Ano Ba ang Ibig Sabihin ng Polyhydramnios sa Ultrasound ng Buntis?
Kung ikaw ay buntis at nakita mong may nakasulat na "polyhydramnios" sa iyong ultrasound, ibig sabihin nito ay masyadong maraming amniotic fluid sa iyong sinapupunan.Yung amniotic fluid yung tubig na pumapalibot sa iyong sanggol. Mas kilala rin ito sa tawag sa Tagalog na panubigan. Ang amniotic fluid ay nagbibigay ng proteksyon sa sanggol at tumutulong ito para mapangasiwaan ang temperatura sa loob ng tiyan. Nakatutulong din ito para maayos na madevelop ang mga baga ng sanggol at lumaking walang problema ang kanyang mga buto at kalamnan. Masama ba kung may polyhydramnios? Ang sagot dito ay oo. Pero marami namang mga paraan upang maging mas ligtas ang pagbubuntis, kaya naman hindi dapat gaanong mangamba. Pero bakit nga ba mapanganib ang pagkakaroon ng polyhydramnios? Dahil masyadong maraming amniotic fluid sa sinapupunan, mas bumibigat ang pressure sa tiyan at masyadong nasisiksik ang mga kalapit na organ. Ang epekto nito sa ina ay makararanas siya ng iba't ibang mga si...