaka-importante na padighayin siya pagkatapos du

Jirapi's EQ Plus Tape Diaper Review

Image
Nang maubos na ang isang pack ng EQ Dry tape diaper ni baby, sinunod naman naming subukan yung EQ Plus tape diaper. (Read my EQ Dry Tape Diaper Review ) Ang EQ Plus tape diaper ay ang economy tape diaper ng EQ. Yung EQ Dry tape diaper ang premium nila. Compared sa EQ Dry, mas gusto ko etong EQ Plus. Read why. EQ Plus Tape Diaper Review Packaging and design. Okay naman ang packaging niya. Color blue siya and transparent yung gitna. BTW, ang nirereview ko rito is yung large size ng EQ Plus tape diaper. For other sizes, iba-iba ang color ng packaging. For the design ng diaper, cute naman siya. May owl prints ang diaper at color yellow yung waistband. Pwede siyang pang-boy or girl. Fitment and sizing. Compared sa EQ Dry (yung premium tape diaper ng EQ), mas makipot etong EQ Plus. Nevertheless, nacocover pa rin niya naman ang buong pwet ng aking baby. Mas gusto ko nga ang fitment at sizing ng EQ Plus kesa EQ Dry kasi hindi siya gaanong bulky. Unlike sa EQ Dry, masyadong m

Gamot sa Ubo at Sipon ng Buntis: Ligtas na Home Remedies

Image
Hindi naman ako naging sakitin noong nagbuntis ako. Hindi ako nagkaroon ng ubo at sipon. Pero marami akong nakikitang mga buntis na nagtatanong sa mga Facebook pregnancy groups kung anu-ano bang mga gamot o home remedies ang pwedeng gawin upang gumaling ang kanilang ubo at sipon. Kaya naman nag-research na rin ako. Base sa aking mga nabasa, mayroon namang mga safe o ligtas na gamot para sa ubo't sipon ng buntis. Pero inirerekomenda ng ilang mga ob-gyne na iwasan ang pag-inom ng anumang klase ng gamot sa mga unang 12 linggo ng pagbubuntis kasi dito pinaka-nagdedevelop ang mga organs ni baby. Ligtas na Home Remedies Para sa Ubo at Sipon ng Buntis Para sa akin, susubukan ko muna ang mga home remedies bago ako uminom ng mga gamot para mas natural at safe. If ever na magka-ubo at sipon kayo while pregnant, subukan niyo muna itong mga home remedies na nakalap ko: Uminom ng maraming tubig. Mas okay kung maligamgam na tubig, pero kung hindi mo gusto ang maligamgam, pwede na r

Pwede ba Magpadede Kahit May Ubo, Sipon, o Lagnat ang Nanay?

Image
Kung ikaw ay isang breastfeeding mom, siguro sumasagi sa isip mo kung pwede ka pa rin bang magpadede o magpasuso kahit na ikaw ay may sakit gaya ng ubo, sipon, at lagnat. Hindi mo talaga maiiwasan ang mag-alala na baka mahawa ang iyong baby sapagkat sa pagpapasuso, napaka-close ang contact niyo sa isa't isa. Pagpapadede sa baby kahit may sakit ang ina Ayon sa mga doktor at sa mga health articles na aking nabasa, pwede pa rin naman magpadede o magpasuso kay baby kahit na ikaw ay may sakit kung ito ay mga pangkaraniwang sakit lamang. Ang breastmilk o gatas ng ina ay naglalaman ng mga antibodies na makatutulong kay baby upang mas lumakas ang kanyang resistensya at malabanan din ang mga pangkaraniwang sakit. Mga pag-iingat na dapat gawin habang nagpapasuso nang may sakit Bagama't okay lang na magpadede kay baby kahit may sakit ang isang ina, iminumungkahi na gawin pa rin ang mga sumusunod na pag-iingat upang hindi mahawaan si baby: Kung may ubo at sipon, magsuot ng f