Pwede Bang Magpabunot ng Ngipin ang Buntis?
Kapag buntis, nakararanas ang karamihan ng pagsakit at pagkabulok ng ngipin. Sabi ng iba, dahil kulang sa calcium. Pero ayon sa health sources, ito ay dahil sa hormonal changes . Sa pagtaas ng hormone levels ng buntis, naaapektuhan nito ang wastong paglaban ng katawan sa mga bacteria sa ngipin. Maaari ring makaapekto sa kalusugan ng mga ngipin ang morning sickness o ang madalas na pagsusuka . Dahil sa stomach acid na isinusuka, maaaring mapuno ang ngipin ng mga bacteria at mamaga ang mga gilagid at magdulot ng pananakit o pagkabulok ng ngipin kalaunan. Dahil dito, maraming mga buntis ang nagtatanong kung pwede bang magpabunot sila ng ngipin. Ayon sa dental websites na nabasa ko, pwede namang magpabunot, pero ito ay depende sa iyong OB at dentista. Kailan Pwedeng Magpabunot ng Ngipin ang Buntis? Anytime ay pwedeng magpabunot ng ngipin ang buntis, lalo na kung malala na talaga ang pagkasira ng ngipin at hindi mo na talaga makaya ang sakit. SUBALIT, karamihan ng mga dentista ay inirerekom