14 na Rason Kung Bakit Hindi Ka Gusto ng Biyenan Mo
Nagtataka ka ba kung bakit hindi ka gusto ng iyong biyenan? Marahil isa sa mga sumusunod ang dahilan: 1. "Inakit" mo agad ang kanyang anak na hindi pa tapos sa kanyang pag-aaral. Kahit naman sinong magulang ay maiinis sa taong "umakit" sa kanyang anak na hindi pa tapos sa pag-aaral. Although may fault ang babae at lalake, ang kadalasang reaksiyon ng mga magulang ay ang kanilang anak ang "biktima" at ikaw ang may pinaka-may kasalanan. 2. Wala kang tinapos at wala kang hanapbuhay. Walang magulang ang may gustong humantong ang kanilang anak sa taong tila walang kinabukasan. Mas nagiging panatag ang loob nila kapag ang makakatuluyan ng kanilang anak ay may tinapos sa pag-aaral, may hanapbuhay, o may pinagkakakitaan. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, hindi na aari yung iisa lang ang nagtratrabaho. 3. Hindi mo nagagampanan nang maayos ang mga obligasyon mo para sa iyong pamilya. Sa makalumang pananaw lang muna tayo. Pagdating sa hatian ng obligasyon ng mag-asaw...