Posts

Jirapi Opinion: Bakit Kailangang Parehas Kumikita ang Mister at Misis

Image
Noong mga sinaunang panahon, ang mga mister lamang ang kumakayod para sa gastusin ng pamilya. Samantalang ang mga misis naman ang naka-toka sa housework at pag-aalaga ng mga anak (kung meron). Pero 1930s pa lang, narerecognize na ang rights ng mga kababaihan at nag-uumpisa na silang pumasok sa workforce. At ngayon, marami-rami na ring both parents ay nagtratrabaho.  Para sa'kin, mas ok yung parehas na kumikita ang mister at misis. Narito ang mga dahilan: 1. Hindi mag-aalala kung saan kukuha ng pera kung sakaling mawalan ng trabaho ang iyong asawa. Naisipan ko itong sulatin kasi officially jobless na ako ngayong October 2022. Pero sana for a few months lang ako maging jobless at makahanap agad ng kapalit na freelance gig. 😅 Dahil may iba pa akong source of income (online selling) at yung mister ko (online selling), hindi kami gaanong nagpapanic kahit wala na akong full-time freelance work. Yun nga lang, kailangang maging mas matipid kami kasi yung kita ko sa freelance work ang main

Hirap sa Pagdumi si Baby: Ganito ang Ginawa Namin Para Lumabas ang Kanyang Tae

Image
Noong mga months old pa lang ang anak namin, madalas din siyang matibi o ma-constipate. Yung tipong 4 days na hindi pa rin siya nakakatae. Para lumabas yung tae niya, narito yung mga ginawa namin: 1. Pakainin ng hinog na papaya. Sa lahat ng mga paraan, ito yung pinakamabisa para sa baby namin. Bibili lang kami noon sa palengke ng hinog na papaya tapos ay i-mamash namin. Diretso pakain lang. Wala ng halo-halo sa tubig. After siguro ng isang oras, ayon, makakatae na ang baby namin. Bakit nga ba effective ang papaya para makatae ang baby?  Ayon sa GoodRx , meron kasing papain ang papaya. Ito ay isang uri ng natural digestive enzyme na tumutulong para durugin o gawing mas pino ang mga pagkaing ating kinakain.  This blog post is originally written by Jirapi Mommy Blog . Do not copy and claim it as your own. Mahiya naman kayo sa akin. 😅 2. Painumin ng prune juice. Nabasa rin namin na effective ang pagpapainom ng prune juice sa mga baby na tinitibi. Doon sa nabasa namin, kailangang i-mix an

Pwede Bang Magpabunot ng Ngipin ang Buntis?

Image
Kapag buntis, nakararanas ang karamihan ng pagsakit at pagkabulok ng ngipin. Sabi ng iba, dahil kulang sa calcium. Pero ayon sa health sources, ito ay dahil sa hormonal changes . Sa pagtaas ng hormone levels ng buntis, naaapektuhan nito ang wastong paglaban ng katawan sa mga bacteria sa ngipin. Maaari ring makaapekto sa kalusugan ng mga ngipin ang morning sickness o ang madalas na pagsusuka . Dahil sa stomach acid na isinusuka, maaaring mapuno ang ngipin ng mga bacteria at mamaga ang mga gilagid at magdulot ng pananakit o pagkabulok ng ngipin kalaunan. Dahil dito, maraming mga buntis ang nagtatanong kung pwede bang magpabunot sila ng ngipin. Ayon sa dental websites na nabasa ko, pwede namang magpabunot, pero ito ay depende sa iyong OB at dentista. Kailan Pwedeng Magpabunot ng Ngipin ang Buntis? Anytime ay pwedeng magpabunot ng ngipin ang buntis, lalo na kung malala na talaga ang pagkasira ng ngipin at hindi mo na talaga makaya ang sakit. SUBALIT, karamihan ng mga dentista ay inirerekom

Paano Makakuha ng Google Adsense Pin Kahit Pandemic 2021 Philippines

Image
Bago ka maka-withdraw ng earnings mo sa Google Adsense, need mo muna i-verify yung billing payment address mo sa pamamagitan ng pag-input mo ng iyong Google Adsense Pin. Yung Google Adsense Pin, marereceive mo yun kapag yung Youtube Channel or blog mo na may Google Ads ay naabot na yung minimum na kita na $10. Tapos, automatically mag-eemail sa'yo ang Google Adsense na pinadala na nila yung Google Adsense Pin mo at wait mo na lang ma-receive within 2 to 3 weeks. Ano ba ang Google Adsense Pin? Ano ang itsura niya? Noong una, nagtataka ako kung ano ba yung Google Adsense Pin. Akala ko, email verification pin lang siya, pero hindi. PISIKAL na SULAT / LETTER / MAIL pala siya. Ganito ang itsura ng Google Adsense Pin: Harap Likod Open Paano makukuha ang Google Adsense Pin eh pandemic? Iniisip ko, paano makakarating yung sulat sa bahay namin, eh pandemic. Tapos di ba, wala naman tayong nilalagay na cellphone number natin dun sa Account natin sa Google Adsense kasi walang nirerequire. Pang

Pet Warehouse Philippines Review: Best Online Pet Shop for Cat Lovers Like Me!

Image
Gusto ko lang i-share kung saan ako bumibili ng cat essentials. Not a sponsored post (as if may mag-sponsor sa unknown mommy blogger 😂).  Kwento muna. Yung mister ko bwisit na bwisit kapag inuutusan ko siya bumili ng cat litter (yung buhangin na taehan ng pusa). Mabigat kasi yun, mga nasa 8-10 kilos yata. Kahit mag-tricycle siya, kailangan pa rin niyang maglakad sa eskinita papunta sa apartment namin habang buhat-buhat yung buhangin. Siguro mga 6 na bahay ang kailangan niyang lagpasan bago siya makarating sa bahay. Kaya para hindi na mabwisit ang asawa ko, naghanap ako ng online shop na nagtitinda ng cat litter. Nagsearch muna ako sa Shopee at Lazada, para door-to-door ang delivery. Kaso ang shipping fee, sobrang mahal! Kasi nga mabigat ang cat litter. Tapos bigla sumulpot sa Facebook newsfeed ko ang ads ng Pet Warehouse Philippines at may tinda silang cat litter 😍 Ano ang Maganda sa Pet Warehouse Philippines? 1. Murang cat litter. Meron silang murang binebentang cat litter brand. S