Hirap sa Pagdumi si Baby: Ganito ang Ginawa Namin Para Lumabas ang Kanyang Tae

hirap sa pagdumi si baby

Noong mga months old pa lang ang anak namin, madalas din siyang matibi o ma-constipate. Yung tipong 4 days na hindi pa rin siya nakakatae. Para lumabas yung tae niya, narito yung mga ginawa namin:

1. Pakainin ng hinog na papaya.


Sa lahat ng mga paraan, ito yung pinakamabisa para sa baby namin. Bibili lang kami noon sa palengke ng hinog na papaya tapos ay i-mamash namin. Diretso pakain lang. Wala ng halo-halo sa tubig. After siguro ng isang oras, ayon, makakatae na ang baby namin.

Bakit nga ba effective ang papaya para makatae ang baby? 

Ayon sa GoodRx, meron kasing papain ang papaya. Ito ay isang uri ng natural digestive enzyme na tumutulong para durugin o gawing mas pino ang mga pagkaing ating kinakain. 

This blog post is originally written by Jirapi Mommy Blog. Do not copy and claim it as your own. Mahiya naman kayo sa akin. 😅

2. Painumin ng prune juice.


Nabasa rin namin na effective ang pagpapainom ng prune juice sa mga baby na tinitibi. Doon sa nabasa namin, kailangang i-mix ang 30ml ng prune juice sa 30ml ng tubig. Yun nga lang, ayaw ng baby namin, masyadong mapakla kapag ganyan ang ratio ng mixture. Kaya ang ginawa namin, mas kinontian na lang namin yung prune juice. Bale naging "tubig" ni baby ito araw-araw hanggang pagsawaan na niya.

Unlike sa pagpapakain ng papaya, hindi naman agad-agad lumalabas ang tae ni baby. Pero magmula nang regular namin siyang pinapainom ng prune juice, mas naging malambot na ang tae ni baby.

Kaya maigi rin ang prune juice para hindi maging constipated si baby kasi meron itong mataas na sorbitol content. Ayon sa source, ang sorbitol ay may laxative at diuretic properties. Laxative, ibig sabihin, pampatae. Diuretic, ibig sabihin pampaihi.

3. Painumin ng flavored oresol.


Hindi mahilig uminom ng tubig yung baby namin. Ang advise ng pediatrician niya ay painumin namin siya ng flavored oresol. Pwede naman daw araw-araw magpainom ng oresol kahit hindi nagtatae basta ba tama ang timplahan.

Kapag ubos na ang stock ng prune juice ni baby, oresol naman ang pinapainom namin. Yung lemon flavor.

4. Pagsasagawa ng manual removal.


Minsan, hindi rin talaga kinakaya ng papaya, prune juice, o oresol ang matigas na tae ni baby. Kaya nag-manual removal kami ng isang beses.

Ang ginawa namin, hinintay naming humilab yung tiyan ni baby. Yan kasi yung time na nag-aattempt siyang ilabas tae niya. Yung tipong sumisilip na yung dulo ng tae sa pwet pero pumapasok ulit.

Yung mister ko ang may hawak ng mga paa ni baby nang nakabuka. Tapos ako naman, pinipisil-pisil ko yung paligid ng butas ng pwet ni baby para mailabas niya yung tae niya.


Kayo mga nay at tay, anu-ano yung mga paraan niyo para lumabas ang tae ng inyong baby?


-------------------------------------
Pa-support and follow po ng aking Facebook pages:
Jirapi: Mom, Dad, and Baby Needs - mga paninda ko po ito
Jirapi Mommy Blog - dedicated space for my random musings as a mom

SALAMAT 😀

Comments