Jirapi Opinion: Pagbili ng Gamit ni Baby Nang Maaga, Masama Nga Ba?

pagbilig ng gamit ni baby nang maaga

Sabi ng mga nakatatanda, wag daw bumili agad ng gamit ni baby nang maaga kasi masamang senyales ito na may hindi magandang mangyayari sa sanggol na nasa iyong sinapupunan. Mas maigi raw na magsimula bumili ng gamit ng baby kapag 7 months up na.

Para sa akin, tama naman sila. Hindi ko pa noon naririnig ang kasabihan na ito noong ako'y nagbubuntis, pero pinili kong bumili ng gamit ng aking baby nang naging 6 months ang aking tiyan. Hindi naman sa pag-aano, pero may posibilidad pa kasi na mawala ang baby sa sinapupunan 6 months below. Kumbaga hindi pa siya kapit na kapit. Pero kapag 7 months na, premature man siyang ilabas ay malaki-laki na rin ang tiyansa niyang mabuhay. 6 months ako nagsimula bumili ng gamit para preparasyon in case manganak ako ng premature o 7 months. Inuna ko munang bilhin ang mga basic na gagamitin sa ospital para hindi masayang ang aming pera.

Habang ako'y nagbubuntis, masugid akong tagasubaybay ng mga usapang nanay at buntis groups. At nakababasa ako ng mga pangyayari na nawala ang kanilang baby nang maaga at nanghihinayang sila sa mga gamit na kanilang binili at hindi na maisauli. 

Kung kayong mag-asawa ay parehas namang maayos humawak ng pera at mapagtimpi sa paggastos, ang perang nakalaan para sa gamit ng inyong magiging anak ay hindi magagalaw. Kaya naman, okay lang ang bumili ng gamit kahit 6 months pataas na.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on Aug. 17, 2020. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments