Mga Pwedeng Trabaho o Pagkakitaan ng mga Nanay o Tatay na Nasa Bahay, Pandemic Man o Hindi

work from home

Madami akong nababasa sa mga mommy groups na hindi sila makapagtrabaho kasi walang magbabantay sa mga anak nila. Pero dear parents, baka hindi niyo pa alam, marami na ngayong online work at online business na pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang. Kaya ang magtrabaho at kumita habang nag-aalaga ng mga anak habang nasa bahay ay hindi na imposible. ðŸ‘Œ

Unahin muna nating pag-usapan ang online work...

Narinig ko na ang online work, pero wala naman akong tinapos, pang-matatalino lang yan...

Mga nay at tay, yung karamihan sa mga ibibigay kong halimbawa ng online work ay hindi nangangailangan ng college diploma. Ang mga employer kasi sa online work ay halos taga-ibang bansa at hindi big deal sa kanila kung nakatapos ka man o hindi. Ang mahalaga ay may maipakikita kang skills.

Halimbawa, gusto mong maging online graphic artist. Hindi mo need ng diploma sa fine arts. Basta creative ka at magaling mag-design, pwede ka pa ring matanggap. Sa online work, ang mga employer ay mas may pakialam sa iyong abilidad kaysa sa iyong resume. Bukod dito, karamihan sa mga employer ay willing mag-hire ng mga baguhan at hindi kagalingan, kasi nagproprovide naman sila ng training.

Halimbawa ng mga online work:

  • Online Graphic Artist (self-learned, no need ng diploma, basta creative at magaling mag-design)
  • Video Creator/Editor (self-learned, no need ng diploma, basta creative at magaling gumawa ng videos)
  • Web Designer (can be self-learned, no need ng diploma, basta may excellent web designing skills)
  • Web Programmer (can be self-learned, no need ng diploma, basta may excellent programming skills)
  • Homebased Call Center Agent (need at least high school diploma, marunong mag-English, kahit di perpekto, provided naman ng employer ang scripts at may training)
  • Homebased Chat Support (need at least high school diploma, marunong mag-English, kahit di perpekto, provided naman ng employer ang scripts at may training)
  • Online Accountant o Bookkeeper (need ng college diploma, sometimes need CPA passer ka rin)
  • Virtual Assistant or Online Secretary (can be self-learned, gusto karamihan ng employers ay may experience at marunong mag-English, pero marami ring naghihire ng baguhan at nagproprovide ng training)
  • Web Content Writer (self-learned, no need ng diploma, basta magaling magsulat at mag-English)
  • Social Media Specialist (can be self-learned, gusto karamihan ng employers ay may experience at marunong mag-English, pero marami ring naghihire ng baguhan at nagproprovide ng training)
  • ESL Tutor or English Tutor (sometimes need ng diploma or teaching certifications, or basta marunong ka lang mag-English, no need na super galing mo sa English kasi ang tuturuan mo naman ay ibang nationalities like Chinese, Korean, etc., nagproprovide din ng training ang employer)
  • Online Transcriptionist (sometimes need ng diploma or certifications especially for certain fields like medical transcriptions, requires excellent listening skills at mabilis mag-type)
Marami pang iba't ibang uri ng online work, hindi lang iyang mga nabanggit ko. Pero iyan ang kadalasang in-demand.

Hindi naman ako pwede sa mga sinabi mong online work. Wala akong laptop at internet. Wala akong skills. Hindi rin ako magaling mag-English. Paano ako matatanggap?

Mahirap nga po kung ganyan. Pero ika nga nila, kung ayaw, maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.

Kung walang laptop at internet... Mangutang, manghiram sa kamag-anak/kaibigan, mag-rent, or magbenta ng cellphone, appliances, at preloved items para makalikom ka ng pera. Pwede ka ring makipag-barter sa online barter communities sa Facebook.

Kung walang skills... Isipin mo muna kung ano ang gusto mong applyan na online work. Halimbawa, gusto mong maging social media specialist. Kung ang karamihan ng nakikita mong requirements sa mga job description ng social media specialist ay "must know how to create Facebook ads that attract customers," mag-aral ka muna kung paano gumamit ng Facebook ads. Or kung ang requirement ay "must know basic Photoshop skills," mag-aral ka rin niyan.

Maglaan ka ng 3-6 months para mapag-aralan ang mga skills na wala ka, para confident kang makapag-apply at mas mataas ang chances mo na ma-hire. Hindi mo naman need pumasok sa eskwelahan para matutununan ang mga iyan. Napakarami ngayong blogs at Youtube tutorials na pwede mong basahin at panoorin. Kaya sa halip na pa-browse-browse ka lang sa social media, panood-nood ng Kdrama, o pa-Tiktok-Tiktok ka lang, gamitin mo yung mga time mo para rito sa pag-aaral ng bagong skills.

Kung hindi magaling mag-English... Kung ang aapplyan mo naman ay hindi gaanong kailangan ng English like online graphic artist, web designer, video creator, etc... Sapat na yung English kahit medyo mali ang grammar. Para at least lang maiintindihan kang mag-English ng boss mo kapag kinakausap ka niya. Para maging mas marunong ka mag-English, mag-English speaking kayo sa bahay niyo. Pwede rin ikaw magbasa ng English blogs habang hinihintay mong ma-in-in yung sinaing, habang pinapaikot yung washing machine, habang karga ang iyong anak, at iba pa. Pwede ka rin makinig ng English podcasts. Siguro para hindi kayo paikot-ikot at kung anu-ano lang ang aaralin niyong English, magfocus muna kayo sa "Business English" or "Workplace English." Search kayo sa Google or Youtube ng "Business English Lessons" or "Workplace English Lessons" para may idea kayo kung anu-ano ba yung mga common na usapan sa isang work setting.

