Posts

Showing posts with the label product reviews

Sweetbaby Plus Diaper Review: Sweet sa Pwet, Sweet sa Budget

Image
Sweetbaby Plus Diaper Review Hilig ko talaga ang mag-try ng iba't ibang diaper brands para sa aking baby. Kaya sinubukan ko rin ang Sweetbaby Plus diaper. Note: Tape diaper ang Sweetbaby Plus. Una ko siyang nakita sa Shopee. Pero meron din pala nito sa Robinsons Supermarket, sa baby section. Kaya bumili na lang muna kami doon ng isang pack for testing. Sayang din naman kasi ang shipping fee sa Shopee kapag hindi na-meet ang minimum order. Kaya eto po ang aking Sweetbaby Plus Diaper Review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby. Design.  Maganda ang design ng Sweetbaby Plus diaper. Combination siya ng yellow at blue-green prints. Pwedeng pang-boy or girl. Fitment.  Dahil Pinoy-made ang Sweetbaby Plus diaper, tamang-tama ang fitment kay baby. Yun nga lang, mas maliit ang sizing niya compared sa ibang diaper brands na foreign ang manufacturers. Halimbawa, kung ang size ng baby niyo sa foreign diaper brands ay small, ang dapat niyong bilhi

MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines: Okay Ba Ito Para Kay Baby?

Image
MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines Moms and dads, baka huli na kayo sa balita. May MamyPoko Extra Soft Tape Diapers na. Yes, tape. Hindi lang pants ang products ni MamyPoko ngayon. Sa naaalala ko, bago lang yung tape diapers nila. Parang netong December 2018 lang ni-launch yung tape diapers sa Shopee at Lazada. Hindi ko lang sure. Hindi ko noon pinapansin si MamyPoko kasi hindi ko prefer ang pants at mas mahal siya sa ibang diaper brands. Pero na-cucurious talaga ako sa MamyPoko dahil ang dami kong naririnig na positive reviews. Kaya naman noong nagka-tape diapers sila, agad-agad akong bumili para i-try sa baby ko. Update (11/30/2019): Gusto ko na rin ang pants-type diapers ngayon. Mas convenient isuot sa malikot na baby. MamyPoko Extra Soft Tape Diaper Review Philippines Sa moms and dads na nag-iisip kung worth it nga ba ang MamyPoko, here is my unbiased MamyPoko tape diaper review. Makatulong sana ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby. FY