Jirapi Opinion: Dapat Bang Ibigay ni Mister ang Buong Sahod Niya sa Kanyang Misis?

kailangan bang ibigay ang sahod sa misis

Wala nang patumpik-tumpik pa. Para sa akin, hindi required na ibigay ang buong sahod ni mister sa kanyang misis. Bakit?

*Please note. Ito ay hindi panglalahat sa mga misis. Kasi ako, misis rin, pero hindi ako ganito.

Hindi lahat ng misis ay marunong mag-budget nang tama. Kung sino ang mas magaling mag-budget at hindi maluho, siya dapat ang mag-manage ng pera. May ilang mga misis kasi na akala nila ay "needs" ang kanilang mga binibili, pero hindi namamalayan na ang mga ito pala ay "wants" lamang. 

May mga misis na puros online shopping ang alam. Mahilig din akong mag-Shopee at Lazada, pero umoorder lamang ako kapag "big sale." Hindi ako naorder kapag hindi at least 30% up ang discount. At ang inoorder ko lang ay mga diaper ni baby at groceries na bagsak-presyo, pati na rin mga magandang ipambenta. Ngayon kasi, lalo na't mas nauso ang online shopping dahil sa Covid-19 pandemic, maraming mga misis na ang na-adik sa online shopping at bumibili ng kung anu-ano. Ang malala pa, hindi sila nagsasabi sa kanilang mga mister na may binili pala sila. 

May mga misis na sugarol. Sa lugar namin, napapansin ko na ang daming mga misis na mahilig magsugal at tumaya sa mga pa-raffle at ending. Sayang din ang 100 pesos na taya. Imagine. Kung every other day ka tumataya, nakakaubos ka na ng 400 pesos sa isang linggo, pero hindi ka naman pinapalad na manalo. Tapos magrereklamo sa mister na walang pambili ng pang-ulam at maghihinakit na kulang ang binibigay niya. 

May mga misis na mayabang magpautang sa kanilang mga kaibigan. Eto, napapansin ko rin. Yung mga misis na may asawa sa abroad o may mga asawa na maaayos ang trabaho, marami sa kanilang pilit na nakikipag-close. Pero gagawin lang pala utangan. Dahil sa pressure at sa kagustuhang hindi mapahiya sa kanilang mga "kaibigan," palagi nilang pinapautang ang pinagpagurang sahod ng kanilang mga asawa. Mga hindi naman nagbabayad. 

May mga misis na inuunang bilhin ang mga kolorete niya sa mukha at katawan. Maraming mga misis ang nagrereklamo na hindi sila binibigyan ng kanilang mga mister ng pampaganda. Bagama't dapat nasa budget kasi macoconsider naman as "reward" ng mga misis para sa kanilang mga sarili, mag-isip din naman muna kung kaya ba. Baka naman sapat lang ang sinasahod ni mister at maging siya ay hindi ma-enjoy ang perang kanyang kinikita. Kung ang mister mo naman ay wala ding nabibili para sa sarili nya, huwag nang maghangad ng mga pampaganda at unahin muna ang mga pangangailangan ng buong pamilya, gaya ng pagkain, tubig, bills, edukasyon ng mga anak, at iba pa.


Eto na lang mga misis. Isipin niyo. Kung kayo ang main financial provider sa inyong pamilya at yung asawa mo naman ang house husband, willing ka ba na ibigay ang buong sahod mo sa kanya? Kasi di ba, kadalasan, kung sino ang nagmamanage ng bahay, siya rin dapat ang nagmamanage ng pera? Pero kung hindi mo kayang ibigay ang buong sahod mo sa iyong asawa kapag nabaligtad ang inyong "roles," ay huwag ka nang maghangad ng buong sahod ng iyong mister.

Ngayon kasi, pakiramdam ng maraming mga misis na kapag hindi ibinibigay sa kanila ang buong sahod ng kanilang mga asawa ay naaapi na sila, hindi mahal, or hindi nirerespeto. Hindi dapat ganun ang maramdaman. Kung nabibigay naman ang pangangailangan mo at ng iyong mga anak, matutong makuntento. Pero saludo ako sa mga misis na rumaraket sa kani-kanilang mga tahanan para matulungan ang kanilang mga mister na kumita. 

Sa aming mag-asawa, alam namin kung magkano ang kinikita ng bawat isa. Kahit ako ang misis, hindi ko naman kinukuha ang buong kita ng asawa ko. Ang sa akin lang, yung mga nakatoka sa kanya na bills o bilihin ay dapat masagot niya. Kung may extrang pera na natira, ang usapan namin ay hindi rin dapat namin ito basta-basta gastusin. Kung may gustong bilhin, kailangang magpaalam muna.


-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Sept. 16, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments