Posts

Showing posts from 2021

Paano Makakuha ng Google Adsense Pin Kahit Pandemic 2021 Philippines

Image
Bago ka maka-withdraw ng earnings mo sa Google Adsense, need mo muna i-verify yung billing payment address mo sa pamamagitan ng pag-input mo ng iyong Google Adsense Pin. Yung Google Adsense Pin, marereceive mo yun kapag yung Youtube Channel or blog mo na may Google Ads ay naabot na yung minimum na kita na $10. Tapos, automatically mag-eemail sa'yo ang Google Adsense na pinadala na nila yung Google Adsense Pin mo at wait mo na lang ma-receive within 2 to 3 weeks. Ano ba ang Google Adsense Pin? Ano ang itsura niya? Noong una, nagtataka ako kung ano ba yung Google Adsense Pin. Akala ko, email verification pin lang siya, pero hindi. PISIKAL na SULAT / LETTER / MAIL pala siya. Ganito ang itsura ng Google Adsense Pin: Harap Likod Open Paano makukuha ang Google Adsense Pin eh pandemic? Iniisip ko, paano makakarating yung sulat sa bahay namin, eh pandemic. Tapos di ba, wala naman tayong nilalagay na cellphone number natin dun sa Account natin sa Google Adsense kasi walang nirerequire. Pang

Pet Warehouse Philippines Review: Best Online Pet Shop for Cat Lovers Like Me!

Image
Gusto ko lang i-share kung saan ako bumibili ng cat essentials. Not a sponsored post (as if may mag-sponsor sa unknown mommy blogger 😂).  Kwento muna. Yung mister ko bwisit na bwisit kapag inuutusan ko siya bumili ng cat litter (yung buhangin na taehan ng pusa). Mabigat kasi yun, mga nasa 8-10 kilos yata. Kahit mag-tricycle siya, kailangan pa rin niyang maglakad sa eskinita papunta sa apartment namin habang buhat-buhat yung buhangin. Siguro mga 6 na bahay ang kailangan niyang lagpasan bago siya makarating sa bahay. Kaya para hindi na mabwisit ang asawa ko, naghanap ako ng online shop na nagtitinda ng cat litter. Nagsearch muna ako sa Shopee at Lazada, para door-to-door ang delivery. Kaso ang shipping fee, sobrang mahal! Kasi nga mabigat ang cat litter. Tapos bigla sumulpot sa Facebook newsfeed ko ang ads ng Pet Warehouse Philippines at may tinda silang cat litter 😍 Ano ang Maganda sa Pet Warehouse Philippines? 1. Murang cat litter. Meron silang murang binebentang cat litter brand. S

14 na Rason Kung Bakit Hindi Ka Gusto ng Biyenan Mo

Image
Nagtataka ka ba kung bakit hindi ka gusto ng iyong biyenan? Marahil isa sa mga sumusunod ang dahilan: 1. "Inakit" mo agad ang kanyang anak na hindi pa tapos sa kanyang pag-aaral. Kahit naman sinong magulang ay maiinis sa taong "umakit" sa kanyang anak na hindi pa tapos sa pag-aaral. Although may fault ang babae at lalake, ang kadalasang reaksiyon ng mga magulang ay ang kanilang anak ang "biktima" at ikaw ang may pinaka-may kasalanan. 2. Wala kang tinapos at wala kang hanapbuhay. Walang magulang ang may gustong humantong ang kanilang anak sa taong tila walang kinabukasan. Mas nagiging panatag ang loob nila kapag ang makakatuluyan ng kanilang anak ay may tinapos sa pag-aaral, may hanapbuhay, o may pinagkakakitaan. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, hindi na aari yung iisa lang ang nagtratrabaho. 3. Hindi mo nagagampanan nang maayos ang mga obligasyon mo para sa iyong pamilya. Sa makalumang pananaw lang muna tayo. Pagdating sa hatian ng obligasyon ng mag-asaw

Mga Pwedeng Trabaho o Pagkakitaan ng mga Nanay o Tatay na Nasa Bahay, Pandemic Man o Hindi

Image
Madami akong nababasa sa mga mommy groups na hindi sila makapagtrabaho kasi walang magbabantay sa mga anak nila. Pero dear parents, baka hindi niyo pa alam, marami na ngayong online work at online business na pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang. Kaya ang magtrabaho at kumita habang nag-aalaga ng mga anak habang nasa bahay ay hindi na imposible. 👌 Unahin muna nating pag-usapan ang online work... Narinig ko na ang online work, pero wala naman akong tinapos, pang-matatalino lang yan... Mga nay at tay, yung karamihan sa mga ibibigay kong halimbawa ng online work ay hindi nangangailangan ng college diploma. Ang mga employer kasi sa online work ay halos taga-ibang bansa at hindi big deal sa kanila kung nakatapos ka man o hindi. Ang mahalaga ay may maipakikita kang skills. Halimbawa, gusto mong maging online graphic artist. Hindi mo need ng diploma sa fine arts. Basta creative ka at magaling mag-design, pwede ka pa ring matanggap. Sa online work, ang mga employer ay mas may pakialam sa

Mga Pwedeng Gawin Para Mabawasan ang Pagsusuka Habang Buntis

Image
Isa sa mga pinaka-ayaw kong part ng pagbubuntis ay yung pagsusuka. Yung tipong kahit ang sarap ng ulam niyo ay hindi mo magawang makain kasi 3 minutes lang ay isusuka mo rin agad. 😂  Madalas nakararanas ng pagsusuka ang mga buntis sa unang tatlong buwan o first trimester. Kusa rin naman itong nawawala pagsapit ng second trimester (4-6 months). Sa kaso ko naman, 5 buwan akong suka nang suka. Hindi talaga kaaya-aya sa pakiramdam (at panlasa) yung pagsusuka habang nagbubuntis. Kaya naman, subukan niyo eto mga momsh para makakain kayo nang maayos kahit papaano. A. Mabagal, pakonti-konti, at madalas na pagkain (small frequent meals) Kapag ikaw ay buntis, parang yung mga kinakain mo ay hindi bumababa at naiipon lamang sa may lalamunan o dibdib mo. Parang hindi siya bumababa ng tiyan, kaya naman mabilis kang nasusuka. Kaya mas okay na bagalan at kontian lamang ang mga kinakain mo para hindi agad mapuno yung lalamunan/dibdib mo at mabigyan pa ng time na mas bumaba yung mga pagkaing naunang ni

Ano Ba ang Ibig Sabihin ng Polyhydramnios sa Ultrasound ng Buntis?

Image
Kung ikaw ay buntis at nakita mong may nakasulat na "polyhydramnios" sa iyong ultrasound, ibig sabihin nito ay masyadong maraming amniotic fluid sa iyong sinapupunan.Yung amniotic fluid yung tubig na pumapalibot sa iyong sanggol. Mas kilala rin ito sa tawag sa Tagalog na panubigan. Ang amniotic fluid ay nagbibigay ng proteksyon sa sanggol at tumutulong ito para mapangasiwaan ang temperatura sa loob ng tiyan. Nakatutulong din ito para maayos na madevelop ang mga baga ng sanggol at lumaking walang problema ang kanyang mga buto at kalamnan. Masama ba kung may polyhydramnios? Ang sagot dito ay oo. Pero marami namang mga paraan upang maging mas ligtas ang pagbubuntis, kaya naman hindi dapat gaanong mangamba. Pero bakit nga ba mapanganib ang pagkakaroon ng polyhydramnios?  Dahil masyadong maraming amniotic fluid sa sinapupunan, mas bumibigat ang pressure sa tiyan at masyadong nasisiksik ang mga kalapit na organ. Ang epekto nito sa ina ay makararanas siya ng iba't ibang mga si