Saan pwede makapag-apply ng online work? Basahin niyo ito mga nay at tay. Dito kayo makahahanap ng online jobs 👉 https://biz30.timedoctor.com/38-legit-filipino-work-from-home-job-sites-that-will-not-scam-you/

Ngayon ay online business naman ang ating pag-usapan...

Online business. Kung hindi niyo talaga gusto ang online work, pwede rin naman kayo mag-online business. Dahil sa Covid-19 pandemic, mas naging flexible na ngayon ang mga supplier at delivery courier. Noon, ang mga supplier na taga-Divisoria, Taytay, at iba pa, ay hindi nagshiship ng items nila at gusto nilang ikaw mismo ang pumick-up sa stall nila. Pero dahil sa public place at traveling restrictions ng pandemic, hindi makapick-up ang karamihan sa mga customer, kaya bumaba rin ang kita ng mga supplier. Dahil dito, napilitan na rin silang mag-open for shipping. Ganun din sa mga delivery courier. Dahil sa pandemic, nag-ooffer na ang karamihan ng couriers ng house pick-up ng mga items na gusto mong ipadala for free. Kaya hindi mo na kailangang pumila sa mismong office ng delivery courier para ipadala ang items.

Yun nga lang, kailangan magsumikap ka nang husto sa pagpropromote ng iyong online business. Yung iba, magpost lang ng mga binebenta nila ay nabibili agad. Pero hindi lahat ng sellers ay swerte sa bentahan. Yun ngang Alibaba ni Jack Ma, 11 years siya bago kumita talaga. Pero dahil hindi agad sumuko si Jack Ma at ang team niya, napakayaman naman na nila ngayon. Kung wala kang tiyaga at suko ka agad kasi walang pumapansin sa items mo, siguro... hindi para sa iyo ang maging negosyante.

Halimbawa ng mga pwedeng itinda sa online business:

  • Preloved items
  • Halaman
  • Computer parts
  • Baby items
  • Motorcycle parts
  • Bicycle parts
  • Bedsheet
  • Ready-to-Wear (RTW)
  • Educational toys
  • Books
  • Sapatos, Tsinelas
  • Bags
  • Cakes
  • Party needs
  • Party food trays
  • Fitness tools and equipment
  • Portable videoke
  • Baking tools
Eto yung mga items na naging patok habang pandemic. Pero kahit ano naman ay pwede mong ibenta.

Other online business:
  • Online influencer (blogger, vlogger) - Basically online business din ito kasi wala ka naman aapplyan na amo. Gagawa ka ng content or videos na need mong pasikatin para ma-monetize sila at makaakit ng sponsorships. 
Wala naman akong pampuhunan...

Meron na ngayon mga nay at tay na tinatawag na dropshipping. Yung kahit wala kang puhunan ay pwede mong i-resell items ng supplier mo. Tapos kapag may umorder sayo, yung supplier na ang bahalang mag-ship ng items sa buyer mo. Hanap ka lang ng supplier na nag-ooffer ng dropshipping. 

Pwede rin namang magbenta ka ng gamit mo sa bahay para makalikom ng pera at magstart sa kaunting puhunan kahit 500 para makapag-onhand ka. Tapos kapag nabenta na, saka ka ulit bumili ng panibagong pambenta.

Wala namang bumibili kahit nagpost at nagshare na ko sa Facebook groups...

Mga nay at tay, kung yun ngang mga may full time job ay required magtrabaho ng 8 hours bago sila kumita ng 400-500 isang araw... ano pa kaya ang online seller? Natanong niyo na ba sa sarili niyo kung talagang pinaggugugulan mo ng oras ang iyong online business araw-araw? Hindi porke't nagpost at nagshare ka na sa Facebook groups ay may bibili na agad lalo na kung nag-uumpisa ka pa lang at wala ka pang pangalan, hindi ka pa kilala.

Kung gusto mong mas mabilis kumita ang online business mo, itrato itong parang full time job o higit pa. Hindi yung nakailang post at share ka lang sa groups ay yun na at titigil ka na at wala ng gagawin. Yung iba ngang online sellers, kahit sikat na sila, ay gumagastos pa rin sa Facebook Ads para mas mapansin ang products nila. Kaya kung umaasa ka lang sa "free advertisements" dapat mas pagbutihin mo pa ang pagpropromote ng items mo.


Good luck mga nay at tay sa inyong online work at online business venture!! Para sa mga nanay at tatay na nakakita na ng success sa online work o online business, share niyo naman sa comments para mas ma-encourage ang iba.

-----------------------------------------
Nagbebenta ako mga nay at tay ng mom, dad, and baby needs. Order naman kayo sa facebook.com/jirapiofficial o sa shopee.ph/jirapiofficial. Thanks!
-----------------------------------------

This blog is originally written by jirapi.blogspot.com and published on June 8, 2021. If you see this blog posted elsewhere, please contact me on this page.

Comments