Pwede Bang Magpabunot ng Ngipin ang Buntis?
Kapag buntis, nakararanas ang karamihan ng pagsakit at pagkabulok ng ngipin. Sabi ng iba, dahil kulang sa calcium. Pero ayon sa health sources, ito ay dahil sa hormonal changes. Sa pagtaas ng hormone levels ng buntis, naaapektuhan nito ang wastong paglaban ng katawan sa mga bacteria sa ngipin. Maaari ring makaapekto sa kalusugan ng mga ngipin ang morning sickness o ang madalas na pagsusuka. Dahil sa stomach acid na isinusuka, maaaring mapuno ang ngipin ng mga bacteria at mamaga ang mga gilagid at magdulot ng pananakit o pagkabulok ng ngipin kalaunan. Dahil dito, maraming mga buntis ang nagtatanong kung pwede bang magpabunot sila ng ngipin. Ayon sa dental websites na nabasa ko, pwede namang magpabunot, pero ito ay depende sa iyong OB at dentista.
Kailan Pwedeng Magpabunot ng Ngipin ang Buntis?
Anytime ay pwedeng magpabunot ng ngipin ang buntis, lalo na kung malala na talaga ang pagkasira ng ngipin at hindi mo na talaga makaya ang sakit. SUBALIT, karamihan ng mga dentista ay inirerekomenda na magpabunot na lamang ng ngipin pagsapit ng second trimester para buo na halos lahat ng mga pangunahing organs ni baby.
Nakasasama Ba ang Pag-Xray sa Ngipin?
Hindi naman lahat ng buntis na magpapabunot ng ngipin ay kailangan ng xray. Pero kung kakailanganin naman ito, hindi ka naman dapat mabahala. Low dose lang ng radiation ang ginagamit sa mga makabagong dental x-ray upang hindi maapektuhan ang development ni baby. Bukod dito, kino-coveran naman ang tiyan kahit na bibig ang i-xray.
Nakasasama Ba ang Anesthesia?
Kung ikaw ay magpapabunot ng ngipin habang buntis, pipili naman ang iyong dentista ng safe na anesthesia at kadalasan ay mababa lamang ang dosage nito. Pati ang kadalasang ginagamit na anesthesia sa pagbunot ng ngipin ay local anesthetic lamang. Kapag "local," ibig sabihin, yung anesthesia ay hindi dumadaloy sa ibang parte ng katawan.
Kaya naman soon-to-be-moms, no need to worry kung gusto mong magpabunot ng ngipin. Basta, tanungin muna ang iyong OB at dentista.
Sources:
-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------
This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Jan. 10, 2022. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.
Comments
Post a Comment